Chapter 4

1571 Words
Imperial Building Katatapos lang imeeting ni Ade ang team niya para sa bago nilang project na gagawin. "Okay team, magsimula na tayo para sa bagong project na 'to." ani Ade sa mga kasama. " Bukas kailangan nasa mesa ko na ang lahat ng listahan ng materials na kakailanganin." "Hi," "O, Cristel," ani Ade ng makita ito. "Lunch break na kasi at naisip ko na samahan ka kumain," ani Cristel sa malambing na tinig. Tumingin si Ade sa suot na relo, alas onse na pala, hindi niya namalayan ang oras. "Wala naman kasi akong kakilala pa dito bukod sa inyo ni tito," dagdag pa ni Cristel habang nakasunod sa kanya papunta sa opisina niya. "Okay," ani Ade. "Wow! Ang ganda ng view dito sa office mo, kita mo ang iba pang malalaking building," ani Cristel. " Ang ganda din ng opisina mo. "Let's go.Nagugutom na din ako," yakag ni Ade dito matapos kunin ang cellphone. Magkasama na silang pumunta sa canteen ng kompanya. Kahit paano nararamdaman ni Ade ang pagiging sincere ni Cristel dahil siguro hindi niya naranasan ang magkaroon ng kapatid kaya hindi niya ito matanggihan. "Ang laki pala ng kompanya niyo. Buti hindi sumasakit ang ulo mo sa dami ng kailangang asikasohin," ani Cristel. "Sanay na ako. Papa trained me well," "Kung kailangan mo ng tulong andito lang ako. Pamilya na tayo kaya nakahanda akong tumulong sa inyo ni tito," Naappreciate ni Ade ang sinabi nito pero dapat na nga ba niyang tanggapin na pamilya na sila? "Kumusta naman ang trabaho mo?" tanung ni Ade dito habang pumipili ng ulam. "Okay naman. Madali lang naman, kayang kaya ko," ani Cristel. Konti na lang ang kumakain kaya agad silang nakahanap ng bakanteng mesa. Ang ilan kasing empleyado mas pinipili na mauna mag break para hindi siksikan "Hmmm..masarap ang pagkain dito sa canteen," bulalas ni Cristel. "Bakit sa iba ba hindi?," takang tanung ni Ade dito. "Naku, ang mahal na tinipid pa sa lasa." "Ayaw ni papa na lalabas pa ang mga empleyado para lang kumain ng masarap," aniya. "Akala ko nga hindi ka kumakain sa ganito," nakangiting wika ni Cristel. "Hindi naman ako maselan," "Marga!" tawag ni Ade sa isang babae na pumasok. "Ma'am Ade," lumapit naman ang tinawag. "Kumain na ba ang papa?" "Hindi pa po. Pinadadala na lang po niya ang pagkain sa office," "Okay. Make sure na makakakain si Papa," bilin ni Ade dito. "Yes, Ma'am," at umalis na din ito para kumuha ng pagkain. "Hindi ba kayo nag aalala na baka malason kayo? Ibig kong sabihin hindi niyo naman kaano ano ang mga tauhan niyo baka gawan kayo ng di maganda," tanung ni Cristel. "Sa kabaitan na pinapakita namin sa kanila sapat na yun para hindi nila kami gawan ng kalokohan." sagot ni Ade. "Dapat lang. Wala silang utang na loob kapag ginawa nila yun. Feeling ko magtatagal ako dito o baka nga dito na ako tumanda," ani Cristel sabay tawa. Madaldal si Cristel at napatunayan yun ni Ade. Hindi ito nauubosan ng kwento kaya naman nakapalagayan agad niya ito ng loob. Hindi ito boring kasama. Pagkatapos nilang kumain ay naghiwalay na din sila at bumalik sa kanya kanyang trabaho. Imperial Mansion Paglabas ni Cristel ng banyo sa kwarto niya ay naroon ang kanyang mama. "Heto ang lisensya mo," ani Carmen. Lumapad ang ngiti ni Cristel ng kunin ang iniabot ng ina. "Sa wakas makakapag maneho na din ako kahit second hand lang na kotse," ani Cristel na bahagyang ngumuso at umupo sa harap ng salamin at nag blower ng buhok. "Pag tiyagaan mo na lang muna," "Ano pa nga ba? Pero sana mama yung brand new naman ang magkaraoon ako," "Gaga! Bakit ako ang aasahan mo ikaw itong may trabaho." ani Carmen. "Hmp! Kailan pa ako makakapag ipon ng pera," "Bakit hindi ka maghanap ng boyfriend na maraming pera?" "Mama, may boyfriend na ako-," "Sino? Yung Alfred na yun? Cristel, gamitin mo yang utak mo. Maganda ka at may alindog, wag mong sayangin," Natahimik si Cristel. Isang simpleng empleyado lang ang kasintahan niya na si Alfred pero mahal na mahal siya nito. "Pwede ka namang humiling ng bagong kotse kay tito," "Mahiya ka naman. Hindi ka magkakaroon ng mga bagay na gusto mo kung hindi ka magiging praktikal. Mas marami ka ng makikilalang mayayamang binata ngayung nandito na tayo sa poder ni menandro. Lalo na kung didikit ka kay Ade," Biglang sumagi sa isip ni Cristel ang imahe ni George. Mula ng makilala niya ito, madalas niya na itong naiisip. 'bakit kasi si Ade pa ang girlfriend niya!' "May nakilala ako, mama. Mabait,gwapo at mayaman kaya lang may girlfriend na," ani Cristel. "O, yun naman pala. Hindi ka bagay sa Alfred na yun," ani Carmen."Anu naman kung may girlfriend na? Hindi pa naman kasal." "Ayaw ko naman maging mang aagaw," "Gaga! Kung gusto ka naman nung guy e di hindi ka nang agaw!" Napaisip si Cristel, gusto kaya siya ni George? "Alam mo ang mga lalaki iisa lang naman ang gusto ng mga yan. Ang katawan natin. Hindi nila matanggihan kapag nakahain na sa harap nila ang alindog natin," dagdag pa ni Carmen. Napatingin si Cristel dito, hindi naman na siya inosente para hindi maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. Lihim na napangiti si Cristel ng may maisip na kapilyahan. 'tingnan ko nga kung makakatanggi ang isang George Soriano sa alindog ko.' "Ade!" tawag ni Cristel. "O, Cristel. Bihis na bihis ka may lakad ka?" tanung ni Ade ng makita ito. "Oo, aayain sana kita mag hang out eh," "Naku, may lakad kami ni George. Siguro next time na lang," turan ni Ade. "May date pala kayo. Sayang naman. Pero sige next time na lang," ani Cristel. "Sige, mag enjoy ka na lang," ani Ade na tinalikuran na ito. 'Hmp! Sayang naman!Pero saan kaya ang date nila?' curious na tanung ni Cristel. Royal Makati Disco Bar Rubber Shoes, jeans at hanging shirt ang suot ni Ade dahil magdi disco sila ni George. Madalas nilang ginagawa yun kapag weekend pero may limit si Ade sa pag inom para hindi makalimot lalo na kapag may intimate moment sila ni George. Hindi nila ginagawa ang bagay na yun hangga't hindi sila kasal. At iginagalang yun ni George na lalo ni Ade na hinangaan dito. Dahil weekend marami ang tao sa favorite disco house na pinupuntahan nila. Pag aari yun ng matalik na kaibigan ni George na si Lucas. "Ade! Lalo kang gumaganda ha!" bati ni Lucas sabay abot ng wine glass. " Like old times," " Thanks, Lucas," nakangiting kinuha ni Ade ang alak. "Maaga pa pero marami ng tao," "Yeah! Hindi nga din namin inaasahan." wika ni Lucas. "Bago ang DJ mo?" tanung ni George. "Nagpahinga yung dati." "Ade?! George?!," Napalingon si Ade ng marinig ang pangalan niya. "Cristel!" "Tingnan mo nga naman! Dito lang pala ang date niyo," bulalas ni Cristel. "Sya nga pala, si jullie, kaibigan ko. Jul, si Ade at si George," "Hi! Nice to meet you," bati ni jullie na nakipag shake hands. "Hello.," "May kasama pa kaming co workers nasa table na. Pag kakataon nga naman," "Why don't you join us?" nakangiting tanung ni Jullie. "Oo nga naman. Total hindi naman date ang ginagawa sa ganitong lugar." dagdag ni Cristel. " Hindi ka naman siguro magagalit George kung hihiramin ko si Ade," "It's okay with me." sagot ni George. Napatingin si Ade sa kasintahan sa pagpayag nito. "Yun naman pala eh! Come on Ade! Let, 's enjoy the night and have some fun," ani Cristel na hinawakan sa kamay si Ade at hinila papunta sa dance floor. Wala namang nagawa si Ade kundi sumama dito. Nanatili naman si George sa bar habang pinapanood ang kasintahan. "So,, sino naman ang magandang dilag na kasama ni Ade? Ngayun ko lang siya nakita." tanung ni Lucas ng lapitan si George. "Anak ng stepmother niya, si Cristel, " "So totoo ang rumors na nag asawa ulit si Mr. Imperial, " " Yeah! " "Pakilala mo naman ako Maganda at sexy, mga type kong babae, " nakangising wika nito. " Ang dami mo ng babae. Leave her, " ani George at tinungga ang alak "Don't tell me type mo?" Tiningnan ito ni George bago napailing. "Bro, you have Ade. Huwag mo namang lahatin," wika ni Lucas. " Magkasama sila and you can't have that two." " Ano ba ang sinasabi mo?" natatawang wika ni George sa kaibigan. "Pero type mo din si Cristel, alam ko yang mga ganyang tingin. That kind of look if you like a woman in your bed," Wala talagang maililihim si George sa matalik na kaibigan. Kilalang kilala nito ang likaw ng bituka niya. "Ginusto din naman nila sa kama ko at pinagbibigyan ko lang sila. At isa pa hindi ko kayang mag tiis hanggang maikasal kami ni Ade." turan ni George. "Pero palampasin mo na yang si Cristel. Akin na lang, bro," "Sira ulo!" Muling ibinaling ni George ang tingin sa dance floor, nakatingin si Cristel sa kanya pero agad na nag iwas ng tingin. Maganda at sexy si Cristel kahit na morena, hindi rin magpapatalo ang hubog ng katawan nito. Kaya naman naagaw nito ang atensyon niya noong gabing yun sa party. At sinadya niyang mabangga ito para makilala niya, hindi naman niya alam na magkakilala ang mga ito. Pero tama si Lucas, hindi siya maaaring makipag laro dito. Hangga't maaari ayaw niyang masaktan ang fiancee niya, kaya nga s*x lang ang meron sa kanila ng mga babaeng lumalapit sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD