Nagkita ang mag-amang Cordero sa isang kilalang restaurant sa Makati—isang lugar na madalas puntahan ng mga taong may kapangyarihan at impluwensya.
Tahimik at elegante ang ambiance.
Ngunit sa gabing iyon…
Hindi lang sila ang may mahalagang pag-uusap.
Sa kabilang bahagi ng restaurant, kapapasok pa lamang ng pamilya Montenegro—kabilang si Raven.
Napatingin si Jace sa direksyon nila.
At agad niya itong nakita.
Si Raven.
Ngunit iba ang itsura nito ngayon.
Naka-simpleng dress siya—malayo sa karaniwang pananamit nitong naka-pants at may matapang na aura. Ngayon, mas lumitaw ang kanyang pagiging elegante at… mas lalong gumanda sa paningin ni Jace.
Tahimik siyang napatingin sandali.
Ngunit agad din niyang ibinalik ang atensyon sa kanyang ama.
Hindi niya ipinahalata.
Hindi niya pinakita na napansin niya ang pagpasok ng dalaga.
“Jace.”
Napabalik siya sa ulirat nang tawagin siya ng kanyang ama.
“Yes, Dad,” sagot niya habang pinipilit maging normal.
Ngunit sa kabila ng pagiging kalmado niya—
May isang bahagi sa kanya ang hindi mapakali.
Dahil sa pangatlong pagkakataon—
Nasa iisang lugar na naman sila ng babaeng hindi niya makalimutan.
At sa pagkakataong ito…
Mas lalong lumalapit ang kanilang mundo sa isa’t isa.
Sa di kalayuang mesa, tahimik na nakaupo ang pamilya Montenegro.
“Hija, are you ready to meet your fiancé?” bungad ng ama ni Raven habang inaayos ang kanyang baso. “Malapit na siyang dumating mula New York.”
Bahagyang tumigas ang ekspresyon ni Raven, ngunit pinili niyang manatiling kalmado.
“Hon,” singit ng kanyang ina habang pilit pinapahupa ang tensyon, “this is a family dinner. Pwede bang huwag muna nating pag-usapan ang mga bagay na ‘yan? Lalo na’t it’s all about business na naman.”
Napatingin ang kanyang ama sa ginang.
“Why? Anong masama?” sagot nito. “I’m just asking.”
Napabuntong-hininga si Raven bago siya nagsalita.
“Dad… huwag dito, okay?” mahinahon ngunit may diin niyang sabi. “I’m ready to meet your future son-in-law…”
Saglit siyang tumigil.
“…pero sa ngayon, gusto ko lang ng payapang hapunan.”
Tahimik sandali ang mesa.
“Pwede ba ‘yon, Dad?” dagdag niya, may halong pakiusap sa boses.
Napatingin ang kanyang ama sa kanya, tila sinusukat ang kanyang mga salita.
Sa unang tingin, mukhang sumusunod si Raven.
Ngunit sa likod ng kanyang kalmadong tono—
May isang lihim na plano na unti-unti nang nabuo.
Napakiusapan naman ni Raven ang kanyang ama, kaya kahit papaano ay tumahimik ito at hindi na muling binuksan ang usapan tungkol sa kasal.
Ngunit kahit tahimik ang kanilang mesa—
Hindi nasayang ang oras ni Raven.
Mula sa kanyang kinauupuan, palihim niyang minamasdan ang di kalayuang mesa kung saan naroon ang mag-amang Cordero napansin nya na Ang mga ito kaninang pagpasok nila sa restaurant ngunit hindi sya nagpahalata.
Ilang linggo pa lamang—
Ngunit kabisado na niya ang mga ito.
Na-background check na niya ang lahat.
Lalo na si Jace Cordero.
Ang galaw.
Ang ugali.
Ang mga taong kasama nito.
At kahit ang maliliit na detalye na maaaring gamitin laban dito.
Tahimik siyang nakatingin nang mapansin niyang tumayo si Jace.
May sinabi ito sa kanyang ama bago tuluyang maglakad palayo—tila papunta sa restroom.
Bahagyang ngumiti si Raven.
Ito na.
“Excuse me po,” sabi niya sa kanyang mga magulang habang marahang tumatayo. “Sandali lang gagamit lang po ako saglit ng restroom.”
Hindi na siya pinigilan ng mga ito.
Dahan-dahan siyang naglakad palayo, tila normal lamang ang kanyang kilos.
Ngunit sa bawat hakbang—
May malinaw na intensyon.
Palihim niyang sinundan si Jace.
Sa loob ng restroom, abala si Jace sa paghuhugas ng kamay nang biglang bumukas ang pinto—at agad itong ni-lock mula sa loob.
Napalingon siya, gulat.
At doon niya nakita—
Si Raven.
“What are you doing here?” gulat na tanong niya habang napapaatras nang bahagya. “Panlalaki ang restroom na pinasok mo.”
Ngunit tila walang pakialam si Raven.
“Come on, relax, Mr. Cordero,” sabi niya, kalmado at parang wala lang.
Tumaas ang kilay ni Jace.
“At least,” dagdag pa ni Raven habang dahan-dahang lumalapit, “hindi naman ako katulad mo na basta na lang papasok sa isang lugar… na hindi alam kung ano ang pinasok.”
Napakunot ang noo ni Jace.
“Wait… what do you mean?” tanong niya, halatang naguguluhan.
“What I mean?” ulit ni Raven, bahagyang napangiwi na parang nasaktan. “Ouch… you forgot already?”
Hindi sumagot si Jace.
Tinitigan lang niya ang dalaga—tila may pilit na inaalala.
Dahan-dahang kinuha ni Raven ang kanyang phone.
May hinanap siya—
At ilang segundo lang ay inilapit niya ito kay Jace.
Isang larawan.
Si Jace.
Tulog.
Walang saplot sa katawan.
Nanlaki ang mga mata ni Jace.
“Do you even remember this?” malamig na tanong ni Raven.
Saglit siyang tumigil.
“And the hotel?”
Tahimik ang buong restroom.
At sa sandaling iyon—
Unti-unting bumalik ang mga pira-pirasong alaala sa isipan ni Jace.
Isang gabi.
Isang babae.
Isang pagkakamali—
Na ngayon…
Ay nakatayo sa harap niya.
“I-ikaw… ikaw ang babaeng ‘yon?” hindi makapaniwalang sabi ni Jace habang nakatitig kay Raven.
Bahagyang ngumiti si Raven.
“Exactly,” sagot niya, parang wala lang. “Sa wakas… naalala mo rin.”
Tahimik sandali si Jace, pilit inaayos ang mga piraso ng alaala sa kanyang isip.
“Tsk,” dagdag ni Raven habang inilalagay muli ang phone sa kanyang bag. “Tutal, ikaw ang kumuha ng virginity ko…”
Bahagya siyang yumuko, diretso ang tingin kay Jace.
“To be fair enough…” malamig niyang sabi, “you’re mine.”
“What the hell are you talking about?” agad na sita ni Jace, halatang nainis.
Napahigpit ang kanyang panga habang nakatitig sa dalaga.
“Anong akala mo sa akin?” dagdag niya, may halong galit sa boses. “Bagay na basta mo na lang aangkinin?”
Hindi niya mapigilan ang inis.
Kahit pa sa unang tingin pa lang ay na-attract na siya dito—
Mas lalo niyang nakikita ngayon ang ugaling hindi niya gusto.
Masyadong matapang.
Masyadong kontrolado.
At tila hindi nangangailangan ng kahit na sino sa buhay niya.