Chapter 3

1636 Words
Nakatayo sa tapat ng malaking mansyon si Theia. Kinakalma niya ang kanyang sarili sa sari-saring emosyon na naglalaban sa kanyang kalooban. Mahigit dalawang taon na ang nakakaraan nang huli siyang tumapak sa lugar na iyon. “Cara mia!” pukaw ni Rome sa kanya, “Don’t tell me tatayo ka na lang diyan. This is our home, cara mia. Don’t act as if you are about to enter a prison,” malamig nitong wika sa kanya. “This is not a home, Roman. It’s more like a prison to me,” malamig niyang sagot. Tumikhim si Albert sa kanilang likuran. “Rome, Lady Theia, mas magandang pumasok na tayo. Naghihintay na ang mga tauhan sa inyong pagbabalik,” nakangiting wika ni Albert. Tinanguan niya ito, bumuntong-hininga siya at dahan-dahang naglakad palapit sa mga taong naghihintay sa kanila. “Welcome back, Lady Theia!” sabay-sabay na bati sa kanya ng mga tauhan. “Salamat!” tipid niyang tugon sa mga ito. “Master Rome!” ganoon din ang sabay na sabay ng pagbati ng mga ito kay Rome. “Let’s go,” ani ni Rome sa kanya. Naunang naglakad paakyat ng grand staircase si Rome. Walang imik siyang sumunod rito. Huminto sila sa tapat ng master bedroom. Binuksan ni Rome ang pinto at pinauna siyang pumasok sa silid. Iginala niya ang kanyang paningin sa buong silid. Walang pinagbago ang ayos nito. Ito pa rin ang silid na naging saksi sa lahat ng sakit na naranasan niya sa panahong namalagi siya sa Henarez Estate. “I have an important matter to attend to, cara mia,” wika nito sa kanya, lumapit ito at hinaplos ang kanyang pisngi. Iniwas niya ang kanyang mukha. Bumuntong-hininga ito at muli siyang tinitigan saka walang kibong lumabas ng silid. Binuksan niya ang walk-in closet, lahat ng mga gamit niya ay nakasalansan nang maayos katabi ng mga gamit ni Rome. Naupo siya sa harapan ng mga nakahilirang mga sapatos. Kinuha niya ang kanyang lumang Velvet high-heeled shoes na siyang suot niya noong unang pagkikita nila ni Rome. Unti-unting bumalik sa kanya ang unang beses na pagtatagpo ng landas nila ni Rome. Three years ago, “Theia, ano ka ba naman, couz! Ang bagal-bagal mo!” reklamo ng pinsan niyang si Lena. “Sandali lang naman,” aniya. Nagmamadali silang dalawa dahil mahuhuli na sila sa job interview sa Henarez Empire International. Fresh graduate sila ni Lena, nagkataong kasintahan ng Kuya Greggy niya si Elise, Human Resource assistant ito sa kompanya. Si Elise ang nagsabi sa kanila na hiring ang H.E. International, kaya naman agad-agad silang nagpasa ng resume rito. Tinawagan silang magpinsan na pasado sila sa initial screening, kaya may exam at interview sila sa araw na iyon. Pumasok sila sa examination room, kinakabahan siya dahil ayon sa pag-reresearch nila ni Lena ay madugo ang exam. Nasa isangdaang aplikante ang nasa loob ng examination room base sa attendance sheet na pinirmahan niya. “Grabe! Couz, ang daming applicant, mukhang dadaan tayo sa butas ng karayom nito,” kinakabahang wika ni Lena sa kanya. “Oo nga eh, kaya natin ito. Kung hindi tayo pumasa, eh di mag-apply tayo sa iba,” pagpapalakas ng loob na wika niya sa pinsan, nginitian niya ito. Ilang saglit pa ay bumukas ang pintuan ng examination room at pumasok ang apat na kababaihan. Isa sa mga ito ay si Elise. “Good morning, everyone! I am Mrs. Susan Cortez, and these are Ms. Elise Delos Reyes, Ms. Agatha Benson, and Ms. Digna Manansala. They will facilitate today’s examination. Good Luck!” walang kangiti-ngiti na wika nito. Nagsimula ang pagsusulit, buti na lang at nag-agahan sila ni Lena dahil ten minutes lang ang break sa bawat exam. Alas onse na ng umaga nang matapos ang kanilang exam. Parang binabarina ang kanyang utak sa hirap ng pagsusulit na pinagawa sa kanila. “Couz, ang hirap grabe para akong nag-take ng board exam,” nakasimangot na wika ni Lena sa kanya. Nasa isang coffee shop sila ni Lena, katapat ng Henarez Building. Iilan lang ang customer na nandoon. “Hi, pwedeng maki share?” singit ng tinig sa kanyang likuran. “Elise!” sabay na bulalas nilang magpinsan. Tumabi ito sa kanya. “Nakuha ko na ang result, pasado kayong dalawa sa exam kaya pasok kayo sa interview,” nakangiting wika nito sa kanila. “Siyanga!” usal ni Lena. “Oo!” nakangiting anito. “Salamat, Elise!” aniya sa babae. “Huwag muna kayong magpasalamat,” anito. “Kailan ang interview? Ilan ba ang mag-interview sa amin?” tanong niya. “Si Mrs. Cortez ang una tapos kung makapasa kayo sa kanya, haharap kayo sa panel interview,” pagbibigay alam nito. “Madami-dami pa pala kaming pagdaraanan. Grabe naman! Accounting staff lang pero super-duper pahirapan,” buntong-hiningang wika ni Lena. “Ganoon talaga sa lahat ng applicant. Pero sabi nila mas mahirap daw ang pinagdadaanang pagsubok ng executive assistant ng CEO. Pero walang nagtatagal sa position na iyon.” Inabutan silang magpinsan ng dalawang sandwich ni Elise bago nagpatuloy ito sa pagkwekwento sa kanila. “Ang pagkakaalam ko ang pinakamatagal ay dalawang linggo,” nakangiting sabi pa nito. “Talaga? Bakit naman?” takang tanong niya kay Elise. “Oo, walang nakakaalam ng dahilan kung bakit ganoon,” tugon nito sa kanya sabay inom ng kape nito. “Pero madami pa ding curious kaya madaming applicant ang nag-aaply bilang EA.” “Buti na lang pala sa Accounting Department kami kung sakali,” komento naman ni Lena. Pinagpatuloy nila ang pagkain. Panaka-naka ay nagtatanong sila ni Lena tungkol sa kalakaran sa H.E. na masigla namang sinasagot ni Elise. “Tara na at malapit nang magsimula ang interview ninyo,” nakangiting yaya ni Elise sa kanila. Binayaran nila ni Lena ang kinain nila at kasabay na nilang tumungo sa Henarez Empire Building si Elise. Nasa tapat sila ng elevator ng makaramdam siya ng tawag ng kalikasan kaya nagpaalam siya sa dalawa. “Lena, Elise, magbabanyo muna ako, mauna na kayo. Naiihi na talaga ako, nakalimutan kong magbanyo sa coffee shop,” aniya. “Sige, doon sa right side ang common bathroom,” wika ni Elise sa kanya. “Sige, couz,” ani naman ni Lena. “Salamat!” kumaway siya sa dalawa at dali-daling naglakad patungo sa direksyon na tinuro ni Elise sa kanya. Pumasok siya sa pinakadulong cubicle. Ilang saglit pa lang siyang nakakaupo nang may marinig siyang dalawang tinig na nag-uusap. “Nakakainis, napakalandi talaga ni Ms. Digna, lahat ng nag-apply sa opisina ng CEO ay hinaharang niya!” gigil na wika ng isang tinig. “Ano ka ba? Di ba nga malakas ang tama ni Ms. Digna kay CEO,” ani naman ng isa. “Pero dapat hindi niya hinadlangan ang kapatid ko. Tanggap na si Brenda bilang EA ni CEO pero ginawaan ni Ms. Digna ng issue,” mahahalata ang matinding inis sa tinig ng babae. Masama mang makinig sa usapan ng iba pero di niya maiwasang ma-curious sa pinag-uusapan ng mga ito. Pinagpatuloy niya ang pakikinig sa usapan ng dalawang babae. “Akala naman ni Ms. Digna ay may pag-asa siya kay CEO. Ang balita ko ay isang babae lang ang minahal at patuloy na mahal ni CEO,” tugon naman ng pangalawang babae. “Naku, bumalik na nga tayo sa station natin, medyo kalmado na ako. Ang mahalaga kahit sa Finance na-assign ang kapatid ko, okay na din,” wika naman ng unang babae. Napabuntong-hininga si Theia nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng bathroom. Lumabas na ang dalawang babae, kaya dagli siyang nag-ayos at lumabas ng cubicle. Nag-retouch muna siya bago tuluyang lumabas ng bathroom. Nasa harapan siya ng elevator nang bumukas ito, hindi tumitinging pumasok siya at pinindot niya ang 5th floor kung saan naroon ang Human Resource Department. Pero ayaw umilaw nito. Sinubukan niya uli nang maramdam niyang pumasok ang dalawang lalaki. Mabilis na sumara ang elevator at doon niya napansin na mirror wall ang buong elevator. Hindi iyon ang sinakyan nila ni Lena pababa sa lobby kanina. Napasinghap siya, dalawang lalaking ang malinaw na nakatitig sa kanya sa salamin. Lalo na ang mas matangkad na katabi niya. Matiim ang titig nito, maamo ang mukha nito pero ang mga mata nito ay walang buhay. May takot na gumapang sa kanya sa pagkakatitig sa mga abuhing mata ng lalaki. “Quit staring or I kill you!” malamig nitong wika na nagpasinghap uli sa kanya. “I’m s-sorry, tingin ko po ay maling elevator ang nasakyan ko,” nauutal niyang wika. “Miss, this elevator is exclusive for the CEO,” wika naman ng mas friendly ang mukha na lalaki, moreno ito. Napasinghap siya, kung tama ang kutob niya, ang lalaking katabi niya na malamig ang titig sa kanya ay ang CEO. Ito ang tinutukoy ni Elise at ng dalawang babae na nag-uusap sa bathroom. “Pasensya na po,” nakayukong hinging paumanhin niya. Hindi niya matagalan ang titig ng lalaki na nakikita niya sa salamin. “You must be an applicant?” tanong ng morenong lalaki sa kanya. “Yes, sir,” tugon niya. “You need to go down again, para makarating ka sa opisina ng HR,” nakangiting wika nito sa kanya. “Salamat po, Sir,” aniya. Nag-iinit ang kanyang pisngi dahil ramdam niya ang pagtitig ng CEO sa kanya. Mabilis na mabilis ang pintig ng kanyang puso. Tumunog ang elevator hudyat na nasa palapag na sila ng opisina ng CEO. Pigil ang hininga niya nang walang kibong lumabas ang dalawa sa elevator. Papasara na ang elevator ng muling magtama ang tingin nila ng CEO nang lumingon ito sa kanya. Nang tuluyang sumara ang elevator ay saka pa lamang niyang pinakawalaan ang kanyang hininga. “Goodness, Theia! Nakakahiya ka talaga, nakuha mo pa talagang makipagtitigan sa kanya,” inis na sita niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD