CHAPTER 8

1753 Words
“Raven, sino nga ulit ang susunod na target natin?” tanong ni Kai habang nakatutok ang tingin sa kalsada at mahigpit ang hawak sa manibela. Tahimik sandali si Raven habang nakasandal sa upuan, ang mga mata ay nakatingin sa bintana ng sasakyan. “Victor Salazar,” malamig niyang sagot. Napataas ang kilay ni Kai. “The human trafficker?” tanong niya. Tumango si Raven. “He’s been operating for years,” dagdag niya. “Untouchable. Maraming koneksyon… kaya walang nakakagalaw sa kanya.” Napabuntong-hininga si Kai. “Figures.” Sandaling natahimik ang loob ng sasakyan habang tumatakbo ito sa madilim na kalsada. “Location?” tanong muli ni Kai. “Private resort,” sagot ni Raven. “Dalawang araw mula ngayon, may meeting siya roon.” Napangisi si Kai. “So… big fish.” “Very big,” sagot ni Raven habang tumingin sa kanya. “Security?” tanong ni Kai. “Tight,” maikli niyang sagot. “Armed guards. Cameras everywhere. At siguradong may backup plan siya.” Napailing si Kai. “Sounds like a nightmare.” “Sounds like a challenge,” malamig na tugon ni Raven. Saglit na napangiti si Kai. “I like that.” Tahimik silang dalawa sandali bago muling nagsalita si Raven. “Kailangan nating tapusin ito nang malinis,” sabi niya. “Isang galaw lang… walang sablay.” Tumango si Kai. “Like always.” At habang papalapit sila sa kanilang pupuntahan— Isang misyon na naman ang magbubukas. Isang target na naman ang mawawala. At isang hakbang na naman ang maglalapit kay Raven… Sa taong nakatakdang humuli sa kanya. “Bakit hindi mo muna hayaan ang kambal ang tumapos?” suhestyon ni Kai habang patuloy sa pagmamaneho. “Masyado kang mainit ngayon sa mata ng lahat, Raven.” Hindi agad sumagot si Raven. “Nandiyan naman sina Aera at Ezra,” dagdag pa ni Kai. “Hindi lang basta bala ng baril ang gamit nila. May dala rin silang lason.” Saglit siyang napangiti. “Ang galing nga ng ginawa ni Storm sa isa sa mga baril nila, ‘di ba?” sabi niya. “Karayom ang bala… pero nakamamatay.” Bahagyang napalingon si Raven sa kanya. Tahimik siya sandali bago nagsalita. “I know,” malamig niyang sagot. “Pero hindi lahat ng target… pwede mong ipasa sa iba.” Napabuntong-hininga si Kai. “Raven—” “Victor Salazar is mine,” putol niya. Tumahimik si Kai. “Mas lalong hindi ako pwedeng umatras ngayon,” dagdag ni Raven habang nakatingin sa unahan. “Kung magtatago ako dahil hinahunting nila ako… mas lalo lang akong magiging mahina sa paningin nila.” Napailing si Kai. “O mas lalo kang mapapahamak,” sagot niya. Sandaling natahimik ang dalawa. “Kaya kong alagaan ang sarili ko,” mahinang sabi ni Raven. “Alam ko,” sagot ni Kai. “Pero hindi ka nag-iisa. Huwag mong kalimutan ‘yon.” Saglit na tumingin si Raven sa kanya bago muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. “Hindi ko nakakalimutan,” sabi niya. Tahimik ang loob ng sasakyan habang patuloy silang bumabaybay sa madilim na daan. “Ikaw pa rin naman ang tatapos kung sakaling pumalpak kami, right?” sabi ni Kai habang nakatingin pa rin sa daan. “Ililihis lang namin ang atensyon ng mga taong gustong humuli sa’yo.” Sandaling natahimik si Raven bago siya sumagot. “Hindi kayo papalpak,” mahinahon ngunit puno ng kumpiyansang sabi niya. “Kilala ko ang kambal.” Napangiti si Kai nang bahagya. “Exactly,” sagot niya. “At least, alam nilang hindi ka nag-iisa.” Napatingin si Raven sa kanya. “Okay, sa kambal ko muna ipapagawa,” pagpayag ni Raven habang nakatingin sa unahan. Bahagyang napangiti si Kai. “Pero andoon pa rin ako,” pahabol ni Raven, seryoso ang tono. “Syempre,” sagot ni Kai. “Hindi ka namin iiwan.” Biglang tumunog ang phone ni Kai. Mabilis niya itong sinagot at inilagay sa loudspeaker. “Hey! Why, Chad?” sagot niya. “Tumawag si Storm,” bungad agad ni Chad mula sa kabilang linya. “Naipadala na raw niya yung batch na kailangan natin.” Napatingin si Raven. “Pero,” dagdag ni Chad, “limited lang ‘yon. Medyo busy daw talaga siya ngayon.” “Figures,” bulong ni Kai. “Pero sabi niya, babawi siya sa susunod,” patuloy ni Chad. “Anong klaseng batch ang pinadala niya?” tanong ni Raven. “Mas concentrated,” sagot ni Chad. “Mas mabilis ang effect… pero mas konti ang supply.” Tahimik sandali ang loob ng sasakyan. “Then we use it wisely,” malamig na sabi ni Raven. “Copy,” sagot ni Chad. “I’ll secure it once it arrives.” “Good,” sagot ni Raven bago pinatay ang tawag. Pagkauwi ni Raven sa mansion ay agad siyang sinalubong ng malamig at mabigat na presensya ng kanyang ama. “At saan ka na naman galing?” bungad nito, halatang naiinis. “Maghapon ka na namang wala.” Napahinto si Raven sa kanyang paglalakad ngunit hindi agad sumagot. “Dad, hindi na ako bata,” sagot niya nang diretso. “May inasikaso lang ako.” “Tama ka,” sagot ng kanyang ama, “hindi ka na bata. Kaya dapat alam mo rin kung ano ang mga responsibilidad mo.” Napakunot ang noo ni Raven. “May shipment ng mga drugs na paparating,” dagdag pa nito habang seryosong nakatingin sa kanya. “At ikaw, palaboy-laboy ka lang kung saan-saan?” Biglang tumalim ang tingin ni Raven. “Talagang pinasok n’yo ‘yang negosyong ‘yan?” tanong niya, halatang hindi makapaniwala. Sandaling natahimik ang kanyang ama bago ito ngumiti nang bahagya—isang ngiting walang emosyon. “Business is business, Raven,” malamig nitong sagot. “Walang personalan dito.” Napakuyom ang kamao ni Raven. “Hindi lahat ng negosyo dapat pinapasok,” sagot niya, pilit pinipigilan ang galit. “Lalo na kung buhay ng ibang tao ang kapalit.” Tumalim ang tingin ng kanyang ama. “At sino ka para sabihin sa akin kung ano ang tama at mali?” malamig nitong tanong. Tahimik si Raven ngunit matigas ang kanyang titig. “Anak mo ako,” sagot niya. “At hindi ako papayag na mas lalo pang lumala ang ginagawa natin.” Naging mabigat ang hangin sa pagitan nilang dalawa. “Hindi ka papayag?” ulit ng kanyang ama, tila natatawa. “Wala kang choice.” Dahan-dahang umiling si Raven. “Meron,” sagot niya. “Huwag kang bastos, Raven,” mariing sabi ng kanyang ama. “Ang mundong ‘yan ang bumuhay sa’yo… ang nagbigay sa’yo ng lahat ng luho na meron ka ngayon.” Tahimik lamang si Raven, ngunit halatang umiigting ang kanyang emosyon. “Kung gusto mong makawala sa responsibilidad na ‘yan,” dagdag pa ng kanyang ama habang nakatitig nang diretso sa kanya, “pakasalan mo ang lalaking gusto ko para sa’yo.” “Maghanda ka sa katapusan ng buwan,” malamig na utos ng kanyang ama. “Opisyal mo nang makikilala ang iyong magiging nobyo.” Hindi gumalaw si Raven. “Wag kang gagawa ng eksena,” dagdag pa nito habang patalim ang boses. “At higit sa lahat… wag mo akong ipapahiya sa harap ng mga tao.” Tahimik pa rin si Raven, nakatayo lamang sa gitna ng silid. Walang reaksyon. Walang sagot. Pagkasabi ng kanyang ama ay agad siya nitong tinalikuran at naglakad palayo, tila tapos na ang usapan para dito. Naiwan si Raven sa katahimikan. Dahan-dahan siyang huminga nang malalim. Sa unang tingin, para bang tinanggap niya ang lahat. Ngunit sa loob niya— May apoy na unti-unting nag-aalab. Habang malalim ang iniisip ni Raven, hindi niya namalayang may papalapit na pala sa kanya. “Anak…” malumanay na boses ang bumasag sa kanyang katahimikan. Bahagya siyang napalingon. Nandoon ang kanyang ina, nakatayo sa may pintuan, may halong pag-aalala ang mga mata. “Nagtalo na naman ba kayo ng iyong ama?” mahinang tanong ng ginang habang dahan-dahang lumalapit. Sandaling natahimik si Raven bago siya sumagot. “Hindi naman po nagtalo,” sabi niya, pilit na kalmado ang boses. “Nag-usap lang.” Bahagyang ngumiti ang kanyang ina, ngunit halatang hindi kumbinsido. “Kilala ko ang ama mo,” sabi nito. “At kilala rin kita.” Napayuko si Raven. “Pinipilit ka na naman niyang magpakasal, hindi ba?” tanong ng kanyang ina. Hindi agad sumagot si Raven. Ngunit sapat na ang kanyang katahimikan para malaman ng kanyang ina ang sagot. Napabuntong-hininga ang ginang. “Anak…” malambing nitong sabi habang hinahawakan ang kamay ni Raven. “Hindi lahat ng bagay ay kayang ipaglaban sa galit.” Dahan-dahang itinaas ni Raven ang kanyang tingin. “Paano kung ayoko, Mom?” mahinang tanong niya. “Paano kung hindi ko kayang tanggapin ‘yon?” Napatingin sa kanya ang kanyang ina, may halong lungkot ang mga mata. “Kung ayaw mo…” sabi nito, “kailangan mong maging handa sa consequences.” Tahimik ang pagitan nila. Dahil pareho nilang alam— Sa mundong ginagalawan nila… Walang madaling pagpipilian. “Si Dad… wala na sa katwiran,” puno ng hinanakit na sabi ni Raven. “Pati mga illegal na gawain, talagang pinasok na niya.” Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng kanyang ina. “Hindi ba tayo pwedeng maging simpleng tao, Mom?” dagdag niya, halos pabulong. “Hindi ko naman hiniling sa inyo ang luho… hindi ko kailangan ang lahat ng ‘to.” Tahimik na nakinig ang kanyang ina, ngunit halatang nasasaktan sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng kanyang anak. “Malala na si Dad,” dugtong pa ni Raven, bakas ang pagod sa kanyang boses. Napabuntong-hininga ang ginang bago marahang hinaplos ang pisngi ng kanyang anak. “Alam ko, anak,” malungkot nitong sagot. “Matagal ko nang nakikita ang pagbabagong iyon sa kanya.” Napatingin si Raven sa kanyang ina. “Kung alam n’yo po… bakit hinahayaan n’yo lang?” tanong niya. Sandaling natahimik ang kanyang ina, tila pinipili ang mga salitang sasabihin. “Dahil minsan,” mahinang sagot nito, “may mga laban na hindi kayang ipanalo ng basta-basta.” Napakuyom ang kamao ni Raven. “Pero hindi ibig sabihin no’n… susuko na lang tayo,” mariin niyang sabi. Tumingin sa kanya ang kanyang ina, may halong lungkot at pag-aalala. “Mag-ingat ka, Raven,” sabi nito. “Dahil sa mundong ‘yan… ang mga taong lumalaban, sila ang unang nawawala.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD