Imperial Mansion Masakit ang ulo ni Ade ng magising kinabukasan. "Hang over?" tanung ni menandro sa anak ng pumasok ito sa dining area para mag almusal. "Pahingi ako ng lemon juice, 'nay sonya," ani Ade habang hinihilot ang sintido "Naparami ang inom ko kagabi," "Good morning!" nakangiti at maaliwalas ang mukha ni Cristel ng dumulog sa mesa. "Inumaga ka ng uwe na bata ka," sermon ni Carmen sa anak. "Nalasing ako at hindi naman ako pwedeng mag drive ng lasing, mama. Buti sana kung prince charming din ako na maghahatid katulad ni Ade," ani Cristel na ngumiti ng makahulogan ng maalala ang nangyari kagabi. Napakunot noo naman si Ade dahil nakatingin si Cristel sa kanya na para bang may inaalala. "Nag enjoy ka masyado kaya di ka nagka hang over," ani Ade. "Oo naman. Sobrang nag enjo

