CHAPTER 11

1375 Words
Lumipas ang ilang linggo. Naging tahimik ang galaw ng grupo ni Raven. Pinili muna nilang iextend ang buhay ni Salazar—hindi dahil sa awa, kundi bilang bahagi ng kanilang plano. Gusto nilang iparamdam sa mga humahunting sa kanila na tila walang nangyayaring kilos… na parang nawala na ang misteryosong archer. Ngunit sa likod ng katahimikang iyon— May binubuong mas malaking galaw. Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo ring nagiging masunurin si Raven sa harap ng kanyang ama. Wala siyang pagtutol. Wala siyang reklamo. Kahit pa nasusuka na siya sa mga ginagawa nito. Bilang isang mafia— Pinili niyang magpanggap. Na parang ayos lang ang lahat. Na parang tanggap niya ang mundong pilit ipinapasok sa kanya. Ngunit sa likod ng bawat ngiti… Ay isang lihim na paghahanda. Samantala, sa kanilang hideout— “Ang tatag mo, Raven… huh,” sabi ni Aera habang nakatingin sa kanya, halatang hindi makapaniwala. “Nasisikmura mo ‘yang pinapagawa ng ama mong sakim sa kapangyarihan?” dagdag pa nito, may halong galit ang boses. Tahimik lang si Raven, nakaupo habang nililinis ang kanyang pana. “Enough, Aera,” singit ni Ezra. “May choice ba si Raven ngayon?” Napatingin si Aera sa kanyang kambal, ngunit hindi pa rin nawawala ang inis sa kanyang mukha. Tahimik ang buong hideout. Dahil alam nilang lahat— Ang katahimikan ni Raven… Ay hindi pagsuko. Kundi paghahanda. “Tama si Ezra, Aera,” sabi ni Chad habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang laptop. “Walang choice si Raven ngayon. Kung padalos-dalos tayo… masyado tayong maraming kalaban na sasagupain.” Tahimik ang lahat habang nakikinig. “At isa pa,” dagdag ni Chad, “si Jace Cordero… hindi siya basta-basta.” Bahagyang tumigil ang kamay ni Raven sa paglilinis ng kanyang pana. “Ako ang bahala sa Jace na ‘yon,” kalmado niyang sagot. Napatingin ang lahat sa kanya. “May naisip na ako,” dagdag niya, diretso ang tingin. “At hindi niya ako matatanggihan.” “WHAT?” biglang sabi ni Storm mula sa screen. Naka-display ito sa malaking monitor sa hideout—kahit nasa ibang bansa, parang kasama lang nila ito sa iisang silid. “That man is dangerous,” dagdag ni Storm, seryoso ang boses. “Hindi siya katulad ng mga target mo.” “Exactly,” sagot ni Kai habang nakahalukipkip. “He’s trained. Strategic. Hindi siya madaling malinlang.” Ngunit nanatiling kalmado si Raven. “I know,” sagot niya. Napatingin si Aera sa kanya. “Then why do it?” tanong nito. Dahan-dahang ibinaba ni Raven ang hawak niyang palaso. “Because,” sabi niya, “kung hindi ko siya lalapitan…” Saglit siyang tumigil. “Mas lalo lang siyang lalapit sa atin.” Tahimik ang buong hideout. Dahil alam nilang tama siya. “So, anong plano mo?” tanong ni Storm, malamig ang boses ng binata mula sa screen. Tahimik sandali si Raven—ngunit bago pa siya makasagot— “Hay naku, Storm,” singit agad ni Kai habang napapailing. “Mukhang nababaliw na ‘yan si Raven. Gusto niyang jowain yung Jace na ‘yon.” “What?!” sabay-sabay na reaksyon ng lahat. Nanlaki ang mga mata nina Aera at Ezra. “Wait—what the hell?” dagdag ni Klyde. “What the f**k, Raven?” bulyaw ni Storm, halatang hindi makapaniwala. “Nababaliw ka na ba talaga?” Tahimik lang si Raven. “No,” balewala niyang sagot, parang normal lang ang lahat. Napatingin ang lahat sa kanya, naghihintay ng paliwanag. “Ginalaw niya ako,he f**k me,not once not twice mga apat na beses siguro ng Isang gabi.” dagdag niya, diretsong sinabi. “So dapat lang na jowain niya ako. Amanos na kami.” “Ha?!” halos sabay na sabi ng grupo. “Raven, hindi ‘yan logic!” sabi ni Aera. Ngunit hindi siya pinansin ng dalaga. “Sabi nga nila,” kalmadong pagpapatuloy ni Raven habang umiikot ang hawak niyang palaso, “keep your enemies closer.” Tahimik ang lahat. “So…” bahagya siyang ngumiti, “jojowain ko ang Cordero na ‘yon.” Natigilan ang buong grupo. “Simple,” dagdag pa niya. Ngunit sa likod ng simpleng planong iyon— Alam nilang lahat… Ito ang pinakamapanganib na laro na papasukin ni Raven. “At matutulungan niya akong hindi pilitin ni Dad na pakasalan ang halimaw na kampon niya,” dagdag pa ni Raven, malamig ngunit matatag ang boses. Tahimik ang lahat. “Kilala mo ang daddy mo, Raven,” sagot ni Storm mula sa screen, seryoso ang ekspresyon ng binata. “Hindi uubra sa kanya ‘yang gagawin mo.” Bahagyang napailing si Kai, sumasang-ayon. Hindi lingid sa kanila na matagal nang magkakilala si Storm at ang ama ni Raven—magkababata kasi si raven at storm. Ngunit hanggang doon lamang ang alam ng ama nito. Sa paningin ng iba, isa lamang businessman si Storm. Walang nakakaalam na siya ang utak sa likod ng mga lason na ginagamit nila. Tahimik sandali si Raven bago siya nagsalita. “May plano ako,kami ni Chad may Plan B” sabi niya. Napatingin ang lahat sa kanya. “Alam na ni Chad ang gagawin,” dagdag niya. “Pepekein namin ang kasal.” Nanlaki ang mga mata ni Aera. “Wait… what?” “Magkakaroon ng aberya sa arrangement,” paliwanag ni Raven. “And while they’re fixing that mess…” Bahagya siyang tumigil. “Magkakamali ang lalaking ipapakasal sa akin.” Naging mabigat ang hangin sa hideout. “Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ni Kai, halatang alam na ang direksyon ng sinasabi niya. Dahan-dahang itinaas ni Raven ang tingin. “Ako mismo ang tatapos sa buhay niya.” Tahimik ang lahat. “Kaya huwag ka nang mag-alala, Storm,” dagdag niya, matigas ang boses. “Tungkol naman kay Jace…” balewalang sabi ni Raven habang ibinabalik ang pana sa rack, “hindi ko masyadong pinoproblema ‘yon. Hindi pa naman siya sakit sa ulo.” Napatingin sa kanya ang lahat, halatang hindi makapaniwala. “Unbelievable ka talaga,” sabi ni Klyde habang napapailing. “Nag-aalala kami dito… tapos ikaw, kampante lang?” “Exactly,” singit ni Kai habang nakahalukipkip. “Hindi ‘yan basta-bastang tao, Raven.” “Tsssk,” dagdag ni Klyde. “Kami ang mababaliw sa’yo.” Bahagyang napangiti si Raven, tila hindi apektado. “Relax,” sabi niya. “Kaya ko siyang hawakan.” Napatingin si Storm sa screen, seryoso ang tingin. “That’s exactly what worries me,” sabi niya. “You’re underestimating him.” Hindi sumagot si Raven. Sa halip, tumingin lang siya sa malayo—parang may iniisip na mas malalim kaysa sa inaakala ng lahat. At sa loob-loob niya— Hindi niya minamaliit si Jace. Sa katunayan… Mas lalo pa nga siyang interesado dito. Samantala, sa kampo naman nila Jace— “Any information or lead?” seryosong tanong niya habang nakatayo sa harap ng meeting table. Tahimik sandali ang grupo bago nagsalita si Cynthia. “Meron,” sagot niya habang inilalapag ang ilang folders. “Pero hindi pa buo.” Napatingin si Jace sa kanya. “Mga listahan ng mafia, drug syndicates, at human traffickers,” dagdag ni Cynthia. “Lahat ng posibleng konektado sa pattern ng killings.” “Pero…” singit ni Roe habang nakahalukipkip, “walang galaw.” Napatingin ang lahat sa kanya. “Ilang weeks na rin,” patuloy niya. “Walang namamatay. Hindi tulad nung wala pa tayo sa kaso—halos every week may target na nawawala.” Napakunot ang noo ni Art. “Parang biglang tumigil,” sabi nito. “Or…” dagdag ni Troy, “nagtatago.” Tahimik si Jace habang pinoproseso ang lahat ng impormasyon. “Or naghahanda,” mababang sabi niya. Napatingin ang lahat sa kanya. “Which means,” dagdag niya, “mas malaki ang susunod na galaw.” Naging seryoso ang buong grupo. “Give me all the files na nalikom n’yo,” utos ni Jace habang kinukuha ang mga folder. “Pag-aaralan ko ‘to later.” Tumango si Cynthia. “May meeting lang kami ni Dad,” dagdag ni Jace. Tahimik ang lahat. Alam nilang kapag pumasok na ang general sa usapan— Mas lalong magiging komplikado ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD