Chapter Twenty Eight Maingat kong hinila ang mga kuryenting nasa loob ng transformer para hindi ako nito madikitan. Naalala ko ang mga sinabi sa amin ni Mom. May ibang ways pa upang makakuha ng real Electricity. Iyon ay ang nanggaling sa amin. Subalit, hindi ko alam kung paano ko gagawin. Paano ko ilalabas ang electricity sa aking katawan? Napangin ako kina Matt sa ibang bahagi at kitang-kita kong binubugbug na siya ng mga ABIs. Kailangan kong makahanap ng paraan. Kailangan kong tulungan si Matt at Ellina. Paano ba ito? Paano ko papalabasin ang Electricity. Napapikit ako sandali at nag-isip isip. Ikinalma ko ang aking sarili hanggang sa maalala ko ang turo ni Dad sa akin noong buhay pa ito. "Any liquid form is a good conductor of electricity, Zyck. Remember that always," sabi ni Mom

