Royal Makati Disco Bar
"George! Bakit hindi mo kami samahan sa dance floor?" nakangiting tanung ni Cristel ng lumapit para kumuha ng alak sa bar.
"Okay na ako dito. Mag enjoy na lang kayo, " tugon ni George na iniiwas ang tingin dito.
"Okay!" at umalis na din si Cristel.
Hindi napigilan ni George na sundan ito ng tingin.
'Damn!' pinagsisihan niya lang yun dahil pakiramdam niya ay inaakit siya nito.
"Okay ka lang ba?" tanung ni Ade sa kasintahan ng lapitan niya ito.
"Yeah! Sige lang mag enjoy lang kayo, lahat ng drinks its on me," ani George.
"Medyo nahihilo na ako. Pahingi na lang ng juice, please," ani Ade na naupo sa tabi nito.
"Take a rest, babe," ani George sa malambing na tinig sabay halik sa buhok nito.
"Hindi ka naman nagtatampo na naabala ang date natin?" tanung ni Ade dito.
"Nope. As long as nag eenjoy ang fiancee ko. I love you, babe,"
"I love you too, babe,"
Nakatingin si Cristel sa dalawa sa bar na sweet na nag uusap. Nasa mesa sila at nagpahinga mula sa pag sasayaw.
"Tinitingnan mo?" tanung ni jullie ng tumabi sa kanya.
"Wala."
"Don't me friend! Alam ko na may pagtingin ka sa boyfriend ni Ade. Well, sino naman ang hindi diba? Tingnan mo naman gwapo na mayaman pa, mukhang mabait pa," mahabang wika ni Jullie.
"Tingin mo ba magugustohan din niya ako?"
"Confirmed nga. Pero friend si Ade ang girlfriend. Tingnan mo naman ang pagkakaiba niyo. Mukhang malabo na ipagpalit niya ang girlfriend niya."
"Huwag mo nga kaming pinag kukumpara. Oo mayaman siya, yun lang ang lamang niya sakin noh!" may bahid ng inis na wika ni Cristel. "Kung sa ganda at ka sexy-han di hamak na mas lamang ako."
"Hindi rin,"
"Sino ba talaga ang kaibigan mo? Bakit panay kontra ka?"
"Sinasabi ko lang ang totoo."
"O sige, mag pustahan na lang tayo. Kapag nakuha ko si George bigyan mo ako ng sampung libo." ani Cristel.
"Ang laki naman!"
"Sarili ko ang itataya ko dito. Anu? Para lang patunayan ko na mas lamang ako sa Ade na yun," ani Cristel.
"O sige, pero kapag hindi ka pinatulan fifteen thousand ang ibibigay mo sakin,"
"Deal!" agad na sang ayon ni Cristel. Sabay taas ng baso para makipag toast dito. Tumayo si Cristel at naglakad papunta sa kinaroroonan ng dalawa.
"Hey, lovebirds!"
Hindi naituloy ni George ang halik sa labi ni Ade ng biglang sumulpot si Cristel.
"Maaga pa para mag-moment kayo," ani Cristel. "Hey, handsome! One shot ng hard,"
"Coming, Miss beautiful," nakangiting wika ni Lucas.
"Hinay-hinay lang baka malasing ka," wika ni Ade dito.
"Don't worry sana'y ako uminom," ani Cristel na inisang lagok ang alak. "Come on, Ade! Sumayaw pa tayo! Huwag mong alalahanin ang boyfriend mo,"
"Mukhang lasing na siya," ani Ade kay George.
Napatango lang si George, medyo mapungay na nga ang mata nito. Hindi maintindihan ni George pero mas naging kaakit akit ito sa paningin niya.
'this can't be!' ani George. Inisip na lamang niya na marahil ay epekto ng alak.
Nahihilo si Ade habang nakasandal sa tabi ng driver seat sa loob ng kotse ni George.
"Here is your water, babe," ani George ng pumasok ito.
"Thanks,babe. Napadami ang inom ko dahil sa Cristel na yun," ani Ade. Sa halip na paandarin na ni George ang kotse he kiss her deep. Ginantihan naman ni Ade ang halik nito, kapag silang dalawa na lang ay hinahalikan siya nito na normal naman para sa magkasintahan. Pero ang halik na yun ay naging mapusok at naging malikot din ang kamay nito. Pressing her boobs and on her private part, ramdam ni Ade ang pag iinit nito.
Bahagya siyang napapaliyad sa ginagawa nito dahil na din siguro sa epekto ng alak na nainum niya.
"George,,,," saway ni Ade dito pero parang wala itong naririnig, "Ba-babe...,stop!" sinubukan niya itong itulak ng maramdaman sa cleavage niya ang mainit nitong labi.
"Babe.... I want you,"
"Stop....stop it!" ni hindi ito natinag sa pagtulak niya kaya naman inipon niya ang lakas at muli itong itinulak.
"George, stop!"
Para namang binuhusan ng malamig na tubig si George ng magawa ni Ade na itulak siya.
"I'm... I'm sorry, babe," hinging paumanhin nito.
"Ihatid mo na ako," utos ni Ade na itinodo ang lakas ng aircon ng sasakyan nito para mawala ang init na pareho nilang nararamdaman.
'muntik na,' Hindi na talaga siya iinom ng marami dahil baka next time hindi na niya mapigilan pa si George hindi na umabot sa kasal nila ang virginity niya. Mabuti na lang medyo malinaw pa ang isip niya. Mataas ang pagpapahalaga ni Ade sa sarili hindi niya basta isusuko ang sarili hangga't hindi sila kasal.
Tahimik namang nagmaneho si George habang mahigpit ang hawak sa manibela. Muntik na siyang makalimot, pero hindi niya itatanggi na masama sa loob na everytime na nasa ganoon silang sitwasyon si Ade mismo ang pumipigil. He wants her, pakakasalan naman niya ito bakit hindi nila pwedeng gawin? Bakit kailangan pang after the marriage nila gagawin ang bagay na yun? Minsan tuloy napapaisip si George kung talagang mahal siya nito. He remain silent dahil alam na niya kung ano ang sasabihin nito.
'Hindi ako katulad ng ibang babae na walang pagpapahalaga sa sarili. Kung talagang mahal mo ako, maghihintay ka hanggang maikasal tayo,'
Kaya naman halik at yakap lang ang nagagawa niya dito. Sa ibang babae niya inilalabas ang init dahil lalaki lang naman siya na may pangangailangan. But he make sure na may proteksyon siya para hindi siya magkaroon ng pananagutan lalo at mga mukhang pera ang mga babaeng sumasama sa kanya sa kama.
'Damn! hindi ko dapat pagdudahan ang pagmamahal niya. Konting tiis na lang and we will get married,'
Pagkahatid kay Ade ay bumalik si George sa disco bar para uminom. Para na din mawala ang nararamdamang tampo.
"George?"
Nilingon ni George ang tumawag at si Cristel ang naroon.
"Akala ko umalis na kayo ni Ade?" namumungay ang mata na tanung ni Cristel.
"Yeah! Hinatid ko na siya." sagot ni George na hindi man lang ito nilingon.
"So, mag isa ka lang?"
"As you can see."
"Bakit parang mainit ang ulo mo?" wika ni Cristel na naupo sa tabi nito. " Gusto mo bang samahan kita?"
"No, thanks. Ang mabuti pa umuwe ka na din dahil lasing ka na,"
"Okay pa ako. Hindi pa ako lasing. Nakikita ko pa ng malinaw ang kagwapohan mo," ani Cristel sabay hagikhik. "George, look at me. Maganda naman ako di ba?" at ikinapit ang kamay sa braso nito sabay sandal dito.
"Cristel, lasing ka na.You should go home," ani George na pilit tinatanggal ang kamay nito.
"Hey, gusto mo ako na ang maghatid sayo miss beautiful?" sabat ni Lucas.
"No, thanks sa offer mo pero gusto ko si George ang maghatid sakin," ani Cristel.
"Itatawag na kita ng taxi para makauwe ka na," ani George.
"Hmmm.... ayoko... I want you to take me wherever you want. Don't tell me hindi mo gusto? I'm offering myself to you," bulong ni Cristel na nilaro ng daliri ang tainga nito at pinalakbay pababa sa leeg nito. Napapikit naman si George habang kuyom ang kamao.
"Cristel... hindi mo alam kung ano ang ginagawa mo," ani George na pilit pinipigilan ang sarili.
"I know what I am doing, loverboy. Tell me hindi mo ba talaga gusto? O baka naman natatakot ka? Hindi naman malalaman ni Ade magiging secret lang natin yun,"
Napatingin si George dito na hindi na dapat niya ginawa. Nanghahamon ang ekspresyon ng mukha nito habang mapang akit na nakangiti. Nilagok niya ang alak na hawak at hinila ito palabas ng disco bar. He can't resist her charm o mas tamang sabihin na kailangan niyang ilabas ang init ng katawan na kanina ay naudlot. Napailing naman si Lucas habang sinusundan ng tingin ang kaibigan.
"Hindi talaga makatanggi ang manok kapag palay na ang lumapit."
Pagkapasok pa lang sa hotel kung saan nag check in sina George at Cristel ay mainit na ang naging tagpo. Marahas ang mga halik ni George habang isa-isang tinatanggal ang damit ni Cristel. Ganoon din ang ginagawa ni Cristel dito kaya naman lalo itong nag init at nanabik. Pareho na silang nilamon ng init ng kani-kanilang katawan. Walang nais na mangyari kundi ang lasapin ang katas ng bawat isa. Hanggang ungol na lamang ang mangibabaw sa buong silid.
Nahihilo man dahil sa nainom na alak at sa pagod, malinaw kay Cristel ang mga nangyari. Hindi naman kasi siya lasing na lasing, bahagi iyon ng plano niya. Napangisi siya ng lingonin niya ang lalaking katabi na ngayun ay mahimbing ng natutulog.
'You are mine now!'
'sabi ko na nga ba hindi mo ako matatanggihan. At lamang na ako ngayun kay Ade dahil nagawa kong kunin ka.'
Kinuha niya ang cellphone sa handbag na dala niya. Kumuha ng ilang larawan na magkatabi sila ni George, tanging kumot lang ang nakatakip sa kani kanilang katawan at agad na ipinasa kay Jullie.
'panalo ako sa pustahan' sinundan niya iyon ng mensahe.
'ang landi mo talaga!' reply naman nito.
'magkita tayo bukas at ibigay mo ang sampung libo ko,'
Yun lang at pinatay na niya ang cellphone.
'hindi mo makakalimutan ang gabing to and i'm sure na hahanap hanapin mo ako.'
Ipinikit ni Cristel ang mga mata at agad na nakatulog.