“What a perfect timing,” may halong Inis at sarkastikong sabi ni Nemesis. Dahan-dahan huminto sa harap namin ang barko. Alam ng mga pasahero kung sino ang lulan ng barkong iyan. Walang iba kundi ang kinatatakutan na Zaepis clan. Tumigil din sa pag andar ang pampasaherong barko, Lumundag pababa ang mga mortal na nakasuot ng itim. Hinila kami ng dalawang lalaki. Of course magkahawak pa rin ang kamay namin ni Nemesis. Ewan, ko ba anong trip nitong si Nemesis at ayaw niya pa kumilos para protektahan ako. “Bitiwan mo ang kamay niya! Hostage namin kayo ngayon!” sabi ng lalaking may hawak sa akin. “Ang babaho niyo talaga ever,” pang-aasar ko, hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Neme. “Gwapo ba ako Cale?” “Yes! Hindi ipagkakaila iyon Neme! Ikaw ang pinaka gwapong partner ko!” parang gus

