chapter 2

1454 Words
Mahirap din kasing katulad niya si liz. Oo nga at CPA na ito ngayon at tiyak na makakakuha ng maayos na trabaho , alam niyang wala rin silang mararating kung sila ang magkakatuluyan .Oo at magiging maalwan naman ang buhay nila dahil posibleng makakuha ng trabaho si liz na mataas ang sweldo , pero ayaw niya nang basta maalwan lang . Gusto niya ay magbuhay -hari. iyon bang kahit hindi na siya magtrabaho ay makapamumuhay pa rin siya nang maginhawa at sunod ang mga gusto . at kay bianca lng niya mararanasanang ganoong buhay. "May pupuntahan ka bang project site sa araw na ito? tanong ni bianca na nakapagtaboy sa kanyang mga iniisip . "Meron , yung nasa roxas boulevard , pero isang oras lang marahil ako roon .bakit ?" Gusto kong lumabas tayo mamayang gabi! Napangisi siya.Saan tayo ? Mag-casino muna tayo . tapos ,saka na natin isipin kung saan magandang magtuloy ! lalong lumapad ang kanyang pagkangiti. Nakahinga nang maluwag si liz nang makalabas ng elevetor . five minutes to eight sa kanyang relo kaya hindi pa siya late para sa unang araw ng pasok niya. Medyo kakaba - kaba siya habang naglalakad sa pasilyo patungo sa main office ng Mandragon builders . naiisip kasi niya si raff at kung ano ang magiging reaction nito kapag nakita siya at nalamang tinangap din niya ang trabaho .Kagabi nga ay halos hindi siya nakatulog dahil sa pag-iisip ng idadahilan sa kasintahan kung bakit hindi siya nakatanggi sa may-ari ng kompanya Malapit na siya sa entrance ng main office nang makita niyang lumabas si raff sa kasunod na pinto. Marahil ay nagmamadali at hindi napansin ang timba ng tubig sa tabi ng pinto na ginagamit jg janitor na kasalukuyang naglilinis kaya nabunggo nito iyon at tumaob ang timba . nabasa ang sapatos ni raff na agad ikinainit ng ulo nito. Mabilis namang itinayo ng janitor ang timba at agad na nilgyan ng mga basahan ang sahig upang malimas ang tubig nabtumapon N-naku, sorry hon, ser! hingi ng paumanhinbng janitor kahit wala naman itong kasalanan "Bakit ba dito mo inilalagay ang timba mong gago ka! sigaw ni raff sa mykha ng lalaki. " tinggap mo ang nangyari, nabasa ang sapatos at pantalon ko! N-nasa tabi naman ser,. e, mababa ang boses na paliwanag ng janitor. "Gago, mangangawitran ka pa ! bulyaw nito. "Kung hindi lang ako nagmamadali ,masasapak kita, e! P-pasensya na po,ser! " ayusin mong trabaho mong gago ka ha! sabi pa nitong nakaduro da janitor bago humakbang , pero biglang natigilan nang makita siya. lalo pa yatang nagdadagan ang galit nito. Napalunok naman siya .lalong lumakas ang kanyang kaba. "Bakit naririto ka na naman? tanong nito sa mataas na tono. F-first day ko sa trabaho ngayon raff! Naningkit ang mga mata ng lalaki. "Akala ko ba ay nagkaitindihan na tayong hindi mo tatangaping ang trabaho inaalok sa iyo? K-kuwan kasi raf! Wag k nang magpaliwanag ! Mag-usap tayo mamayang pagbalik ko! galit na sagot nito at nagmamadali na siyang nilampasan. nasundan na elevetor at makasakay doon. Hahakbang na sana siya nang pigilin siya ng janitor. Miss ,sandali baka madulas ka , sabi nito. Umabot na kasi sa kinatayuan niya ang tubig na tumapon .Hayaan mong malampaso ko muna iyang sahig . Napatingin siya sa mukha ng lalaki at agad niyang napansin may hitsura ito. Malaking lalaki ito at marahil, kung bibihisan ito ng maayos na damit ay titingkad ang kaguwapohan nito. Mabilis na nilampasong lalaki ang sahig. Halata niyang sanay na sanay ito sa trabaho kaya madaling naalis ang tubig na tumapon . Sige ! Miss ,maaari ka ng pumasok ! sabi nito. Salamat! sani niya.papasok na sana siya main office pero napahinto siya sa paghakbang at bumaling da lalaking nakatingin sa kanya S-siyanga pala, pasensya ka na kay raff. ha! maiinitin kasi ang ulo ng tao iyo e! Okey lang ho iyon. Kilala ho pala ninyo siya? B-boyfriend ko siya ? A...... sabi nitong bahagyang napatango. sige ha, papasok na ako! sabi niya . Ngumiti naman sa kanya ang lalaki , at iwan ba niya kung bakit parang may kasiyahang sumigid sa kanyang dibdib sa ngiting iyon. Kahapong bago siya umuwi ay pinakakilala na siya ng isang taga -personel sa lahat ng empleyado sa bawat department. nasa project site si raff kaya wala ito nang dalhin siya sa Engineering Department . kaya himdi alam ng lalaki na tinangap niya ang trabaho. Ibinigayna agad sa kanya ng hepe ng kanilang department ang mga dapat niyang pagaralan bilang pagsisimula ng kanyang trabaho. May napansin agad siyang mga bagay na gusto niyang itanung sa kanilang hepe pero hindi muna niya itinanong .Unang araw pa lang niya sa trabaho. baka kung ano ang isipin sa kanya kung maurirat na agad siya. itinuon na lang niya ang pansin sa mga report na ibinigay sa kanya. Wala pa si raff nang sumapit ang oras ng uwian. nasa project site raw ito sa roxas boulevard at nagsu-supervise ng ginagawang building doon. Gusto na niyang umuwi pero baka magalit sa kanya ang kasintahan kung hindi siya aabutan doon pgdating nito. ang lahat halos ng mga empleyado ay nakauwi na . nagtungo siya sa main office , sa recieving area at doon siya naupo para hintayin ang pagbabalik nni raff. naroong ang janitor na kinagalitan ni raff at nagliligpit. M-magsasara na ba ito ng office ? tanong niya sa lalaki. hindi pa naman, may mga tao pa kasi sa ibang mga department " sabi nito H-hihintayin ko kasi si raff. wala na kasing tao sa department namin kaya dito na lang ako maghihintay ! " sige lang. nagliligpit lang ako at aalis na rin! sabi nitong ituloy na ang ginagawa. Siya namang pagdating ni raff. Mukhang himdi maganda ang timpla nito base sa bukas ng mukha. Nakasout ito ng lumang polo at maong na pantalon na ginagamit pag nagpupunta sa project site.Tumayo agad na agad siya sa pagkakita rito. Sumunod ka sa kin! utos nitong tila isang hari at nagpatiuna na patungo s opisina ng engineering Department. walang kibo naman siyang sumunod . hindisiya makatingin sa janitor na nadaanan niya.Nahihiya siya sa inasal ni raff at sa nakikita nitong pagtrato sa kanya ng kasintahan.Ini-locked ni raff ang pinto nang makapasok sila. hindi na siya nito inanyayahang maupo. "Hindi ba nag-usap na tayo kahapon na hindi mo tatangapin ang trabahong inaalok sa iyo? sumbat agad nito sa kanya na hindi na nakuhang maupo. R-raff ,na- napakagandang ng offer ni Don alejandro sa akin k-kaya. "wala akong pakialam kahit gaano pa kaganda ang inaalok sa iyo. ang gusto ko ay tanggihan mo ang anumang iaalok sa iyo?" p-pero bakit? hindi kaba natutuwa na magkakaroon ako ng magandang trabaho sa kompanyang ito? saka ayaw mo ba niyon at magkakasama na tayo araw-araw?. tumalim ang mga mata ni raff. Maaari ka ring makakuha ng magandang trabaho kahit sa ibang kompanya , bakit ayaw mo akong sundin na boyfriend mo? h-hindi naman sa ayaw raff...... wala nang marami pang-usap , liz . ang gusto kong mangyari ngayon , magresign ka bukas na bukas din! bahagyan umawang ang kanyang mga labi sa pagkabigla. raff, sayang naman ang trabaho, napagandang ng offer sa akin ni don alejandro ! Ayoko nang marinig pa ang mga paliwanag mo . magresign k bukas na bukas din. iyon ang gusto ko! may nabuhay na paghihimagsik sa kanyang dibdib para sa kasintahan .okey lang sanang magresign siya kung mabibigyan siya nito ng magandang dahilan kung bakit kailangan niyang gawing iyon. hindi ako magresign , raff ! matagtag na sabi niya. nagdilim ang mukha ni raff. tumalim ang mga mata nito at napansin niyang kumuyom ang mga kamao nito. sa isang saglit ay naisip niyang sasaktan siya nito, pero hindi iyon nangyari . dinuro siya ni raff. iyan ang gusto mo , pwes , mula sa oras na ito ay wala na tayong dalawa! raf! dinampot nito ang mga gamit sa ibawbaw ng mesa at saka nagmamadaling lumabas . ni himdi siya tinapunan ng tingin mang madaanan siya nito. raf! , hintay habol niya pero hindi siya nito.pinansin .para itong walang narinig na nagtuloy -tuloy lumabas. npaiyak na lang siya. hindi niya alam kung gaano katagal siyang umiiyak doon. napahinto lamang siya nang maramdaman niyang bumukas nang malaki ang nakaawanag na pinto .pumsok ang janitor. nagmmadali niyang pinahid angga luha . sorry kung nagtagal ako, pero uuwi na ako! sabi niya . ihahatid na kita kahit hanggang sa sakayan ng dyip! presinta nito. H-huwag na , kaya ko! hayaan mo na akong samahan ka, miss , kahit hanggang sa sakayan lang. baka kasi may mangyayari sa iyo kung ganyang......' napatingin siya sa mukha ng lalaki, at nakita niya roon ang malaking simpatya s kanya. marahil ay alam na nito ang namagitan sa kanila ni raff.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD