Kabanata 01: Meet The Playboy.

1674 Words
Kabanata 01: Meet The Playboy. “MAHABAGING Diyos, ingatan mo po sana ang anak ko sa byahe niyang ito. Gabayan n’yo po sana siya sa tamang landas, huwag n’yo ho sana siyang hayaang gumawa ng bagay na alam niyang pagsisisihan niya sa huli.” Napabuntong-hininga na lamang ako habang pinapakinggan ang pagdadasal ni Mama mula sa phone. Katabi ko si Ma’am Lara na kanina pa scroll nang scroll sa social media niya habang ako rito ay kinakabahan na sa kalokohang gagawin namin. “AMEN! Mag-iingat ka roon, Ayla. Alam kong mabait naman si Lara kaya hindi ka n’yan ipapahamak.” “Opo, Tita! Dadalhin ko po sa tamang landas ang anak ninyo!” bulalas ni Ma’am Lara. Kaagad ko naman siyang siniko dahil ang tono ng pagsasalita niya e parang natatawa pa. “O siya, sige, Lara. Alam kong good influence ka kaya ingatan mo sana ang anak ko. Hindi pa kasal iyan, bawal ang lalaki. Ilibot mo lang sa magagandang pasyalan d’yan sa Las Vegas.” “Opo, Tita, makakaasa ho kayong ililibot ko sa magandang pasyalan! Salamat sa pagpayag!” Matapos ang tawag, sinamaan ko ng tingin si Ma’am Lara na siyang ipinagkibit balikat niya lamang. Alam ko naman kasi na hindi lang paglilibot sa Las Vegas ang gagawin namin doon! Puro kalokohan, malamang. Wala naman akong magawa kun’di sumama rin sa kanya dahil naaawa ako sa kanya, kaka-divorce lang ng kasal niya sa Americano niyang asawa. At kailangan niya raw ng enjoyment. Ako lang ang single na pwede niyang isama sa mga lakad niya kaya, ito ako! Pumayag akong sumama sa Las Vegas! Opening kasi ng bar ng nakababatang kapatid ni Ma’am Lara dito sa Las Vegas at hindi raw pwedeng hindi siya pumunta. Libre naman din ang pagpunta ko rito kaya hindi na ako umangal pa! Nakabusangot akong napatitig sa basong inilapag ng kapatid ni Ma’am Lara sa harap ko. Halos 20 hours din ang byahe patungo rito pero diretso kami sa bar. May jetlag pa ako! “Ate, your friend looked like she’s not fine coming here. Her father might scold her once he finds out that you brought her to a night bar!” Lawrence laughed. Siya ang nagsilbing bartender para sa amin. “Hayaan mo siya! Ang tanda na niya para matakot sa galit ng tatay niya. Kakalawangin na nga ang matres nitong kaibigan ko, oh!” “Kapag talaga nadisgrasya ako sa ginagawa mo, Ma’am Lara, ikaw talaga ang suspect,” sabi ko saka dinampot ang isang shotglass ng isang inuming ngayon ko pa lang nakita. Hindi ko alam kung anong inumin ba ‘to. Parang may whip cream sa ibabaw. Pero dahil wala na talaga akong tiwala sa alak, sure ako na mapait pa rin ‘to. “b*****b shot po ‘yan, Manang Ayla. Hindi mo pwedeng inumin ‘yan nang ganyan!” Hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba ang shotglass sa ibabaw ng counter. “Lara! Mahabaging langit, anong b*****b shot ang sinasabi mo r’yan?” “Manang Ayla, kahit man lang sa inumin, makatikim ka ng b*****b. Dalian mo at isubo mo ‘yan kagaya ng mga napapanuod mo sa porn.” Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. “Anong—hindi ako nanunuod ng p**n!” Nanliit naman ang kanyang mga mata. “Ay sus! Kunwari ka pa, kita mo at namumula ang mukha mo dahil totoo!” Akusa niya sa akin. Ang totoo, nanunuod naman talaga ako no’n, siguro once a month… pero hindi ko aaminin sa kanya! Walang habas na hinablot niya ang shot glass at inilapag sa kanyang harapan. Pagkatapos ay pinuyod ang kanyang buhok saka tiningnan ang shotglas. “Kita mo ‘to? Ganito ang b*****b shot. Gagayahin mo lang.” Nasapo ko ang noo ko habang nakatingin sa ginagawa niya. Yumuko siya at isinubo ang shotglass na parang ari ng lalaki! Pagkatapos ay tumingala siya para higupin ang laman. Pumalakpak ang si Lawrence at pinuri pa si Lara. Habang si Lara naman ay tuwang-tuwa. “Oh, come on, give her another shot!” “Coming up!” Kaagad namang naghanda si Lawrence ng sumunod na b*****b shot at inilapag iyon sa harap ko. Napahawak ako bigla sa noo habang nakatingin sa shot glass. O jusmiyo, gagawin ko ba talaga ‘to? “Sa ngalan ng babaeng hindi pa nakatikim ng tit*! Tikman mo na ‘yan!” sigaw ni Lara. Dahil sa sobrang hiya ko, wala na akong nagawa kun’di ang ipuyod ang buhok ko at gawin na lang ang gusto niyang gawin ko para matapos na ang lahat. Dahan-dahan akong yumuko hanggang sa maabot ng labi ko ang shotglass, at nang maisubo ko na, naramdaman ko ang pagdampi ng mga daliri sa batok ko. Pinalitan niya ang pagkakahawak ko sa aking buhok at siya na mismo ang humawak no’n para sa akin. Akala ko naman si Lara, pero walang hiya! Nang mag-angat ako ng ulo para lunukin ang laman ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang isang gwapong lalaking nakangisi ang nakatitig sa akin. Wala sa oras na nalunok ko ang laman ng baso at mabilis na napaubo. Agad naman niya akong tinulungan at kinuha ang shotglass na nasa bibig ko. “s**t, I’m sorry!” bulalas niya. “Oh my God! Sorry Manang Ayla! Iwanan ko na muna sa ‘yo ‘yang babaitang iyan, Stryker ha? Alis muna ako!” Namilog ang mga mata ko habang patuloy pa rin sa pag-ubo dahil nasamid talaga ako sa ininom ko. Nagmamadaling umalis si Lara habang ako ay naiwan doon kasama ang lalaking hindi ko naman kilala! “Sino ka ba? Bigla kang nanghahawak ng buhok ng may buhok!” reklamo ko sa kanya. Oo, nagreklamo ako, pero noong ngumiti na siya at umupo sa katabing high chair na inuupuan ko saka ko lang mas nasilayan ang kagwapuhan niya. Kaso lang, iyong pagiging gwapo niya, kakaiba. Halatang chick magnet! “I’m Stryker, kaibigan ako ni Lara,” sagot niya. “Ngayon lang kita nakita, paano ka naging kaibigan ni Lara?” “We should hide our identity here, right? So it’s a secret,” he winked. Nanliit ang mga mata ko sa kanya. “Isa ka siguro sa mga naging pakboy ni Lara, ano?” Kaagad naman siyang umiling at nagtaas pa ng dalawang kamay. “Naku, hindi ah! Hindi ako gano’ng klaseng lalaki. Mabait ako.” Nagkibit-balikat na lamang ako. “Sige, sabi mo, e.” “Hay, bakit ba ang mga gwapong tulad ko, hindi pinaniniwalaan kaagad? Ganoon na ba talaga kami ka-untrustworthy?” “Medyo.” Umiling na lamang siya at saka nag-angat ng kamay para tawagin ang bartender. Umalis na si Lawrence at may iba pa raw’ng gagawin. “Please give me a glass of whiskey and yours?” Nilingon niya ako. “Whiskey na rin,” sagot ko. “Teka at magbabanyo lang ako.” “Alright, I’ll come with you.” “Naku, don’t worry about me.” Kaagad akong tumayo para umalis. Inalok niya pa akong sasamahan pero hindi na ako papayag. Hindi porque gwapo siya ay papayag na lang akong sumama sya sa akin. Baka mamaya kung ano pa ang gawin niya! Pagkatapos kong magbanyo, lumabas kaagad ako para bumalik sa bar counter pero nang lalabas na sana ako’y may biglang humarang na mga lalaki. Matatangkad ang mga ito na kailangan ko pang tumingala! “Hi, Miss. We’ve been bar hopping lately. But we haven’t seen you before.” Kumindat pa ito. Maputi ito at foreigner, hindi ko nga lang alam ang lahi. May kasama rin siyang blue eyes pero wala akong pakialam dahil mga mukha silang manyak at gangster! “I’m new here… can you let me go? Someone’s waiting for me.” “Oh, you should join us, Miss… What’s your name?” “No, I don’t want to join you.” “You—” “Hey!” Napahinto ito sa pagsasalita nang biglang dumating si Stryker. Namilog ang mga mata nito at mabilis na umatras ang dalawa palayo sa akin. “Leave her alone, she’s with me.” “Y-yes, S-sir. We’re sorry.” Nagmamadaling umalis ang dalawang foreigner na iyon na para bang takot na takot kahit pa mas malaki sila kay Stryker. “Ano ‘yon? Napaalis mo kaagad sila?” Amazed na tanong ko. “Sabi ko naman sa ‘yo, sasamahan na kita…” Kahit pa kaduda-duda iyon, ipinagsawalang-bahala ko na lamang. Sumabay ako sa kanya sa pagbalik sa lamesa namin. “Here’s your whiskey, Madam and Sir!” Nang makabalik kami ay kaagad na inilapag ng bartender ang tag-isang baso namin at binuhusan ng whiskey. Pagkatapos kong magpasalamat ay inangat ni Stryker ang baso sa harap ko. “Cheers?” tanong niya. At ano pa nga bang magagawa ko? Kundi ang pumayag at ipag-untog ang mga baso namin. Hindi ko naman alam, na ma-e-entertain ako nang husto sa kanya. Sa mabulaklak na mga salita niya, maging sa matatamis na mga ngiting paulit-ulit niyang pinapakawalan. “Wala ka naman sigurong asawa?” tanong niya. Halos pumikit na ang mga mata dahil sa kalasingan. “Wala… gusto mo ba, ikaw na lang? Hahaha!” Hindi ko napigilang mapahigikgik nang tawa sa sinabi ko. Wala na akong kontrol. Para akong may sira sa tuktok na hinampas siya sa balikat. “Ikaw? May asawa ka na ano?” “Nah, I have fiancee but I don’t like her. She’s ugly.” “Don’t tell me fixed marriage ‘yan?” “Yeah,” he chuckled. “Do you want to get married to me instead? Hindi hamak na mas maganda ka sa kanya ng sampung paligo,” sabi niya sabay kindat. Ako naman itong kinilig ang kaibuturan ng kabirhenan, hinampas ko siya ulit sa balikat. “Thank you! Feeling ko naman sobrang ganda ko talaga!” “Maganda ka naman talaga…” Napahinto ako sa pagtawa at tuluyang napatitig sa gwapo niyang mukha. Marami-rami na akong nakitang gwapo, pero para sa akin, siya ang may pinakamakalaglag panty. Parang ang sarap luhuran! “Sige nga… Pakasalan mo nga ako?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD