bc

The Mafia’s Accidental Wife [R18+]

book_age16+
532
FOLLOW
3.0K
READ
billionaire
contract marriage
HE
badboy
confident
heir/heiress
bxg
kicking
addiction
like
intro-logo
Blurb

WARNING RATED R18+

Isa na lang ang pangarap ng isang guro na si Jocelyn Ayla Gracia, ang madiligan bago sumapit ng kwarenta. Lumaki siya sa isang relihiyosong pamilya at sagrado ang ‘bagay’ na iyon para sa kanila na pwedeng-pwede niya namang suwayin at ilihim ngunit dahil sadyang masunuring anak, hindi niya ito kailanman nasuway. Hanggang sa makilala niya si Stryker Mariano sa isang secret nightbar na pagmamay-ari ng kaibigan ng kaibigan niyang Principal. Naakit siya sa angking kagwapuhan nito at sa galing ng mabulaklak nitong mga salita. Nang gabing iyon ay aksidente silang naikasal. Isang aksidenteng kasal na magiging dahilan ng sunod-sunod na kamalasan sa kanyang buhay. Kamalasang si Stryker ang may gawa—titira siya sa iisang bahay kasama ang isang playboy na walang ibang gagawin kundi ang manyakin siya at akitin. Ang kunwaring kasal nga ba ay pwedeng mauwi sa totohanan? Lalo na kung malaman pa ni Ayla ang tunay na dahilan ni Stryker?

chap-preview
Free preview
Prologue:
Prologue: “ITIGIL ang kasal!” Pare-parehong napalingon sa direksyon ko ang mga bisita ng kasal na pinuntahan ko. Halata ang gulat sa kanilang mga mata, hindi makapaniwala na may eksaheradang eeksena sa kasalang hindi naman pinagbuklod ng pagmamahalan! “Excuse me?” takang tanong ng nanay ng bride. “Who are you?” Tumaas ang kilay ko at hinintay na humarap ang bride at groom. Ilang saglit lang ay humarap na sila, una ay ang pangit na bride na sapilitan lang na pinakasalan dahil hindi na nga kagandahan, maldita pa. Sumunod na humarap ang groom–ang dahilan kung bakit ako narito. “Miss, nakakagulo ka sa kasal na ito. Pwede bang umalis ka na?” pakiusap ng isang personal bodyguard na nakabantay roon. Ngunit hindi ako magpapaawat. Aba, pagkatapos ng lahat, pagkatapos niya akong akitin, paasahin at pakasalan nang walang kalaban-laban? Magpapakasal siya ulit sa iba? Habang ako, ito at nagdurusa? Dali-dali kong hinawi ang kamay ng bodyguard na hahawak sana sa aking balikat at binuksan ang envelope na bitbit ko. Mukha namang na-curious silang lahat kaya imbes na hayaang lumapit ang bodyguard sa akin, inutusan ng ina ng bride na hayaan na muna ako. Inilabas ko ang papel na fresh from PSA, marriage certificate naming dalawa nitong ugok na ito. “Ako ang legal wife, asawa, original o kung ano pa man ang gusto n’yong itawag basta original ang copy nitong marriage certificate na hawak ko,” sagot ko. “A-anong sinasabi mo?” Hindi makapaniwalang tanong ni Stryker. Iyong kulay light-brown na mga mata niya, galit na. Tandang-tanda kong tinitigan ako niyan nang malagkit noong gabing iyon! Nakakagigil, ang sarap hambalusin! Yari ‘yan sa akin mamaya kapag natapos ang eksenang ito! “Anong ibig sabihin nito, Stryker?” Hindi makapaniwalang tanong ng tatay ng bride. “T-tito, hindi ko po kilala ang babaeng iyan–” “Hindi talaga kilala? Weh? Kahit ipakita ko ang picture nating dalawa?” Pagpuputol ko sa sasabihin niya pa. Gumuhit ang kaba sa mukha niya lalo na nang makitang dumukot na ako sa envelope. Mula roon ay inilabas ko ang printed photo noong nagpakasal kami. Isa itong photoshopped wedding photo namin–may picture naman kaming dalawa, kaya lang ay masagwang ipakita sa mga tao rito lalo na’t mga lasing kami noong nagpakasal. “Hindi na ito tama!” bulalas niya. Lahat sila ay napasinghap, habang ako ay napataas ang kilay. “Aamin na ako,” dagdag niya pa. Wala sa sariling naitakip ko ang kamay sa aking bibig. Teka, tama ba ang naiisip ko? Aamin ba siyang bakla o aamin siyang nasusuka siya sa itsura ng bride niya? Hindi naman sa laitera ako pero kung mabait sana ang bride niya, hindi ko naman siya lalaitin. “Oo, kasal na talaga ako sa babaeng iyan!” he exclaimed. “Nagmamahalan kaming dalawa kaya hindi ako pwedeng magpakasal ulit.” Napasinghap ako. Maging ako ay nagulat sa sinabi niya. Ang gusto ko lang naman ay panagutan niya ang pagpapakasal naming dalawa, na magtulungan kaming mag-divorce muna bago siya ikasal pero mukhang surprise yata ito. Mali yatang bigla na lang akong sumugod. “T-teka, ano–” Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay tumakbo na siya patungo sa akin. Nanlaki ang mga mata ko lalo na nang unti-unti na siyang nakakalapit sa akin hanggang sa… hanggang sa bigla na lamang siyang natapilok at hindi napigilan ang pagbagsak. Nahawakan niya ang suot kong dress na naging dahilan para mapunit iyon at tumambad sa lahat ng naroon ang kulay puting may design na polkadots kong panty! “Stryker!” sigaw ng isang matandang lalaki. Stryker looked up at me and saw my underwear. Namilog ang kanyang mga mata at dali-daling tumayo, at hinubad ang suot niyang puting coat. Sunod-sunod na ilaw mula sa camera ang nag-flash habang paulit-ulit na pinipigilan ng security. Stryker quickly wrapped the coat in front of my legs and he carried me into a bridal style. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ako nakakibo kahit na itinakbo na niya ako palabas ng simbahan. Makapal naman ang mukha ko, pero hindi ko inaasahan na makikita ng sambayanan ang panty ko! Worst, polkadots pa! Bakit nga ba naisipan kong ito ang isuot?! “I couldn’t believe you barged into my wedding like that. Thankfully, you saved me on a horrible wedding night with that ugly woman,” he said. Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na naituloy nang bilisan niya ang pagtakbo palabas ng simbahan. Hindi magproseso ang utak ko habang tumatakbo kami palabas. Teka, tama ba iyong narinig ko mula sa kanya? Imbes na magalit dahil sinira ko ang kasal niya, natuwa pa siya?! Oh my God! Nang tuluyan na kaming nakalabas ng simbahan, agad niya akong ibinaba. Hinihingal pa siyang hinabol ang kanyang hininga. “Ang liit mo pero ang bigat mo, ‘no?” Napakurap ako habang inaayos ko ang pagkakatayo. “Teka lang, huh? Gusto ko lang linawin sa ‘yo na hindi ko pinigilan ang kasal mo dahil bet kita. Ang gusto ko lang naman ay mapawalang bisa na muna ang kasal natin bago ka magpakasal sa hipon na ‘yon,” sabi ko, taas ang noo. Pumameywang siya at nanliit ang mga mata, saglit lang ay napapalatak siya ng tawa saka humalukipkip. “Sa tingin mo ba makakawala ka pa sa ginawa mo ngayon sa akin? They all knew that we were married. And now that we run away, they’ll think that we are so much in love. Live with me for at least two or three months,” he commanded. “Excuse me? Ano ka? Batas?” I replied, raising my brow. “Bakit ako makikipag-live in sa ‘yo? Baka mamaya gahasain mo pa ako.” “Ikaw? Gagahasain ko? I guess that would be the other way around, Miss… what was your name again?” Hindi ko siya sinagot, napatitig na lamang ako sa kanya nang hindi makapaniwala. Hindi makapaniwala na nagpakasal ako sa hinayupak na ‘to. Diyos ko! Bakit ba kasi nagpakasal ako nang lasing. At ano bang trip ng kaibigan kong iyon at inirehistro niya ang kasal ko sa playboy na ‘to? Sa dami ng lalaki! Bakit sa kanya pa?! Maling-mali rin kasi ang desisyon ko noong gabing ‘yon. Ang tawag do’n impulse marrying! Nagwapuhan lang naman ako sa kanya noong gabing ‘yon at nangarap na magkaanak sa kanya. Pero dahil virgin ako at bawal sa pamilya kong katoliko ang magpakangkang nang wala pang kasal, ito at trenta anyos na lang ako, wala pa rin. Noong gabing iyon, nag-usap pa kaming magkikita kami sa susunod na araw pero hindi na naulit muli. Tatlong buwan na ang nakalipas, saka ko lang nalaman na inirehistro pala ng siraulo kong kaibigang judge ang kasal naming dalawa! Ni hindi niya ako in-informed! Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan, baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya! “Ah, basta! Kailangan lang nating mapawalang bisa ang kasal. Walang magaganap na live in!” bulalas ko. Tatalikuran ko na sana siya para mag-walk out pero hindi ko nagawa nang lumabas mula sa simbahan ang mga magulang ni Stryker. Halata ang inis nila sa aming dalawa. “Pumasok kayo sa loob!” galit na anunsyo ng kanyang ama. Nagkatinginan kami ni Stryker, parehong nagtataka. “Dad, this is humiliating. We have to get out of here—” “You know it's humiliating, son. Lubos-lubusin mo na ang kahihiyan!” “Pero po—” “Walang pero!” he shouted. Ngayon ay nakatingin na sa akin nang masama. “I will talk to you after the wedding.” Bahagya kong siniko si Stryker pero mukhang pati siya ay natulala na lang din. Nang tumalikod na sila sa amin para pumasok muli sa loob, wala na akong inaksayang oras para bulungan siya. “Ayaw kong magpakasal na sira ang suot na dress at kita ang polka dots na panty…”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook