Chapter 8

1101 Words
JETT 5 YEARS LATER… “Ayan! Bagay na bagay sa inyo ang red dress, Madam! Saktong-sakto! Kung iyan ang susuotin niyo sa engagement party ng anak niyo, paniguradong pagtitinginan kayo ng mga in-laws mo!” puno ng pambobola kong papuri sa aking numero unong customer. “Bagay na bagay? Saktong-sakto?” tinaasan niya ako ng kilay. Saka siya tumalikod sa akin upang ipakita ang zipper ng red dress na hindi masarado dahil sa lapad at taba ng kanyang likod. “Ay jusko po!” hindi napigilan ni Yuna at Vicky ang mapasigaw ng iisang salita dala ng gulat. Saka may namumulang mukha sa galit na muling humarap sa akin si Madam Edna. “Eh kahit kailan palpak talaga ang tailor shop ninyo eh! Hindi kayo marunong magsukat!! Hindi ko masarado ang zipper at sobrang sikip sa akin nitong dress na pinapagawa ko sa inyo, hindi ako makahinga!!” Sunod-sunod akong napalunok. Tiningnan ko mula ulo hanggang paa ang katawan ni Madam Edna---ang numero unong customer namin na mahilig pumutak na parang kinakatay na biik. Akala ko niloloko lang ako ng paningin ko, pero hindi. Dumoble ang taba niya ngayon hindi tulad noong huling araw namin siyang sukatan ng dress na ito! Natatandaan ko pa nung sinabi niya na mas liitan pa ang size niya dahil papayat na raw siya pagkatapos ang tatlong linggo. Pero hindi! Kabalitaran ang nangyari! “U-Um, madam?” napapagakat labi akong napakamot sa ulo. “Akala ko ho ba magda-diet na kayo? As you can see, tama naman po ang sukat namin sa katawan niyo last last last week pero—” “So ako ang may problema?! Ha?!” mas tumaas ang boses niya, tila'y na-offend. “Ang sabihin niyo, palpak lang talaga ang tailor shop niyong ‘to dahil hindi lang naman ito ang unang beses na sinukatan niyo ako ng mali!! Ano nang gagawin ko ngayon?! Next week na ang engagement party ng anak ko! Wala akong masusuot!!” “Sissy…” lumapit sa akin ang baklang si Vicky para bumulong. “Anong gagawin natin? Nagbayad siya diyan sa pagpapagawa ng dress ng full price eh ang mahal-mahal pa naman.” Kinalmahan ko ang sarili ko dahil sa sinabi niya. “Sige, ako na lang maga-adjust ulit.” “Sure ka? Pambihira pa naman na ang workload natin this week.” Bumuntong-hininga ako saka may ngiting kinausap muli si Madam Edna. “Madam, hubarin niyo na ho ang dress at tatahiin ko ulit. Bago mag biyernes ay pumunta ho ulit kayo rito para kunin. Pero bago ‘yon, susukatan muna ulit namin kayo, ha, madam?” “Hmpp! Siguraduhin mo lang na magagawan niyo ito ng paraan dahil kung hindi! Ipapalandakan ko sa buong city na walang ka-kwenta-kwenta ang shop niyo! Baka nakakalimutan niyo? Isang tanyag na influencer ang anak ko na nakapangasawa ng sobrang yaman na lalaki! Marami siyang fans na paniguradong napapadaan na rin dito sa shop niyo dahil ine-ere niya. Kaya sisiguraduhin kong mawawalan kayo ng customer kapag hindi niyo inayos ‘tong dress ko!” Pinigilan ko ang sarili kong sumagot ng masama saka ngumiti lamang ng matamis. “Hindi na kailangang mag-banta, Madam. Dahil mas pagagandahin pa natin ang dress niyo, okay ho ba?” sinulyapan ko si Yuna. “Yuna, paki-tulungan na si Madam hubarin ang dress at paki-sukatan na siya ulit.” “Masusunod, ate Jett!” Nang matapos ang panggugulo ng madona ay isa-isa kong pinatawag ang lima kong emplayado sa tailor shop na ako mismo ang nagmamay-ari. “Ito na ang huling beses na gagawan natin ng dress iyang si Madam Edna.” seryoso kong saad. “Masyadong abusado dahil masyado nating tinotolerate. Oo, mahalaga ang pera lalo na kung malaki iyon, pero kung kapalit naman niyon ay ang pagbubunganga niya at pagbabanta sa shop natin, ay mas mabuti nang tanggihan na lang. Kaya sa susunod na magpatahi ulit siya o magpagawa ng dress---kahit anong damit, ay tanggihan niyo na agad bago ko ulit saluhin ang responsibilidad. Naiintindihan ba?” “Yes, Boss!” “Okay! Back to work! Marami pa tayong tatahiin!” “Sana kasama sa tatahiin ‘yung bunganga ni Madam Edna! Hahahaha!” pabiro pang tawa ni Vicky. “Kaloka siya! Dagdag pa sa alalahanin imbes tapos na nga sana ang kalbaryo ni Sissy Jettie sa dress niya!” Napapatawa akong napailing-iling. Akma na sana akong babalik sa loob ng silid para ituloy ang naudlot kong ginagawa nang biglang bumukas ang babasagin na pintuan ng aking shop. “Welcome to Anjettie's tailor----Oh, anak!” Hindi ko natuloy ang pagbati sa akalang customer nang makita na ang pumasok ay walang iba kundi si Jelly! “Mama!” maliit na tining siyang sumigaw at may maliliit na biyas na tumakbo patungo sa akin. Kaagad ko siyang kinarga at niyakap nang mahigpit. “Sabi naman ni Mama sa'yo huwag kang pupunta rito at baka asthmahin ka na naman eh.” natutuwa man ay nangangamba kong sabi sa kanya. “Pero gusto ko kalaro si Mama! Nakakasawa na si Uncle Hugo eh!” pagrereklamo niya pa. Hindi ko napigilang i-kiss ang pisngi niya sa pagiging cute niya. “Pasensya na, Anjettie,” napapakamot sa batok na tumangkad sa harapan ko si Hugo na may matamis na ngiti. “Pero nagpupumilit na pumunta si Jelly rito eh. Nagngangawa, gusto ka raw makita. Hindi ko naman matanggihan. Dinala ko na rin ang inhaler niya, just in case.” Napangiti ako ng malaki, napatingala sa tangkad niya. “Maraming salamat, Hugo. Alam kong busy ka rin sa pag-aasikaso ng mga negosyong ibinilin sa'yo ni Lola. Kaya pasensya na at nagagambala ka pa ni Jelly.” “Ano ka ba?” napapatawa niyang ginulo-gulo ang buhok ko. “Kayo na nga lang ni Jelly ang pahingahan ko eh. Dahil sa kanya, nakakatakas ako sa trabaho at nauunat ko ang katawan ko sa pakikipaglaro sa kanya.” Lumambot ang puso ko at nakahinga ng maluwag. “Mabuti naman. Salamat sa'yo. Um, nakapag-miryenda na ba kayo? Bakit hindi muna tayo kumain sa katabing shop. Masarap ang cake nila.” “Yeyy! Cakeee!” nabingi ako sa lakas ng tinig ni Jelly na sumigaw sa aking tainga. “Sigurado ka? Hindi ka busy?” tanong naman ni Hugo. “Hindi naman,” pagsisinungaling ko. “Tara, kain muna tayo.” “Oh! Kung gano'n, tara. Libre ko na.” nagliliwanag ang mukha niya na nagpaunang maglakad palabas para panatiling bukas ang glass door. “Ay wow, si boss, mukhang tatakasan ang dress ni Madam Edna.” anang isa kong emplayado na si Nisha. Kinindatan ko siya saka natutuwang lumabas karga-karga si Jelly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD