CHAPTER 14

1376 Words
“Matagal pa ba?” tila naiinip na tanong ni Raven habang nakatayo sa gilid ng warehouse, nakahalukipkip at matalim ang tingin sa paligid. Tahimik ngunit mabigat ang atmosphere. Naroon sila upang hintayin ang isang shipment—mga armas na ililipat papuntang Japan. “Paparating na daw, boss,” sagot ng isa sa kanyang tauhan habang may hawak na radio. “Ilang minuto na lang.” Napabuntong-hininga si Raven at napapikit sandali. “f**k… ang tagal,” inis niyang sabi. “Nasasayang oras ko dito.” Halata sa kanyang boses ang kawalan ng pasensya. Hindi niya gusto ang paghihintay. Mas gusto niya ang kumikilos. Mas gusto niya ang kontrolado niya ang sitwasyon. Naglakad siya nang ilang hakbang, sinusuri ang paligid—ang mga tauhan, ang security, at ang mga sasakyang nakahanda. “Siguraduhin mong malinis ang operation na ‘to,” dagdag niya habang hindi tumitingin. “Ayokong may sablay.” “Yes, boss,” agad na sagot ng tauhan. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang hinihintay nilang shipment. Dahan-dahang pumasok ang mga truck sa loob ng warehouse, sinasabayan ng mahinang ingay ng makina. Agad na lumapit si Raven. “What took you so long?” bungad niya, malamig ang tono habang nakatingin sa lalaking bumaba mula sa sasakyan. “I’m sorry, my lady,” sagot ng isang Russian na lalaki, bahagyang yumuko bilang paggalang. “May konting aberya lang… pero naayos naman agad.” Pinagmasdan siya ni Raven ng ilang segundo, tila sinusukat kung nagsasabi ito ng totoo. “Okay,” maikli niyang sagot. Tumango siya sa isa sa kanyang mga tauhan. “Check it.” Agad namang kumilos ang mga tauhan. Isa-isang binuksan ang mga crates, inilalabas ang laman—iba’t ibang uri ng armas, maayos na naka-pack at handa para sa transport. Tahimik na pinagmamasdan ni Raven ang bawat galaw. “Make sure walang kulang,” dagdag niya. “At siguraduhin n’yong walang sira.” “Yes, boss,” sagot ng tauhan. Habang abala ang lahat sa pag-check ng shipment, nanatiling nakatayo si Raven—kalmado, ngunit mapagmatyag. Dahil sa mundong ginagalawan niya— Isang maliit na pagkakamali lang… Pwede nang maging simula ng gulo. Maayos na nakaalis ang shipment papuntang Japan. Isa-isang umalis ang mga truck, naglaho sa dilim ng gabi habang tahimik na minamasdan ni Raven ang operasyon. Nang makasigurong wala nang problema, bahagya siyang lumayo sa kanyang mga tauhan. Sa sandaling iyon, tumunog ang kanyang phone. Agad niya itong sinagot—palihim, sa lugar na hindi maririnig ng mga tauhan ng kanyang ama. “Hello.” “Finish Salazar. ASAP.” malamig na utos mula sa kabilang linya. Napakunot ang noo ni Raven. “Why rush?” tanong niya, kalmado ngunit may halong pagdududa. Sandaling natahimik ang kabilang linya bago muling nagsalita ang boses ng major general. “May mga bata na namang nawawala,” mabigat nitong sabi. “At si Salazar ang may pakana.” Nanlaki ang mga mata ni Raven. Unti-unting tumigas ang kanyang ekspresyon. “Confirmed?” tanong niya. “Yes,” sagot ng general. “We don’t have time.” Tahimik si Raven, ngunit ramdam ang bigat ng sitwasyon. Kung dati ay plano lamang— Ngayon, naging urgent mission na ito. “Understood,” malamig niyang sagot. Agad niyang ibinaba ang tawag. Dahan-dahan siyang huminga nang malalim habang nakatingin sa malayo. At sa pagkakataong iyon— Hindi na lang ito personal. Kundi isang laban… Para sa mga inosenteng buhay na muling nadadamay. Samantala, sa kampo nila Jace— “Any idea na ba?” seryosong tanong niya habang nakatayo sa harap ng board, nakapaskil ang iba’t ibang larawan at pangalan ng mga posibleng target. Napabuntong-hininga si Roe. “Eh bro, paano tayo magkaka-idea?” reklamo niya. “Nasa labinlima na ‘yung notorious na halang ang bituka. Hindi nga natin alam kung ano yung pattern niya.” “Exactly,” dagdag ni Cynthia habang nakatingin sa tablet. “Hindi natin sila mababantayan lahat.” “Wala rin namang galaw,” sabi ni Miko. “Tahimik masyado.” Napahigpit ang panga ni Jace. “Damn,” mariin niyang sabi. “Hindi dapat tayo kampante.” Napatingin ang lahat sa kanya. “Ni wala nga tayong idea kung babae o lalaki yung may-ari ng pana,” dagdag niya. “Wala ring fingerprints. Walang kahit anong matibay na lead.” Tahimik ang buong silid. “Parang multo,” bulong ni Art. “Mas malala pa sa multo,” sagot ni Jace. “Kasi may pinipili siyang target.” Napatingin si Troy sa board. “So anong gagawin natin?” tanong niya. Huminga nang malalim si Jace bago sumagot. “Mag-set tayo ng trap,” sabi niya. “Kung hindi natin siya mahuli sa nakaraan…” Saglit siyang tumigil. “Mahuhuli natin siya sa susunod niyang galaw.” Sa hideout nila Raven, abala na ang lahat sa paghahanda. Naka-all black ang buong grupo—mula ulo hanggang paa, may kanya-kanyang facemask na itim. Tahimik ngunit ramdam ang tensyon sa loob ng silid. Bawat isa ay may dalang sariling sandata. Si Kai, hawak ang kanyang katana. Ang kambal na sina Aera at Ezra, handa ang kanilang mga baril na may espesyal na bala mula kay Storm. Si Klyde, nakaabang sa gilid, hawak ang kanyang espada. At si Raven— Tahimik na inaayos ang kanyang pana at palaso. “Chad,” malamig na sabi niya habang hindi tumitingin, “find Salazar. Where is he now?” Agad na gumalaw ang mga daliri ni Chad sa keyboard. “I’m tracking him,” sagot nito habang mabilis na nagta-type. “Give me a second…” Sa malaking monitor, makikita si Storm at ang major general—parehong nakamasid sa operasyon. “Satellite feed incoming,” dagdag ni Chad. Ilang segundo pa ang lumipas at lumabas sa screen ang isang lokasyon. “Got him,” sabi ni Chad. “Private resort. Same place. Pero mas mahigpit ang security ngayon.” Napatingin si Raven sa screen. “Of course,” bulong ni Kai. “Mukhang may idea na siya na may humahabol sa kanya.” “Doesn’t matter,” sagot ni Raven. Tumahimik ang lahat. “Tonight,” dagdag niya, “we end this.” Napatingin si Storm mula sa monitor. “Raven,” sabi niya, “ingat. Hindi lang ikaw ang gumagalaw ngayon.” Sumingit ang major general. “May sarili ring operasyon ang military,” sabi nito. “So be careful.” Saglit na natahimik si Raven. Military. Ibig sabihin— Andoon si Jace. Ngunit hindi iyon nagpabago sa kanyang desisyon. “Let them come,” malamig niyang sagot. Tahimik ang buong hideout. At sa gabing iyon— Dalawang grupo ang sabay na kikilos. Parehong may target. Parehong handang pumatay. “Maghahati tayo ngayong gabi,” utos ni Jace habang nakatayo sa harap ng kanyang team. “Ako ang babantay kay Salazar.” Napatingin ang lahat sa kanya. “Hindi dahil sa nanganganib ang buhay niya,” dagdag niya, malamig ang tono. “Kundi dahil sa intel.” Tahimik ang buong silid. “May mga bata na naman daw na nawawala,” patuloy ni Jace. “At si Salazar ang pangunahing pinaghihinalaan.” Napakunot ang noo ni Cynthia. “Human trafficking… again?” tanong niya. Tumango si Jace. “At hindi lang ‘yon,” dagdag niya habang itinuro ang file. “Kasama rin siya sa illegal organ trade.” Natahimik ang grupo. “Damn…” bulong ni Roe. “Halimaw talaga.” “Exactly,” sagot ni Jace. “Kaya hindi tayo pwedeng magkamali.” “Anong plano?” tanong ni Troy. “Dalawang team,” sagot ni Jace. “Team Alpha—outer perimeter. Kayo ang magbabantay sa paligid.” “Tapos ikaw?” tanong ni Miko. “Inner perimeter,” sagot ni Jace. “Ako ang papasok.” Napatingin ang lahat sa kanya. “Solo?” tanong ni Art. “Less movement, less suspicion,” sagot niya. Tahimik sandali ang grupo bago tumango. “Copy,” sabi ni Cynthia. Huminga nang malalim si Jace. “Listen,” dagdag niya. “Kung may ibang grupo na gagalaw…” Saglit siyang tumigil. “Let them expose themselves.” Tahimik ang lahat. Dahil alam nilang— Hindi lang si Salazar ang target ngayong gabi. Kundi ang misteryosong archer… Na matagal na nilang hinahabol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD