Soriano Resort Manila " Welcome!" pagbaba pa lang nila ng van ay sinalubong na sila ng mag asawang Soriano sa entrance ng hotel. " Thank you for inviting us, Roberto,Anna," wika ni Menandro. " Hello, tito, tita," bati ni Ade dito. " Ade! My daughter in law!" masayang niyakap ni Anna si ade. Napaismid naman ng pasimple si Cristel. " Hmmm..bagong bili niyo pala ang resort na to," ani Ade. " Oo, nangailangan ang isang kaibigan at hindi namin matanggihan," wika ni Anna. " Ang mahal siguro ng ganitong resort, ano?" ani Carmen. " Oh, you must be Carmen," baling ni Anna dito na tiningnan ito mula ulo hanggang paa ng nakataas ang kilay. " Ahm...oo ako nga. At ikaw naman ang may bahay ni Roberto. Ikinagagalak kitang makilala, Ann," nakangiting wika ni Carmen ng nakataas ang noo. " Ganun

