Nakita ni Cristel na parating si George kaya naman nag hubad siya ng shirt at short na suot.
" Anong ginagawa mo?" tanung ni Jullie.
" Magbabad sa pool." sagot ni Cristel habang inaayos ang two piece na suot. " Masarap magbabad habang umiinom,"
Nag iwas ng tingin si George sa naka balandrang katawan ni Cristel.
" Here is the wine," sabay abot ng wine glass.
" Thanks," makahulugang ngumiti si Cristel dito. 'hmmm...hindi mo ako maiiwasan, loverboy!'
" Ade, come and join us!" wika ni Jullie.
" Sige lang mag enjoy lang kayo. Wala ako sa mood mag swimming." ani Ade habang sumisimsim ng wine.
Tumabi naman sa kanya si George.
" Mukhang malalim ang iniisip mo?" tanung ni George.
" Wala naman, iniisip ko lang ang mga gagawing preparasyon sa kasal natin,"
Kinuha ni George ang kamay ni Ade.
" Don't think so much about our wedding. May mga wedding planner ako na kukunin para hindi ka mastress. All you need to do is relax. " wika ni George.
Sumandal si Ade sa balikat nito. Konting panahon na lang ang aantayin ni
Ade at magiging Mrs.Soriano na siya.
" Ang sweet nilang tingnan hindi ba?" tanung ni Jullie habang nakatingin sa gawi nina Ade.
" Tsk..kung tingin ng George na yan hahabolin ko sya, nagkakamali siya." ani Cristel.
" Hi, miss., can we join you?" tanung ng lalaking lumapit sa kanila sa gilid ng pool.
" Sure." agad na sagot ni Cristel habang nakakapit sa gilid. Naupo naman ang dalawang lalaki sa gilid habang nakasawsaw ang paa sa tubig. Nakipag kilala ang mga ito kina Cristel at nakipag kwentohan.
Matalim namang nakatingin si George sa kinaroroonan nina Cristel habang masayang nakikipag usap sa dalawang lalaki na lumapit dito. Kahit sinong lalaki naman ay maaakit sa ayos ni Cristel.
Napapangiti si Cristel habang palihim a sinusulyapan ang kinaroroonan ni George. Nararamdaman niya ang mga titig nito.
' You can't resist my charm, loverboy!'
Nang sumapit ang hatinggabi at nasa kanya-kanyang kwarto na ang lahat at nagpapahinga, isang anino ang dahan-dahang lumabas ng kwarto. Maingat ang mga hakbang na lumapit sa pinto ng isa pang kwarto. Pinihit ang doorknob ng dahan dahan at walang ingay na pumasok doon. Malamlam ang liwanag ng lampshade pero sapat para makita ang alindog ng nakahiga sa kama.
" Hmmm... sinong-"
" Flirting with other men in front of me huh! You want this right, huh?"
Napangiti si Cristel sa halip na magpumiglas ay kusa pa nitong hinubad ang nightgown na suot.
" Akala ko ba balewala lang sayo to?" mapang akit na tanung ni Cristel.
" Shut up!" ani George. Wala itong inaksayang sandali ng tumambad sa kanyang paningin ang kaakit-akit nitong katawan. Sana'y si George sa one night stand sa mga nagiging babae niya pero hindi na siya umuulit pa. Pero iba ang nararamdaman niya sa babaeng kasama, hindi ito mawala sa isip niya. What's wrong with him?
Kinabukasan, sight seeing ang ginawa ng lahat sa maganda at eleganteng resort. It has its own infinity pool with a million dollar view on manila bay. Floral dress na mahaba with dark shades ang suot ni Ade.
" The place is really beautiful tita." wika ni Ade.
" Good to hear that you like it. Someday it will be yours," wika ni Anna.
" Good morning!" bati ni Cristel ng dumating ito. Two piece na white ang suot nito na may scarf na nakatali sa beywang.
" Mukhang maganda ang gising mo?" tanung ni Jullie.
" Sabihin na nating nakatulog lang ako ng mahimbing." nangingiting sagot ni Cristel sa kaibigan.
" Parang there is something else maliban sa mahimbing na tulog." patutsada ni Jullie. Nagkibit balikat naman si Cristel sa sinabi nito.
" The food is ready everyone!" wika ni Roberto.
" Good morning, Babe!" bati ni George kay Ade.
" Morning! Looks you sleep well." wika ni Ade.
" Sino ba naman ang hindi makakatulog ng mahimbing sa ganito kagandang lugar," wika ni Cristel na ngumiti ng makahulugan kay George. Umiwas naman ng tingin si George dito.
" Dear, dapat bumili din tayo ng resort." wika ni Carmen.
" Kayang kaya kang gawan ni Menandro ng ganito, Carmen. Barya lang sa kanya ang milyones." pabirong wika ni Roberto.
" Baka maniwala si Carmen sa milyones na yan Roberto," natatawang wika ni Menandro.
" May resort ng nabili ang papa sa tagaytay," wika ni Ade.
" Talaga? Bakit hindi mo nabanggit sakin, dear? Surprise mo ba sakin?" malambing na wika ni Carmen.
" Papa bought it a year ago. He gave it to mama as a gift." wika ni Ade. Napalis ang ngiti ni Carmen ng marinig ang sinabi nito.
" Maganda ang resort na iyon," wika ni Anna.
" We used to go there every summer," ani Ade na nakaramdam ng lungkot ng maalala ang kanyang mama.
'talagang isiningit pa ng Ade na to ang mama niyang patay na,'
" Then pwede naman tayong magpunta dun para naman makarating ako dun, " sa halip ay wika ni Carmen.
" Pwede naman kayong pumunta dito anytime." wika ni Roberto.
" May discount po ba kapag bumalik kami dito?" sabat ni Jullie.
" Oo naman."
" Naku baka po bumalik balik kami dahil sa discount," pabirong wika ni Cristel na ikinatawa ni Roberto.
Kanina pa tinitingnan ni Ade ang suot na jewelry ni Carmen. Naningkit ang mata niya dahil pamilyar sa kanya ang mga yun.
Hinatid siya ni George ng umuwe sila ng hapon. Hindi naman ito nagtagal at may pupuntahan pa ito. Tiningnan ni Ade ang mga alahas na collection ng kanyang mama na nasa master bedroom pa at hindi pa naililipat. At napakuyom ang kamay niya ng makitang may bakanteng lagayan, ibig sabihin may nawawalang laman.
Forbes Park Subdivision
Imperial mansion
Kinabukasan, hinanap ni Ade si Carmen ng wala ito sa kwarto nito. Sa pool niya ito nakita at kakaahon lang nito.
" Ade, good morning!" nakangiting bati nito.
" Bakit nasayo to? Nakita ko sa mga gamit mo," pormal na tanung ni Ade dito.
" Pumasok ka sa kwarto ko at nakialam?" balik na tanung ni Carmen.
" Ako ang unang nagtanung hindi ba? Kaya ang tanung ko ang sagutin mo." taas ang kilay na wika ni Ade.
" Fine. Oo kinuha ko nga yan," sagot ni Carmen.
" Did i said it clearly that don't touch mama things?" inis na wika ni Ade dito.
" Naiintindihan ko. Isa pa hindi naman nagamit ng mama mo ang alahas na yan dahil nag hihingalo na siya ng bilhin yan ni menandro." paliwanag ni Carmen. Nakita ni Carmen ang alahas na yun ng dumaan si menandro sa kanya pagkagaling sa isang business trip. Akala ni Carmen para sa kanya iyon.
Naningkit ang mga mata ni Ade ng marinig ang sinabi nito.
" Wag mong idahilan ang papa. Ang sabihin mo talagang interesado ka."
" Ade, patay na ang mama mo. Hindi na niya magagamit ang mga materyal na bagay katulad ng alahas kaya wag kang magalit. Ipagdamot mo man yan hindi nun mababago ang katotohanan na patay na siya," nakapameywang na wika ni Carmen.
Nagpantig ang tainga ni Ade sa narinig kaya naman ibinato niya dito ang jewelry box.
" How dare you!"
" Ouch!" daing ni Carmen.
" Adelaida!"
Napalingon si Ade ng marinig ang galit na tinig ng kanyang papa.
" Menandro, my dear!" patakbo namang lumapit si Carmen at yumakap dito ng umiiyak.
" What is the meaning of this?" galit ang tingin na ipinukol ni Menandro sa anak.
" Menandro, ang anak mo! Pinagbibintangan niya ako," iyak ni Carmen.
" Totoo naman di ba? You stole a jewelry from my moms collection!" ani Ade.
" Hindi totoo yan! Bakit ko naman gagawin yun?"
" Papa, nakita ko sa mga gamit ng babaeng yan ang alahas ni mama,"
" Ade! Hindi kita pinalaki na bastos,"
" Ano bang malay ko kung sinadya mong ilagay yan? Pwede naman akong humingi kay menandro kung gusto ko ng alahas. Ade naman, alam ko na hindi mo ako gusto pero sana naman wag ganito. Wag mo akong gawan ng kwento para masira sa papa mo," at humagulhol ito ng iyak.
" Huh! Ang galing mo ding umarte sa harap ng papa," natatawang wika ni ade.
Lumapit si Menandro sa anak at isang sampal ang pinakawalan nito.
Nanlaki ang mga mata ni Ade, ramdam niya ang sakit sa kaliwang pisngi niya na tinamaan ng palad nito.
" Papa...." mahinang sambit ni ade habang sapo ang pisngi at mangiyak ngiyak na tumingin dito.
" How could you disrespect and accused your tita carmen?" tiim ang bagang na wika ni Menandro.
" Papa... totoo ang-,"
" Enough! You disappoint me, Adelaida," wika ni Menandro na tinalikuran siya. Inalalayan nito si Carmen na umiiyak pa rin.
Ngayun lang siya nasampal ng kanyang papa at ang masakit pa hindi siya nito pinaniwalaan. Naikuyom niya ang mga kamay ng lumingon si Carmen at isang nakakalokong ngiti ang iniwan nito na lalong nagpagalit kay Ade. Kanina lang ay matapang siya nitong sinasagot habang nakataas ang kilay. Nang dumating ang papa niya para itong aping api na may paiyak iyak pa. Napatiim bagang si Ade habang nakasunod ng tingin sa mga ito. Ngayun alam na niya kung bakit mabigat ang loob niya dito. Unang kita pa lang niya dito ay may pakiramdam na siyang hindi niya ito makakasundo. At ngayun siya pa ang nagmukhang masama sa paningin ng kanyang papa.
'patunay lang to na may tinatagong sama ng ugali ang babaeng to. Mukhang napaniwala niya si papa sa pakitang kabaitan niya. Pwes hindi ako! Humanda ka Carmen hindi ako titigil hanggat hindi nakikita ng papa ang totoo mong pagkatao.'
Pinahid ni Ade ang luha sa pisngi at pinulot ang jewelry box. Natigilan siya ng maalala ang sinabi ni Carmen kanina lang. Matagal na tinitigan ni Ade ang alahas.
'magkakilala na sila ni papa'