GIA
“The patient is suffering from retrograde amnesia.” pagdedeklara ng doktor.
“A-Amnesia?” kahit pa batid ko na iyon dahil sa mga inaakto ni Carcel, ang makumpirma ito ng doktor ay nagpabagsak parin sa akin sa gilid ng kama na kinahihigaan ngayon ni Carcel dala ng panlalambot.
“D-Doc, ano pong ibig sabihin no'n? Ano ba iyang nangyayari sa anak ko?” rumehistro ang matinding pag-aalala sa mukha ni tita Malou.
“In simpler terms, retrograde amnesia in simpler terms, is when a person has difficulty recalling memories or information from their past before a specific event, injury, or illness. This memory loss can vary in severity and can affect different periods of a person's life.” pagpapaliwanag ng doktor saka nagpatuloy. “Sa aking nakikita, dahil sa insidente five years ago at sa tagal ng pagkaka-comatose ni Mr. Carcel Rossi, maaaring nakalimutan niya ang mga pangyayari nitong nakalipas na mga taon. Importanteng malaman natin ang espisipikong taon at kaganapan na kanyang naaalala nang sa ganoon ay maipaliwanag natin sa kanya ang mga nagdaan nang nangyari.”
“Diyos ko! Ang anak ko…”
“H-Hindi ko maintindihan!” ganoon na lang ang pamumutla ko. Namumugto ang mga mata kong umiiyak sa doktor. “Bakit kailangan niya pang makalimutan na kaming dalawa na ang nagkatuluyan at ikakasal na!? Bakit ayun pa?! Bakit pa?!”
“I understand that this situation is quite frustrating and concerning, but we all should play a role to better his condition—”
“Um Doc! Sabihin mo,” pagputol ni mommy sa sinasabi ng doktor, nangangamba siyang lumapit sa lalaki. “Temporary lang naman ang kondisyon ni Carcel, hindi ba? Babalik naman kaagad ang alaala niya, hindi ba?”
“I'm sorry to say this pero kailangan niyo pong malaman na ang retrograde amnesia ay maaaring temporarily, long-lasting or permanent. Nasa abilidad ho ng pasiyente ito sa tulong ng mga treatment at interventions na aming ibibigay sa kanya.”
Hindi maipaliwanag ang itsura ni mommy na unti-unting tumingin sa aking naging reaskyon.
“H-Hindi…” makailang beses akong umiling-iling. “A-Ayoko ‘to! Mommy! Ayaw ko ng ganto!!” Nagpatadyak-tadyak ang mga paa ko sa hindi makubling nararamdaman. Gusto kong magwala! Hindi matatanggap ng aking sistema ang naririnig ko! Hindi ko alam kung paano ko ibubuhos ang papasabog kong emosyon.
“Anak! Gia!” dali-daling yumakap sa akin si Mommy. Pero hindi iyon ang kailangan ko! Ang kailangan ko ay marinig na gagaling si Carcel. Na babalik ang mga alaala niya nung ako na ang pinili niya!
“Kasalanan ‘tong lahat ni Ate!! Kasalanan niya kung bakit nagkaganito si Carcel!!” wala sa wisyo kong pinaghahampas si Mommy sa poot na nararamdaman. “K-Kinuha niya sa akin ang lalaking mahal ko! D-Dapat matagal na kaming nagkasama ngayon pero hindi!! Dahil sa ginawa niya… dahil sa ginawa niya nagkaganito… Aaaahhh!!”
“If you’ll excuse me…” nagpaalam ang doktor.
“Iha!” lumapit si tita Malou para damayan din ako. “Gianna, hindi sinabi ng doktor na hindi babalik ang alaala ni Carcel. Magtiwala tayo na magiging maayos din ang lahat. Sa kabila ng lahat, matatag si Carcel. I'm sure babalik agad ang alaala niya. Kailangan lang nating siguraduhing susunod siya sa lahat ng mga sasabihin ng mga doktor.”
Hindi ko parin magawang kumalma. Imbes ay umiiyak kong binalingan si Carcel ng tingin. Hindi parin siya nagigising simula ng turukan siya kaninang umaga ng pampatulog dahil nagwala na naman siya.
Sa tanang buhay ko, sa nakalipas na linggo ko lamang nakikita si Carcel na magwala ng ganito at magalit ng sobra-sobra. Pero ang ams kinakadurog ng aking puso ay ang marinig siyang hinahanap-hanap si Jett.
Samantalang ang babaeng iyon ang may dahilan kung bakit siya naaksidente. Ipinaliwanag ko sa kanya iyon pero ayaw niya akong paniwalaan. Wala siyang pinapaniwalaan ni isa sa amin. Hindi namin siya makontrol!
Hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kanya. Dahil noon, kahit pa ilang problema ang ibagsak sa kanya ay palagi siyang kalmado. Palagi siyang umaaktong malamig at walang pakialam. Pero noong gumising siya at hindi makita ang babaeng iyon ay hindi na niya nagagawa pang umakto sa pangkaraniwan niyang pag-uugali.
“Napaka-unfair!!” pagsigaw ko. “Ako ang nag-alaga sa kanya. Inalagaan ko siya ng halos limang taon! Bantay-sarado siya sa akin at isang maling paghinga niya lang ay natataranta na ako kasi takot na takot akong hindi na siya magising!” nanlabo ng husto ang paningin ko sa pag-uunahan ng mga luha. “Mahal na mahal ko siyaaa!! Kaya bakit ganito?! Ayoko ng ganito!!”
“Gianna…” walang tigil si mommy sa pagdamay sa nararamdaman ko at sa awang pinapakita niya sa akin.
Wala akong ibang kailangan kundi si Carcel lang.
P-Pero bakit… bakit pakiramdam ko ayaw siyang ibigay sa akin ng tadhana?
Sa isiping iyon ay madiin kong kinagat ang dila ko hanggang sa malasahan ang pagdurugo niyon.
Kung wala lamang si tita Malou ngayon ay hahanap ako ng pagbubuntungan ko ng galit. Subalit dahil ayaw kong makita ang pag-uugali ko ay nanatili akong nakaupo sa gilid ng kama, mahigpit na binabaon ang aking mga daliri sa bedsheet.
Carcel, hindi puwedeng panghabang-buhay mo akong kalimutan. Hindi kaa puwedeng bumalik kay ate Jett.
Gagawin ko ang lahat.
Gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa akin.