Chapter Twenty Nine Matthew's POV Nagmulat ako ng aking mga mata at agad na tumambad sa aking ang puting kulay na Ceiling. Nang ilibot ko ang aking mga mata nakita kong niyayakap ni Ellina ang kaniyang ama. Nakita ko rin sa bandang unahan ko ang dalawang tao na unfamiliar sa aking. Hindi ko kilala ang dalawa. Madungis ang mga ito at kulay abuhin ang kulay ng kanilang mga kasuotan. Agad akong napatingin sa kinahihigaan ni Cedric. Nanlaki na lang ang aking mga mata nang makita kong wala siya roon. Paanong nawala ang kaniyang katawan? Nang makita ni Dr. Faraday na nagising na ako lumapit siya sa alin at agad na binunot ang stripped wires sa aking batok. Uupo na sana ako nang bigla kong maramdaman ang sobrang p*******t ng aking katawan. Naalala ko bigla ang pambubugbug na ginawa sa akin

