POV's Ade....
Masama ang loob ni Ade na nakahalukipkip habang hinihintay si Carol na umoorder ng kanilang pagkain. Nagkita sila sa isang restaurant na malapit sa ospital kung saan ito nagtatrabaho.
" Ano ba ang nangyari?" tanung ni Carol ng maupo ito sa tapat niya.
" Hindi sakin naniwala si papa." at ikinuwento ni Ade ang nangyari. Dahil sa sama ng loob hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha na agad naman niyang pinunasan.
" May tinatago din palang ugali ang Carmen na yun. Mukha pa naman siyang mabait." wika ni Carol.
" I told you I have a feeling na hindi maganda sa babaeng yun. At napatunayan ko yun ngayun,"
" Pero paano mo naman mapapatunayan kay tito yun? Ikaw na nga ang nag sabi na hindi siya naniniwala sayo,"
Walang naisagot si Ade dito. Sa nakita niya kanina mukhang nabulag na ng babaeng yun ang papa niya.
" Kung nauuto niya ang papa, pwes hindi ako. Alam ko na pera lang ni papa ang gusto niya."
" Hindi kaya sinadya ng Carmen na yun para magkasira kayo ni Tito? At kung pera ni tito ang habol niya, she is a gold digger!" ani Carol.
" At sigurado ako na hindi napapansin ng papa yun,"
" Eh di ba may anak yun?"
" Si Cristel. Hindi ko lang alam kung katulad din siya ng mama niya," wika ni Ade habang tinutusok tusok ang veggie salad na inorder.
" Mag ingat ka, baka isang araw magising ka na lang nakuha na ng Carmen na yun ang lahat ng yaman niyo,"
" Sisiguradohin ko na hindi niya magagawa yun, ang kapal ng mukha niya para ambisyonin ang pinag hirapan ng iba." naniningkit ang mata sa galit na wika ni Ade.
Napabuntung hininga na lang si Carol.
" So,galit ka kay tito?"
" Masisisi mo ba ako? This is the first time he slap me because of that woman. Anyway pina imbestigahan ko ang babaeng yun."
" For what?"
" May kutob ako na buhay pa si mama mag kakilala na sila ni papa." wika ni Ade.
" So that means.... " hindi naituloy ni Carol ang sasabihin ng makita ang reaksyon ng kaibigan. Alam na niya ang sagot. " Oh my God!"
Malalaman niya din ang totoo, pero paano kung totoo ang kutob niya?
POV' Carmen....
Inis na idinampi ni Carmen ang icebag sa parte na tinamaan ng jewelry box na ibinato ni Ade.
" Bwesit na babaeng yun!" gigil na wika ni Carmen.
" Ano ba naman kasi ang ginawa mo, bakit galit na galit si Ade para batohin ka?" tanung ni Cristel ng lumabas ng banyo na bagong ligo at nakabihis.
" Nakita niya yung alahas ng mama niya sa mga gamit ko," mahinang sambit ni Carmen.
" At yang ang napala mo? Kasalanan mo naman pala, ikaw naman kasi mama-"
" Patay na ang mama niya, sino pa ba ang gagamit nun? Para isa lang naman kumpara sa dami ng alahas na meron ang mama niya."
" Ano ang sabi ni tito?" wala naman kasi siya ng mangyari ang sinapit nito maaga siyang umalis at pumasok sa trabaho.
" Mabuti na lang nakaisip ako ng dahilan at alam mo bang nasira ko pa silang mag ama." pagyayabang ni Carmen.
" At huhulaan ko na talagang sinadya mo yun,"
" Nakaka bwesit kasi ang Ade na yun. Alam mo ba na pinaimbestigahan niya tayo. Siguro naghahanap ng ikakasira natin kay Menandro." wika ni Carmen. Natigilan naman si Cristel ng marinig ang sinabi ng ina.
" Pinaimbestigahan?" kinabahan si Cristel.
" Oo. Akala naman niya masisiraan niya ako kay Menandro."
" Dahil sa ginawa mo lalo lang niya tayong pag-iinitan." ani Cristel. 'malamang wala pa siyang alam dahil kung meron na siguradong sinugod na niya ako at nagwala na sana.'
" Subukan niya lang. Nakita na niya ang kaya kong gawin. Ako ang kakampihan ni Menandro," puno ng kompiyansa na wika ni Carmen.
" Ano ba ang plano mo?"
" Basta! Ako na ang bahala kay Menandro, gawin mo ang trabaho mo sa kompanya, sirain mo si Ade. Dahil balang araw magiging atin yun," nakangiting wika ni Carmen. Nangislap ang mga mata ni Cristel dahil sa narinig. Sino ba naman ang aayaw sa buhay na nakahiga sa pera?
" Pero pano mangyayari yun eh si Ade ang tagapagmana," ani Cristel.
" Kung hindi siya sira sa papa niya at kapag kasal na kami ni Menandro may karapatan na ako sa lahat ng meron siya,"
" Naisip mo na ang lahat ng yan,mama? "
" Oo naman. Dahil ayaw ko ng maghirap pa tayo. Kaya kahit ang Ade na yan ay hindi ko papayagan na siraan tayo," ani Carmen.
" Okay. Sinabi mo eh. Ang sarap maging mayaman, di ba?" ani Cristel. Kinuha ang pabango at nagspray sa buong katawan.
" Ano ba yan? Ipaligo mo na lang yang pabango!" ani Carmen. " Aalis ka na naman ba?"
" Oo at bukas na ako uuwe, Mama." ani Cristel.
" Saan ka ba pumupunta? Napapadalas ang alis mo ng gabi mula ng magka-sasakyan ka."
" Ine enjoy ko lang ang buhay ko, mama."
" Cristel, kung ang nobyo mong walang kwenta ang kasama mo, sinasabi ko sayo, kapag nabuntis ka pababayaan kita," ani Carmen.
" Hay naku, mama. Hindi si Alfred ang kasama ko. Sabi mo maghanap ako ng mayaman, kaya nakikipag date ako sa isang mayaman." wika ni Cristel na nakangiti.
" Bakit hindi mo ipakilala sakin? Yayain mo ng dinner dito para naman makilala ko. Baka niloloko ka lang nyan,"
" Susubukan ko, mama.I have to go, bye" at pakembot pa itong naglakad.
May usapan sila ni George na magkikita at mag oovernight kaya naman parang naglalakad sa ulap si Cristel. Hindi niya akalain na mabilis niya itong mapapa sunod sa gusto niya. Noong isang araw lang binigyan siya nito ng pang shopping. Bilhin daw niya lahat ng gusto niya, alahas, damit at pagkain. Hindi bale ng kapalit noon ay ang katawan niya, ang importante nakukuha niya ang lahat ng gusto niya and at the same time masaya silang pareho.
Imperial mansion
Lumipas ang mga araw na hindi nag-iimikan ang mag-ama. Kahit magkasamang kumain ay pareho silang tahimik.
" Dear, naiinip ako dito sa bahay." wika ni Carmen isang umaga habang nag aalmusal sila. " Pwede ba akong sumama sayo? Tutulongan kita sa trabaho mo."
" Kaya ko naman ang trabaho sa opisina, dear." sagot ni Menandro.
" Sige na. Para naman may silbi ako at saka dapat lang na magtulongan tayo diba?" malambing na wika ni Carmen. " Para na rin matutunan ko ang pag handle ng family business total we are family naman."
Napataas ang kilay ni Ade sa narinig, pero nanatili siyang tahimik.
" Fine. Pero magiging busy ako ngayong araw baka mas mainip ka doon,"
Napangiti naman si Carmen ng marinig ang sagot nito.
" Thank you, dear."
'so interesado din pala ang babaeng to sa kompanya. Ano naman kaya ang maitutulong niya?'
" Ma'am Ade, naisakay na po sa kotse niyo ang mga maleta," wika ng isang maid.
" Thank you. Mag prepare na kayo in a minute aalis na tayo." wika ni Ade.
" Maleta? Where are you going?" tanung ni Menandro. " Magbabakasyon ka ba?"
" No. I'm going to relocate mama's things. Mahirap na baka maubos pa," pormal na sagot ni Ade.
" Ade, ano ba ang gagawin mo sa mga gamit ng mama mo?" tanung ni Menandro.
" Ilalagay ko sa isang lugar na walang ibang pwedeng makialam." mahinahon na sagot ni Ade
" May karapatan din ako sa mga naiwan ng mama mo." wika ni Menandro.
" Para ano? Ipamigay sa kung sino sinong babae lang?"
" Hindi lang kung sinong babae ang Tita Carmen mo," sagot ni Menandro sa malumanay na tinig.
" Oh! Yeah! She is not just a woman, she is your mistress," wika ni Ade sabay subo ng hiniwang tocino. Katahimikan ang sumunod na nangyari, marahil hindi inaasahan ng kanyang papa ang sasabihin niya. Patuloy lang si Ade sa pagkain ng mahinahon.
" Ade-"
" Save your words papa. I already know the truth, I make my own research and guess what I found?" ani Ade na binitiwan na ang fork at spoon, nagpunas ng bibig gamit ang napkin.
" You and Carmen had a relationship while mama is still alive. Kaya pala ilang buwan pa lang mula nung mamatay ang mama nagdala ka na ng kapalit niya." aniya.
" Ade, hindi namin sinasadya, ako ang naging karamay ng papa mo habang pilit na nilalabanan ang lungkot sa nalalapit na pagpanaw ng mama mo."
Napatikwas ng kilay si Ade sa sinabi ni Carmen.
" So naging comfort zone ka ng papa. But still you are a mistress."
" Enough, Ade. I was the one who should blame. Alam ko na mali ang ginawa ko, mahal na mahal ko ang mama mo pero tinalo ako ng lungkot. Im sorry." wika ni Menandro na bakas sa tinig ang lungkot. Nangilid ang luha sa mga mata ni Ade pero pinigilan niya ang tuluyang pag bagsak niyon.
" Did you say sorry to mama until her last breath?" tanung ni Ade. Wala siyang narinig na sagot mula sa papa niya. Ibig sabihin namatay ang mama niya na niloloko ng papa niya. And she feel hurt for her mom. Lumaki siyang daddy's girl, sunod ang lahat ng gusto niya. Para sa kanya he is a good father, alam niyang mahal nito ang mama niya. Kaya hindi niya maiwasang magdamdam ngayung nalaman niya ang totoo.
" Anyway yung alahas na kinuha mo, itinira ko. Nagamit mo na kasi and knowing mama ayaw niya ng ginamit ng iba lalo na kung katulad mong kabit." nang uuyam na wika ni Ade.
" Adelaida! Your too much!" tumaas ng bahagya ang tinig ni Menandro.
Pero nanatiling kalmado si Ade pero matalim ang mga titig.
" I have to go." tumayo na siya at iniwan ang mga ito.