Samantala, makalipas ang ilang araw ay nagpunta si Raven sa kanilang hideout—isang lugar na tanging siya at ang kanyang mga kaibigan lamang ang nakakaalam.
Hindi alam ng kanyang ama ang lugar na iyon. Ni hindi rin nito kilala kung sino ang mga taong malapit sa kanya.
Sa totoo lang, wala naman kasing interes ang kanyang ama na alamin kung ano ang mga gusto at ayaw niya.
Ni hindi nga nito alam na mahilig siya sa pana.
Para sa ama niya, isa lang siyang tagapagmana ng kanilang pangalan at kapangyarihan—hindi isang anak na may sariling pangarap.
Pagpasok ni Raven sa hideout ay agad na bumungad sa kanya ang malawak na silid na puno ng iba’t ibang uri ng armas.
Nakasabit sa dingding ang sari-saring bow—may mahahaba, may compact, at may mga modernong disenyo.
Sa kabilang bahagi naman ay maayos na nakaayos ang mga palaso, bawat isa ay may iba’t ibang dulo at gamit.
Mayroon ding ilang katana, pati na rin mga baril na nakalagay sa isang glass case.nunchaku na ibat ibang desenyo, at espada, na galing din sa ibat ibang panig ng bansa.
Tahimik na naglakad si Raven papunta sa isang rack ng mga pana.
Marahan niyang hinaplos ang isa sa mga ito, tila isang matagal nang kaibigan na muling nakasama.
Ito ang mundong mas gusto niya.
Hindi ang mundo ng mafia.
Hindi ang mundo ng politika at kapangyarihan.
Kundi ang mundong tahimik—kung saan ang tanging maririnig ay ang paglipad ng isang palaso sa hangin.
Hindi nagtagal ay may narinig si Raven na mga yabag papasok sa hideout. Ngunit hindi na siya nagtaka.
Kilala niya kung sino ang mga iyon.
Ilang segundo pa lamang ay isa-isa nang lumitaw ang kanyang mga kasama.
Una niyang nakita si Kai, ang pinakauna niyang kaibigan sa grupo. Kilala ito sa husay nito sa katana—mabilis, tahimik, at eksakto kung umatake.
Kasunod naman ang kambal na sina Aera at Ezra. Pareho silang eksperto sa paggamit ng baril, at kasing bilis ng hangin kung kumilos kapag nasa laban. Bukod pa roon, pareho rin silang bihasa sa nunchaku, kaya bihira ang makalapit sa kanila kapag nagsimula na silang gumalaw.
Sunod na pumasok si Chad, ang tahimik ngunit napakatalinong hacker ng grupo. Sa mundo ng teknolohiya, halos wala nang sistemang hindi niya kayang pasukin. Computer ang kanyang sandata, at impormasyon ang bala niya.
At ang huling dumating ay si Klyde—ang taong laging handang sumalo kapag may problema ang grupo. Siya ang backup nila sa halos lahat ng operasyon. Napakahusay niyang gumamit ng espada, at bukod doon ay may koneksyon din siya sa militar dahil pamangkin siya ng isang major general.
Huminto silang lahat sa harap ni Raven.
Tumingin ang dalaga sa kanila isa-isa bago bahagyang ngumiti.
Ito ang mga taong tunay niyang pinagkakatiwalaan.
Hindi dahil sa pangalan niya bilang Montenegro.
Kundi dahil sa mga laban na sama-sama nilang hinarap.
May isa pa silang kasama.
Ngunit hindi ito naroon sa hideout.
Siya ang taong gumagawa ng mga kakaibang lason na ginagamit ng grupo—lalo na sa mga palaso ni Raven.
Ang pangalan niya ay Storm.
Isang henyo sa larangan ng siyensya at kemikal, kaya hindi nakapagtataka na madalas siyang nasa ibang bansa. Isa siyang scientist na may sariling laboratoryo kung saan niya ginagawa ang mga compound at lason na halos imposibleng matunton.
Tahimik ngunit napakatalino.
Hindi man siya pisikal na kasama sa mga misyon, malaking bahagi pa rin siya ng grupo.
Dahil ang bawat palaso na ginagamit ni Raven ay dumadaan sa kamay ni Storm.
At ang bawat patak ng lason na inilalagay nito ay sapat upang wakasan ang buhay ng isang target sa loob lamang ng ilang segundo.
“Masyado tayong mainit sa batas ngayon, Raven,” bungad agad ni Kai habang papalapit sa mesa kung saan nakalagay ang ilang armas.
Hindi naman agad nagsalita si Raven. Tahimik lang siyang nakatayo habang hawak ang kanyang pana.
“Mas’yado mo kasing ginalingan,” sabi naman ni Ezra, ang lalaking kambal, habang nakasandal sa dingding at nakahalukipkip.
Bahagyang napangiti si Raven ngunit hindi siya sumagot.
“Madali na lang niyang malulusutan ‘yon,” sabi ni Aera habang ibinabaling ang tingin kay Klyde. “Ano ba naman ang ginagawa ng pamangkin ng isang major general?”
Bahagyang napailing si Klyde habang nakangisi.
“Hindi ko kailangang gamitin ang pangalan ng tito ko para doon,” sabi niya.
“Isa pa,” singit ni Chad habang nakaupo sa harap ng laptop na dala niya, “utos din iyon ng major general.”
Napatingin ang lahat sa kanya.
“Galit siya sa mga salot sa lipunan,” dagdag pa nito habang mabilis na nagta-type sa keyboard. “Same with us.”
Tahimik na sandaling nag-isip si Raven bago siya nagsalita.
“Hindi iyon ang problema,” malamig niyang sabi.
Napatingin sa kanya ang lahat.
“Ang problema,” dagdag niya habang hinahawakan ang isa sa kanyang mga palaso, “may mga taong nagsisimula nang maghanap kung sino ang nasa likod nito.”
Naging seryoso ang mga mukha ng kanyang mga kasama.
At sa pagkakataong iyon, wala pa silang ideya—
“Huwag kang mag-alala tungkol diyan,” sabi ni Klyde habang nakasandal sa mesa. “Si Tito na ang bahala. Tutal utos naman niya ‘yon.”
Bahagyang napataas ang kilay ni Kai ngunit hindi na nagsalita.
“Balita ko,” dagdag pa ni Klyde habang nakatingin kay Raven, “mainit ka rin sa daddy mo ngayon.”
Hindi agad sumagot si Raven. Tahimik lang siyang nakatingin sa hawak niyang palaso habang iniikot-ikot ito sa kanyang mga daliri.
“Baka isang araw,” patuloy ni Klyde, “ipahunting pa niya sa’yo ang may-ari ng mga palasong ‘yan.”
Napatingin sa kanya sina Aera at Ezra.
“Dahil ilan sa mga napatay… ay mga amigo rin niya,” dagdag pa ni Klyde. “Mga taong halang ang bituka.”
Saglit na natahimik ang buong silid.
Dahan-dahang itinaas ni Raven ang kanyang tingin.
“Kung mangyari man ‘yon,” malamig niyang sabi, “hindi niya rin malalaman na ako ang hinahabol niya.”
Nagkatinginan ang kanyang mga kaibigan.
Bahagyang ngumiti si Raven—isang ngiti na puno ng kumpiyansa.
“Dahil walang makakahuli sa akin.”
“Tama ka naman diyan,” sabi ni Klyde habang nakahalukipkip at nakatingin kay Raven. “At sa tingin mo ba papayag kaming mahuli ka nang wala kaming ginagawa?”
Bahagyang napangiti si Kai habang tumango.
“Hindi mangyayari ‘yon,” dagdag pa nito.
Tahimik lang na nakikinig si Raven habang nakatayo sa harap ng mesa kung saan nakalagay ang kanyang mga pana.
“Isa pa,” sabi ni Chad habang patuloy na nagta-type sa kanyang laptop, “hindi ka naman katulad ng ama mong halang ang bituka.”
Napahinto siya sandali bago muling nagsalita.
“Kung tutuusin, mas may konsensya ka pa kaysa sa karamihan ng mga taong nasa kapangyarihan.”
Napatingin sa kanya sina Aera at Ezra.
“Ang mga tinatamaan ng mga palaso ni Raven,” sabi ni Ezra, “hindi naman inosente.”
“Mga kriminal,” dugtong ni Aera.
“Mga taong matagal nang dapat naparusahan.”
Tahimik na nakinig si Raven sa mga sinasabi nila.
Pagkatapos ay marahan niyang kinuha ang kanyang pana at isang palaso mula sa rack.
“I don’t do this for revenge,” mahina niyang sabi.
Napatingin sa kanya ang lahat.
“I do this,” dagdag niya habang dahan-dahang hinihila ang string ng pana, “because someone has to stop them.”
Tahimik ang buong hideout sa sandaling iyon.
At sa labas ng mundong iyon…
May isang sundalong nagsisimula nang maghanap sa taong gumagamit ng mga palasong iyon.
“Siya nga pala, bago ko makalimutan, guys…” sabi ni Klyde habang seryosong tumingin sa grupo.
Napatingin sa kanya ang lahat.
“Tumawag si Tito kanina.”
Bahagyang napakunot ang noo ni Raven.
“Ano naman ang sabi niya?” tanong ni Kai.
Huminga nang malalim si Klyde bago siya sumagot.
“Sabi niya… iba na ang humahunting sa’yo, Raven.”
Sandaling natahimik ang buong hideout.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Aera.
“Mukhang humingi na ng tulong si General Cordero sa isang espesyal na grupo ng mga sundalo,” paliwanag ni Klyde. “Mga high-ranking daw… at magagaling sa combat.”
Napatingin si Ezra kay Raven.
“So… mas seryoso na pala ito ngayon,” sabi niya.
Tahimik lang si Raven habang nakahawak sa kanyang pana.
“May pangalan ba?” tanong ni Chad habang nakatingin pa rin sa screen ng kanyang laptop.
Saglit na nag-isip si Klyde bago siya sumagot.
“Hindi sinabi ni Tito ang lahat ng detalye,” sabi niya. “Pero ang sabi niya… ang mamumuno raw sa team ay anak mismo ng general.”
Napakunot ang noo ni Kai.
“Anak ng general?”
“Yeah,” sagot ni Klyde.