CALLISTO
“Pambihira ang nangyari sa pamilyang Rossi, ano?”
“Sinabi mo pa! Pero ang sabi-sabi ng mga maids nila, kinarma raw kasi mga cheater sila.”
“Huy! Totoo ba?”
“Hindi lang iyon, may mga nakapagsabi rin na marami silang kalokohaan behind closed doors.”
“Gaya ng?”
“Actually, mahaba ang kuwento, pero simulan natin sa padre de pamilya… balita ko ay may dalawa siyang asawa noon na pareho niyang pinakasalan sa magkaibang bansa tapos isang araw nasa iisa na silang mansyon—”
“Wow. Interesting.” ngisi kong komento sa dalawang nagtsi-tsismisang nurses habang nakatayo sa likod nila.
Pareho silang natigilan at sabay na napalingon sa akin. Sa mga itsura nilang nanlalaking mga mata ay halatang nakilala agad nila kung sino ako.
“Oh tapos? Ano nang nangyari ng dinala ng Dad ko ang dalawa niyang asawa sa mansyon?” sarkastiko ko pang tanong.
“S-S-Sir Callisto!” ang babaeng nurse na siyang nagkuwento ay parang nakakita ng multo, ganoon din ang mukha ng kanyang kasama.
Bumaba ang paningin ko sa name tag nilang dalawa at mas lalong napangisi. “Nurse Jade and Nurse Gabbie?”
“S-Sorry po!” sabay nilang hingi ng pasensya.
Tumunog ang elevator at bumukas iyon. “Bakit hindi niyo na simulang magpaalam sa hospital namin?” ngiti ko pang sabi saka sila tinaliman ng titig. Nanginig sila sa takot.
Tsk. Agad ko silang nilagpasan, malalaki ang hakbang na lumabas sa elevator at tinunga ang kuwartong sinadya ko.
“Wait here, Shanlee.” pagpapahinto ko pa sa tauhan ko.
“Yes, boss.”
Pinihit ko ang doorknob saka dere-deretsong pumasok.
Walang ibang tao roon kundi si Carcel na wala paring malay. T'saka si Gianna na nakalukot ng upo sa couch. Tumaas ang paningin siya sa akin, masama akong tinitigan saka ako inismiran.
Tsk. Wala talaga siyang pinagkaiba kay Jett.
“Anong ginagawa mo rito?” masamang loob na tanong niya, hindi ako tinitingnan.
Komportable akong naupo sa tabing upuan, tamad siyang tiningnan. “Bumyahe pa ako ng ilang oras, kuha mo nga ako ng tubig.”
“Ah?” hindi siya makapaniwalang napatingin muli sa akin. “Napaka-kapal talaga ng mukha mo, no?”
“Sa ating dalawa, mas makapal ang mukha mo, Gianna.” ngisi ko pa.
Agad siyang nairita, nalukot ang mukha. “Puwede bang tumigil ka, Callisto?”
“Mugtong-mugto iyang mga mata mo ah, hula ko sinabi ng doktor na hindi na babalik ang alaala ni Carcel. Tsk! Sabi ko naman sa'yo eh. Kaya kung ako sa'yo, ayusin mo na ang mga desisyon mo at—”
“Tumigil ka sabi!” binato niya ako ng unan na agad kong sinalag dahilan upang lumipad iyon kay Carcel. “Bwisit ka talaga!” tumayo siya para muling kunin ang unan. Matalim akong tinitigan sa mga mata. “Kung pumunta ka lang dito para mang-inis, I had enough! Sa sobrang inis ko ngayong araw, kaya kong makapatay ng tao, kaya puwede ba?!”
“Wow, scary.” puma dekwatro ako ng upo. “Sige nga, sampulan mo ako ngayon kung kaya mo talaga.”
“Callisto!!” hindi na maipinta ang ekspresyon sa mukha niya. “Ano ba talagang gusto mo, ha?!”
Tinigil ko na ang pang-aasar at bahagyang sumeryoso. “I found Jett.”
Natigilan siya, napadilat ng mga mata sa hindi magandang paraan. “A-Anong sabi mo?”
“Nahanap ko na siya.” pag-uulit ko pa para maintindihan niya. “Naisip ko lang, ano kayang magiging reaksyon mo kung dadalhin ko siya kay Carcel, ‘no? Magagalit ka ba? Mamamatay sa inis? Sasabog na parang bulkan at magwawala?---teka, pare-pareho lang yata ‘yon, haha!”
“Huwag mong susubukan, Callisto!!” halos liparin niya ang pagitan namin para sampalin lang ako ng malakas. “Sira talaga ang ulo mo!! Anong sinabi mo sa babaeng ‘yon, ha?!”
Hindi ako naapektuhan sa pananakit niya, may pang-aasar parin siyang tiningala. “O baka naman matatakot ka kapag nagbalik siya imbes na magalit?”
Natikom niya ang sariling bibig, nanginginig sa galit na muli sana akong sasampalin. Pero bago pa iyon mangyari ay sinalag ko na ang manipis niyang braso.
“Don't feel ashamed. Normal lang na matakot lalo na kung may ginawa kang malaking kasalanan behind all of this.” mas lalo akong napangisi.
“A-Ano bang…” nagdugo ang ibaba niyang labi sa mariing pagkakakagat niya bago tinuloy ang sinasabi. “Ano bang gusto mong mangyari, Callisto?”
Suminghap ako ng hangin at natutuwa iyong pinakawalan. “Finally! Handa ka na bang makinig sa wakas sa gusto kong mangyari, Gianna? After all, it has been almost a decade nung huli mo akong pinakinggan. Pero napapakinabangan mo parin ngayon ang huli kong sinabi sa’yo---ilang taon na nga si Gigi?”
Nagkikiskisang mga ngipin siyang tumugon. “Mag-e-eight na.”
“Right! Then magbabalot na ako ng regalo para sa birthday niya.” umayos ako ng upo. “That's besides the point. Mag-usap na tayo sa labas.”
“Siguraduhin mo lang na hinding-hindi mo dadalhin si Jett dito, Callisto.” anas pa niya.
“Or course. After all, sinira niyang lahat ang plano ko simula nang maaksidente ang ugok na ‘to.” sinulyapan ko ng masama si Carcel. He can't die just yet. Masasayang lahat ng paghihirap namin ni Mom.
Puwede na siyang mamatay sa oras na mabawi na namin ang lahat. Pero hindi pa ngayon.