" Vernooooon ! buksan mo tong pintooo! " sigaw ni mama.
Pero hindi parin bumababa si Vernon, btw Vernon Chwe is my brother he is 21 years old guy na mahilig daw magpatugtog ng ubod ng lakas, maglaro ng online games at heto ang matulog.
" Natutulog nanaman siguro tong batang ito humanda talaga to sakin pag nakapasok ako " inis na saad ni mama.
" Vernoooon !! "
Muling tawag ni mama pero wala pading Vernon ang nagbubukas ng pinto.
Napalingon ako kay mama dahil sa bigla itong tumahimik.Naabutan ko itong diretsyong nakatayo at seryosong nakatingin sa direksyon ng pintuan namin.
Mayamaya pa'y bumwelo na ito sabay na inihagis ang sandals nitong pagkakapal.
Tumama ang sandals ni mama sa pinto pero wala pading Vernon ang nagbubukas ng pinto. Kung anoano ng binato ni mama pero hindi parin bumababa si Vernon para buksan ang pinto.
" Humanda talaga tong batang to pag nakapasok akoo! " sigaw nito sabay hagis sa tumbler kong stainless.
Pero hindi pa tumatama ang tumbler ko e bigla ng nagbukas ang pinto at inilabas nito si Vernon na bagong gising at sa kamalas malasan ni Vernon ay tumama sa noo nito ang stainless kong tumbler.
Napatigil kami ni mama ng tumama sa noo ni Vernon ang tumbler ko at dahandahan itong bumagsak sa sahig.
" ebarg ka ma kagigising lang ni Vernon pinatulog mo na uli " pailing-iling kong saad.
" ikaw manahimik ka diyan kung ayaw mong matulog uli at bumalik uli ng hospital " rinig kong saad ni mama.
" Joke lang ma hindi naman mabiro tara na nga pasok na natin si Vernon sa loob malamig pa naman ang sahig hehe " saad ko sabay diretsyo sa tulog na si Vernon
" yan tulog ka kasi ng tulog e headshot ka tuloy kay maderdragon " bulong ko kay Vernon habang untiunti namin siyang hinihila papunta sa sala.
" Dito nalang clio jusme hindi ko na kaya napakapayat naman nitong batang to pero bakit napakabigat huh! " inis na sabi ni mama nang matapos naming hilahin si Vernon papunta sa sala habang ako naman ay pabagsak na humiga sa kutsyon at napatulala nalang sa kisame sa sobrang pagod.
Habang nakahiga ay nilibot ko ang buong sala ang aliwalas ng kulay ng bahay namin.
Purong kulay aquamarine ito may dalawang magkaharap upuan na isa lang ang kasya at isang mahabang upuan naman na ngayon ay hinihigaan ko sa gitna naman ng mga upuan na ito ay isang maliit na glass table na may nakapatong na halaman sa ibabaw nito.
May tatlong pinto sa Floor na ito ang isa ay satingin ko ay kusina sa tabi naman nito ay siguro c.r dahil sa may doormat sa ilalim ng pinto nito.
Hays ganto pala itsura ng bahay namin? kahit anong pilit kong alalahanin ang bahay namin eh wala talagang pumapasok sa utak ko.
" gusto mo bang makita ang kwarto mo clio? " rinig kong tanong ni mama dahilan para lingunin ko ito.
Nakangiti ito habang nakatayo sa tabi ng hagdan. Kwarto ko? nihindi ko narin matandaan kung anong itsura ng kwarto ko, kung anong kulay ng pader nito ,kung anong mga staff ang hilig kong itago o itabi sa kwarto ko hays grabeng amnesia to walang tinira .
Nginitian ko lang ito at sabay na tumayo at nagsimulang maglakad sa direksyon ng hagdan. Unti-unti akong humakbang paakyat dinadamdam bawat yabag sa tiled naming hagdan habang nakahawak sa bakal na hawakan. Pilit na inaalala ang mga nawalang ala-ala ng biglang
" ay butekee " daing ko ng hindi ko napansing hindi pala ako nakaapak sa susunod na step ng hagdan.
" ay depuga napakaboba talagang bata oh " sigaw ni mama sa dulo ng hagdan.
" ano te pati ba pag-akyat sa hagdan nakalimutan mo na din? " matawa-tawang pangaasar ng gising na palang si Vernon.
Nilingon ko ito sabay na tinapunan ng pamatay kong tingin. Naabutan ko itong nakangisi habang may hawak na icebag sa ulo nito kung saan tumama ang tumbler kong stainless.
" hoy manahimik ka diyan kung ayaw mong madagdagan yang icebag na hawak mo " saad ko sabag na nagmadaling umakyat papunta sa second floor.
" naaalala ko ng nagmana siya kay mama hmp ! " inis kong saad sa sarili ng makaakyat na ako sa second floor.
Nang makarecover na ko sa inis ay napansin ko ang tatlong pinto sa palapag na ito. Bawat pinto ay may nakasabit na karton na may nakasulat na kung ano na hindi ko mabasa ng malayuan dahil sa malabo ang mata ko. Lumapit ako sa unang pinto para tingnan ang kung anong nakasulat dito.
" Vernon " basa ko sa nakasulat kwarto siguro ito ni Vernon.
Naglakad naman ako muli papunta sa katabi lang nitong pinto at tiningnan rin kung ano ang nakasulat dito.
" Mama Carissa " kwarto ni mama naman ito.
Napalingon ako sa huling pinto unti-unti akong lumapit rito para tingnan kung ano ang nakasulat sa karton na nakasabit dito. Napangiti ako sa nabasa.
" Clio "ang kwarto ko .
Hinawakan ko na ang doornub ng pinto at dahandahang itinulak paloob ang pinto. Sa pagbukas ko ng pinto ay bumungad saakin ang maaliwalas na kulay asul na kwarto.
Sa gitna ng kwarto ay isang kama na sakto lang para sa isang tao. Sa tabi nito ay may maliit na lamesa na may hindi kalakihang salamin at sa gilid naman nito ay isang bintana na nagsisilbing ilaw sa buong kwarto natatakpan ito ng kulay asul na kurtina.
Sa paglibot ko ng aking tingin sa buong kwarto ay napansin ko ang isang malaking bookshelf puno ito ng libro mula baba hanggang sa pinakaitaas nito.
Katabi naman nito ang hindi kalakihang drawer lumapit ako dito para tingnan kung ano ang laman ng drawer na ito at sa pagbukas ko nito ay bumungad saakin ang mga laman nitong damit kinuha ko ang isa para tingnan.
Kulay itim ito na tshirt na satingin ko ay masyadong malaki para saakin.
" nagsusuot talaga ako ng ganto? " nakakunot kong saad sa sarili. Sa paghalungkat ko sa mga damit na ito ay halos ganoon lahat ang damit. Loose shirt amg karamihan dito ang iba naman ay croptop.
Narinig kong bumukas ang pinto dahilan para lumingon ako kaagad sa kung sino mang nagbukas nito.
" oh bat ganyan itsura mo aber? " tanong ni mama ng pumasok siya sa kwarto ko.
" ma, ganto talaga mga suotan ko dati? " tanong ko sabay na ipinakita sakanya ang isang loose shirt at isang croptop.
" oo anak kung hindi maluwag bitin ang sinusuot mo " nakapamewang na saad ni mama saakin. Napanganga naman ako sa mga sinabi nito
then i imagined myself while wearing this two.
" mayghad " saad ko sabay na napasampal nalang sa noo ko.
Dahil sa wala akong ibang masusuot ay mas pinili ko nalang na magsuot ng loose shirt kesa sa croptop na magmumukha lang akong winni the pooh. Pagbaba ko ng hagdan ay naabutan ko nalang na kumakain na ang walanghiya kong kapatid.
" kain na clio " yaya ni mama habang nagpiprito ng Gg Galunggong beh ha galunggong. Ako naman ay tumango lang sabay na dumiretso sa ref para kuha ng malamig na tubig.
" oh masarap bang kumain sir? " tanong ko kay Vernon na kumakain .
" oo teh ansharap penge nga tubig teh " saad nito habang puno ang bunganga nito.
" huh? ano sabi mo? " bingi-bingian kong tanong kay Vernon na mukhang mabibilaukan na.
" ubeg paabot ! " ulit nito. pero dahil maloko din ako eh nagkunyare ako muling hindi ko ito maintindihan.
" ano? di ko talaga magets Vernon ayusin mo kaya " saad ko sabay inom ng tubig sa harapan nito na para bang sarap na sarap sa malamig na tubig.
Hanggang sa nabilaukan na nga ito agad namang lumingon si mama.
" hoy clio bigyan mo nga ng tubig yang kapatid mo nabibilaukan na jusme " sigaw ni mama sakin na agad ko namang sinunod dahil ayoko ng bumalik uli sa hospital.
" kalma ka lang kasi kumain diyan Vernon para ka naman kasing mauubusan ng pagkain e " saad ko habang hinihimas ang likod nito at matapos kong ibigay ang tubig .
Masama naman akong tiningnan nito at agad ng tinapos ang pagkain niya.
" pasok nako ma " paalam nito kay mama tiningnan muli ako nito ng masama bago tuluyang lumabas ng kusina.
" ikaw talaga aasarin mo pa talaga yang kapatid mo e " sermon ni mama
" ok lang yan ma atleast buhay tayo " saad ko sabay na umupo at nagsimula ng kumain.