chapter 1

1588 Words
Nakahinga nang maluwag si liz nang bumukas ang pinto ng elevetor. mukhang makakahabol pa siya sa oras ng interview sa kanya . fives minutes to eight na at eight o'clock ang kanyang interview sa mismong may-ari ng mondragon builders. pagbukas ng pinto ay nagsimulang maglabasan ang sakay niyon na galing sa upper floor ng mataas na building na iyon sa Makati. Nagkagulatang pa sila ng huling lalaking lumabas buhat doon. "liz?" bulalas ng lalaki. "raf!" Hinawakan siya ng lalaki sa braso kaya hindi siya nakapasok sa elevator .Nagpasukan na roon ang mga kasama niyang naghihintay. "Ano 'ng ginagawa mo rito?" tanong ni raff. Nasa mukha nito ang malaking pagtataka .Boyfriend niya ang lalaki." M- may interview ? ako sa may-ari ng Mondragon Builders!" "Interview ? At mismong may-ari ang mga-i-interview sa iyo?" parang hindi makapaniwalang tanong nito. "T-tinawagan niya ako, Raff. Inimbita niyang magapply dito sa kompanya !" lalo nang lumawaka ang kunot noo ni raff. waring hindi makapaniwalang susulatan siya ng mismong may-ari ng kompanyang kinabibilangan nito at iimbitahan mag-apply doon. Paano kang tinawagan ni Don Alejandro Mandragon "Hindi ko alam. ang sabi niya sa tawag ay nakita niya ang pangalan ko sa dyaryo, sa mga pumasa sa CPA exam ". Hinagod siya ni raff ng tingin mula ulo hanggang paa na para bang iniuuri siya. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin ang tungkol dito"? tanong ni raff na may halong pang-uusig. pakiramdam niya ay hindi nito gustong magtrabaho sya sa kumpanyang iyon. "Dalawang linggo ka nang hindi nagpapakita sa akin.ni hindi ka tumatawag, paano kong masasabi sa iyo?" Saglit natigilan ang lalaki, pero nakabawi rin niyon!" Hindi siya nakasagot .gusto niyang itanung kung ano ba ang pinagkaabalahan nito sa dalawang linggong nagdaan at hindi man lang siya nadalaw o natawagan, pero hindi niya ginawa .baka kasi lalo pa itong magalit. Ramdam kasi niyang mainit na ang ulo nito, hindi niya alam kung bakit. "A- aakyat na ako pagbukas uli ng elevator ." sabi niya. "huwag ka nang umakyat .UMuwi ka na lang. ayokong magtrabaho ka rito! matatag at naguutos na sabi nito. P-pero bakit?" "Basta ayokong dito ka magtrabaho .isa ka nang CPA ngayon, madali kang matatangap kahit saang kompanya, pero huwag dito!"." Raff, ang may-ari mismo ang nag-anyaya sa akin na magapply dito.parang nakatitiyak na akong matatangap ako at mabibigyan ng maayos na posisyon. Napansin niya ang pagdidilim ng mukha ng kaharap .hindi naman niya malaman kung ano ang dahilan." Sinabe ko na sa iyo, ayokong dito ka magtatrabaho .kung magpipilit ka magbreak na lang tayo!" Bahagyang napaawang ang bibig niya sa pagkabigla. hindi niya maitindihan kung bakit ganoon na lng ang pag ayaw nitong doon siya magtrabaho. Pero kinabahansiya sa banta nito. Mahal niya si raff at makipag-break dito ang huling bagay na gugustuhin niyang mangyari."A-aakyat lang ako at makikipagkita sa kanya. Maipakita ka man lang sa kanya na na-appteciate ko 'yong pag-imbeta niya sa aking magtrabaho sa kompanya niya ." "Hindi mo tatanggapin ang trabahong iaalok sa iyo?". K-kung iyan ang gusti mo, hindi ko tatangapin ." Napansin miyang parang nakahinga nang maluwag ang lalaki. "Sige umakyat ka na at pupunta lang ako sa canteen. hindi pa ako nag-aalmusal !" sabi nito at iniwan na siya .Nasundan na lang niya ito ng tingin. Muling bumukas ang elevetor at nagmamadali na siyang po pumasok kasabay ng iba pa Inihatid si liz ng sekretarya ni Don Alejandro Mondragon sa pribadong opisina nito at saka iniwan na roon. "Good morning po! pagbibigay -galang niya sa lalaking sa tantiya niya ay wala pang sixty years old. "Good morning ."sagot niya at saka itinuro sa kanya ang silya sa harap ng malapad nitong office desk " sitdown . iha! " Napatingin siya sa don sa pagtawag nito sa kanya nang iha. Ewan ba niya kung bakit niya'y hindi iba ito sa kanya , na para bang may isang bagay na nag-uugnay sa kanila dalawa. Habang nauupo ay pasimple niyang hinahagod ng tingin ang lalaki .hindi pa matanda ang hitsura nito. marahil ay dahil sagana iti sa lahat ng bagay. makapal pa ang buhokna may mangilan-ngilan puti. Guwapo pa rin ang lalaki. at may palagay siyang magugustuhan pa ito ng mga babae kung sakaling wala na itong asawa. Bahagya siyang natigilan nang kasing kapareho ng mga mata nito ang kanya, pati na ang kulay na honey brown. "Natutuwa ako at nakarating ka iha!" sabi nito "Malaking karangalan po ang tawagan ako ng mismong may-ari ng kompanya kaya ako naririto ," mapagkumbabang sabi niya. "Gusto mo bang magtrabaho agad. kaya nga siya naroroon ay dahil gusto niyang magtrabaho roon. pero nakapangako siya kay raff na hindi tatangapin ang anumang trabahong ialok nito. Ayaw niyang magkagalit sila ng kasintahan. "Bibigyan ng magandang posisyon dito. iha, at magandang suweldo. at ako na bahala para maging regular ka rito sa lalong madaling panahon." Natigilan na naman siya .May gaganda pa ba sa alok na iyon na sa mismong may-ari pa ng kompanya nanggaling . "Hindi naman po ako kagalingan , ser. Nagkataon lang pong naipasa ko ang board exam. pero average lang naman po ang grade na nakuha ko!, Ngumiti ang Don na tila tiwalang -tiwala sa kanyang kakayahan. "Iha , hindi naman grades ang batayan ko ng isang mabuti at mahusay na empleyado.attitude ang hinahanap ko "S-salamat pa sa pagtitiwala ninyo pero......." "hindi ako tumatangap ng sagot n no, iha . the true is, ipinahanda ko na ang appointment paper mo kahapon pa. "sabi nitong itinihaya ang dalawang papel sa ibabaw mesa. Naging uneasy si liz . Gustong -gusto niya ang trabahong inaalok nito. pero naiisip niya si raff at ang banta nitong makikipag-break sa kanya kapag tinanggap niya ang trabaho. "heto ang appointment paper mo , iha. Magiging assistant ka nf head nf Accounting Department . basahin mo at maaari ka nang magsimula." inusog ng don ang papeles sa harap niya , kasama na ang isang sign pen. pero hindi niya magawang damputin ang ballpen o tunghayan man lng ang papeles .naiisip niya si raff. "Iha?" may problema ba? sabihin mo sa akin .maaari kang humiling sa akin ng suweldong gusto mo at ibibigay ko!" Hindi siya makasagot .gusto na niyang damputin ang ballpen para mapermahan ang kontrata .hindi na niya kailangan basahin pa iyon."liz , iha ?" tawag ng Don sa kanya. napatingin siya rito at nagtama ang kanilang mga mata. Naramdaman niya ang kagustuhan pagbigyan ito. parang hindi niya ito kayang biguin. dinampot niya ang ballpen at saka kinuha ang dokumento. hindi na niya tinunghayan pa. basta pinirmahan na lang niya at saka kinakabahang inabot iyon sa Don. Nakangiti nang buong suyo."Salamat , iha. hindi ka magsisis!' "S-salamat din po. T-tutuloy na po ako!" Maaari ka na bang magsimula bukas?" Yes ser !" sabi niyang sinundan pa ng mahinang pagtango .tumayo ang don at inihated pa siya sa pinto. Ewan ba niya kung bakit parang ang gaan-gaan ng loob niya rito. Nagtuloy siya sa elevator at agad nang sumakay.Gusto niyang makaalis na agad doon para hindi na sila magkausap pa ni raff .saka na siya magpapaliwanag bukas pagnagkita sila. pagpasok ni raff sa canteen ay natanaw na agad niya si bianca .nasa isang sulok iti ng canteen, malayo sa mangilan-ngilan na lamang na nasisipagalmusal. Lumapit siya sa babae na kasalukuyan nagkakape . Ano pang gusto mo? tanong niya. Hotcake saka hotdog! sabi nitong matamis na nkangiti sa kanya. Nagtungo siya sa counter at kumuha ng pagkain. kanin, longganisa at itlog ang kinuha niya, saka kape . ikinuha niya ng hotdog at hotcake si bianca .siya na ang nagbayad ng mga iyon. kahit maganda ang posisyon niya sa kompanyang iyon. isa siyang engeneer, at malalaki ang sweldonl ay sa bahay siya nag-almusal , ngayon na lamang doon sa canteen, mula nang maging syota niya si bianca. Si bianca ang may gusto na magsabay silang mag-almusal . sabay sila sa tanghalian at meryenda. Si bianca ang dahilan kung bakit ayaw niyang sa kompanyang iyon magtrabaho si liz . ayaw niyang malaman nito na may kasintahana na siya . ayaw niyang masira kay bianca. mayaman sina bianca .ito ang assistant to the general manager ng kompanya at anak ito ng isa sa malalaking stockholder at EVP ng kompanya. bukod sa pagiging stockholderng papa nito sa kompanyang iyon ay may sarili pa itong negosyo na napakaunlad.at. tanging si bianca lamang at ang kaisa-isang kapated nitong si Emily ang tagapagmana. kaya nga nang magparamdam sa kanya ang babae ng pagkagusto ay pinatos na agad niya ito. kahit wala siyang nararamdamang anumang damdamin para rito. Maganda si bianca. sopistikada at mataas ang pinagaralan, pero hindi nya ito type . gagawin lang niya itong tuntungan para siya yumaman. Mataas nga ang posisyon niya sa kompanya at maganda ang kanyang trabaho iyonay hindi siya yayaman. Mananatili siyang isang suwelduhang trabahador na nakakulong sa oras. pero kung magiging asawa niya si bianca , tiyak n ang pagyaman niya. sa laki ng kayamanang mamamnahin nito sa mga magulang, nakatitiyak siyang magbubuhay-hari sa piling nito. ang swerte nga niya fahil patay na patay sa kanya ang babae. Mahigit pa lamang itong isang buwan sa kompanya. kagagaling kasi nito sa states kung saan ito nag-master ng Bussiness administration bilang pghahanda sa pagpasok sa kompanya at paghawak ng isang sensetibong posisyon .kapag magretiro na ang kasalukuyang GM, ito ang tiyak nang papalit . balak na nga niyang yayain itong pakasal kapag tumagal na sila nang mga dalawa o tatlong buwang magkasintahan. Naisip niya si liz . mahigit isang taon na rin silang magkasintahan nito at walang kuwestyon na mahal niya ito, pero handa niya itong isakripisyo para matupad ang pangarap niyang yumaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD