Clio's Awake

1472 Words
" Clio! im sorry ! " sigaw ng lalaki na para bang umiiyak sa gitna ng dilim. Lalaking hindi ko maaninag ang muka dahil sa madilim ang paligid " sino ka?! " sigaw ko pero patuloy lamang ito sa pagtawag saaking pangalan at paghingi ng tawad. " sino kaaa?! " muli kong sigaw ngunit hindi rin nagtagal ay nawala din ang pamilyar na boses at napalitan naman ito ng boses ni mama. " Clio anak! gumising kana anak pleasee " rinig kong iyak ni mama. Maaaaa! ma asan ka?!bat ka umiiyak?! maaaaa! Nagising ako dahil sa malamig na pakiramdam bumungad saakin ang puting paligid at ang liwanag ng ilaw sa kisame nahihilo ako at ansakit ng ulo ko para bang hinampas ito ng matigas na bagay. " Clio anak? gising kana anak nako salamat sa Diyos nagising kana anak " saad ni mama habang umiiyak at agad akong niyakap. " Nasaan ako ma? " nanghihina kong tanong. " nasa hospital tayo anak " " hospital? bakit anong nangyari bat ako nandito? "nagtataka kong tanong dito , tiningnan ako nito ng may bahid na lungkot sa mga mata. " nacoma ka anak " gulat ko itong tiningnan nacoma ako? " n-na coma ako? " hindi makapaniwala kong tanong.pano ? bakit? bigla akong napahawak sa ulo ko dahil sa bigla itong sumakit " clio anak are you ok? do you want me to call the doctor? " nagaalalang tanong ni mama. " no ma im fine " kahit hindi talaga. " nacoma ka anak almost 1 year nadin at salamat sa diyos dahil nagising kana " muli ay niyakap ako nito habang umiiyak tinapik-tapik ko naman ito para kumalma ito kahit papaano. " ok nako ma dont cry " pagtahan ko dito. " i forget i must call the doctor on the time you wake up wait here ok? i'll be back " sabay tumayo at nagdalidaling pumunta sa pinto. Bago ito lumabas ng pinto ay muli itong sumenyas na maghintay lang ako na siya namang gagawin ko bago magsara ang pinto ay may isang lalaki ang nakatingin mula sa labas ng pinto nakasuot ito ng itim na sumbrero at nakasuot ito ng surgical mask dahilan para hindi ko makilala kung sino ito. Pero kitang kita ko ang mga mata nito nasigurado ako na nakatingin rin ito sa akin sino ka? naputol lang ang titigan namin ng tuluyan ng magsarado ang pinto. Isa lamang ang laman ng isipan ko ngayon iyon ay kung sino ang lalaking ito. " OK lang yan anak 3 days lang naman sabi ng doctor e " panunuyo ni mama saakin. Dahil sa naiinis ako sa ulikbang doctor nayon ayaw pako palabasin kesyo oobserbahan pa daw ako ng mga 3 araw if may changes daw na mangyayari sakin. " hays ma naman halos isang taon na pala akong natutulog sa hospital nato tas balak pa nilang dagdagan ng tatlong araw?! " " anak kalma ka lang jan kailangan ka pa daw kasing obserbahan alam mo naman iyon diba? " sabi ni mama habang nagbabalat ng mansanas. " obserbahan?obserbahan nila mga ulo nila ! " sigaw ko. Matapos kong sumigaw ay nakaramdam nalang ako na may bumaon na kuko sa braso ko. " aray ko ! " daing ko matapos akong kurutin ni mama. " ikaw bata ka manahimik ka diyan at baka marinig ka nila itikom mo yang bunganga mo ha hindi ka na talaga nagbago kala ko makakalimutan mo ng maldita ka hindi padin pala hays " inis na sabi ni mama sabay abot sakin ng tapos niya ng balatang mansanas. " oh lumamon kajan di yung reklamo ka ng reklamo jan " padabog ko naman itong inabot sakanya. " oh lalabas lang ako ha bibili ako ng inumin mo at baka mabilaukan ka sa kakadakdak mo jan, magantay ka dito ha! " paalam ni mama.Lumabas ito ng kwarto na walang nakukuhang kahit anong salita mula saakin. Heto ako ngayon nakatulala sa magandang tanawin ng Manila. Nasa mataas na palapag ako naconfine 1 year na pala ako nandito pero ngayon ko lang nakita ang ganda ng lugar na ito.Pero kahit na maganda dito eh mas gugustuhin ko pading makalabas na sa hospital na ito, magbabakasakali na sa paglabas ko ay may maalala na ako kahit onti lang. Buti nga hindi ko nakalimutan si mama pero ngayon hindi ko na maalala ang itsura ni papa simula ng magising ako si mama lang ang nandito. Ilan kaya kapatid ko? teka may kapatid bako? taga saan bako? hindi ko din alam kung ilang taon naba ako? napahawak ako sa buhok ko mahaba na pala ito na umaabot na hanggang sa pwetan ko. Napabuntong hininga ako at napatingin sa bintana dahil sa reyalidad na ang tangi ko lang alam ay Clio... Clio Chwe ang pangalan ko. Dahil sa sobrang tagal ni mama at inip na inip nako dito ay naisipan kong lumabas nalang. " labas lang ako ma ha lakadlakad lang ha babalik din ako dont worry haa labyuuu " paalam ko sa loob ng kwarto na para bang nandito lang si mama. Sa paglabas ko ng kwarto ay nanibago ako sa paligid ko , nanibago ako sa mga tao na nagdaraan may mga magulang at may mga pasyente. Hindi naman ganoon karami ang tao sa hallway ng floor nato nagkalat ang mga pasyente may mga bata , meron ding mga matatanda. Bawat kwarto ay may ibat-ibang uri ng pasyenteng patuloy na nakikipaglaban Kay kamatayan merong mga may cancer, may tumor, may polyo at iba pa. Nakakalungkot lang na maraming bata ang nandito mga batang may sakit mga batang maagang binigyan ng sakit hays. Mga batang hindi makapaglaro sa labas mga batang halos dito na tumira. Mga batang hindi naranasang makapaglaro sa ilalim ng sikat ng araw. Tatlong araw pa Clio,tatlo pa. " hays 3 days pa ko dito ano namang gagawin ko sa tatlong araw nayon? nakakainis talaga " saad ko sa sarili Sa paglalakad ko ay napansin ko ang isang kwarto na kumpol ang tao may mga nurse na may hawak na isang ginang na umiiyak at para bang pinipigilan nila itong makapasok sa loob ng kwarto. " rosee! call Dr. Jeon ! " sigaw ng isang nurse. Mayamaya pa ay may isa ng Nurse ang kumakaripas ng takbo. Nasa gitna ako ng pasilyo kasama ng iba pang pasyenteng nakikiusyoso sa mga nangyayari napuno ng sigawan ng mga nurse ang buong hallway. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid kitang kita sa mga muka ng mga pasyenteng nandito ang takot at kaba sa kalagayan ng kung sino mang pasyente ang nasa loob ng kwarto. Napako ang tingin ko sa isang pamilyar na lalaki, Lalaking nakasuot ng itim na sumbrero, nakamask at nakaputing t-shirt ang lalaking nakita kong nakatingin sa labas ng kwarto ko. Nahagip ko ang mga mata nitong nakapako na pala saakin. Wala sa amin ang nagtangkang tanggalin ang tingin sa isat-isa titig na para bang matagal kaming hindi nagkita. Kilala ba kita? tanong na nasa isipan ko. Para bang tumigil ang oras at ang tangi ko lang nakikita ay ang mga singkit nitong mga mata na nakapako saakin. Naputol ang titigan namin ng may biglang humablot sa aking braso. " Clioo tabiii! " sigaw ni mama sabay na hila sakin. Sabay namang dumaan ang mga nurse at doctor na bitbit ang pasyente na galing sa kwartong kanina lang ay kumpol ng tao. Babae pala ito babaeng nasa 20's , namumutla na ito at parang hindi na makahinga bigla akong nanlumo dahil sa kawawang babae , bata palang siya ay nakikipaglaban na siya kay kamatayan. Lalo akong nanlumo ng makita ko ang maliit na luhang nagbabadyang bumagsak mula sa mata ng kawawang paslit. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kirot sa aking dibdib. " Clio ok lang ba ?! " tawag ni mama dahilan para ibaling ko ang tingin sa kanya " ok lang ako ma " sagot ko sabay na nilingon ang bata. " sinabi ko naman sayong mag-antay ka lang sa kwarto mo at babaik din naman ako jusme ka talagang babae ka halika na bumalik na tayo sa kwarto mo " sabi ni mama habang inaalalayan akong maglakad pabalik sa kwarto ko. Habang naglalakad ay nilingon ko ang lalaking kanina ay nakatitigan ko pero wala na ito sa kung saan ito nakatayo kanina. Binalik ko muli ang tingin sa daan pabalik sa kwarto ko habang iniisip kung kilala ko ba ang lalaking iyon. Pag balik namin sa kwarto ko ay hindi ako nakatakas sa bunganga ng nanay ko. Dumiretso ako sa kama ko sabay umupo at tumulala sa bintana. " napakakulit mo talaga kakagising mo lang sa mahabang pagtulog clio! tapos ito kana?gagala gala kana agad? hindi mo pa kabisado tong lugar nato clio pano pag naligaw ka ha?! " sigaw ni mama na hindi ko naman pinansin. isa lang ang nasa isip ko ngayon Ayoko na dito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD