ISANG LINGGO na simula ng magtapat sa kanya si vick , isang linggo na rin na hindi ito pumapasok. Hindi niya alam kung nasaan ito o kung ano ang ginagawa nito. Hindi niya maiwasang mag-alala baka napaano na ito pero pinipigilan niya ang sarili. Matanda na ito. Alam na nito ang tama sa mali.
Sumandal si mea kinauupuan, ilang minuto lang ang lumipas tumunog ang cell phone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, nakaramdam siya ng pagkadismaya. Umaasa siya na tatawag si vick . Pero bakit pa ito tatawag? Pagkatapos ng nangyari sa kanila. Wala na itong dahilan para tumawag pa.
"Hello, Math." Bati niya sa ex-boyfriend niya na nasa kabilang linya. "Bakit ka napatawag at paano mo nalaman ang number ko?" Walang buhay na tanong niya rito.
"Nakuha ko ang number mo kay jena ng magkita kami kahapon." Patay ang babaeng iyon kapag nagkita sila. "Ahm, Are you free to have lunch with me today?" Tanong nito.
Nalukot ang mukha niya. "We're done, Matthew. I'm not interested."
"Come on, mea, please? For old time sake."
She rolled her eyes. "Puwede ba Math, huwag mo akong utuin. Alam kong may binabalak ka kaya gusto mong mag-lunch tayong dalawa. Hindi ako interesado kung ano man 'yon."
Math sighed. "Fine. Gusto ko lang na mag-usap tayo. Gusto kong makipag-balikan sa'yo. I miss you so much, mea . I still love you."Hanggang ngayon
Umasim ang mukha niya. "Gago! Maghanap ka ng maloloko mo."
Pinatay niya ang tawag at naiinis na pinag-krus ang braso sa harap ng dibdib niya.
Ang lalaking 'yon! Balak pa akong utuin. Ano siya, sinuswerte? Akala siguro niya maloloko niya ako-
"mea , Get ready. We have a meeting in Dubai and we'll be leaving tomorrow at seven A.M." Vick voice echoed in every corner of the office.
Mabilis siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita niyang nakatayo ang binata hindi kalayuan sa kanya at abala ito sa cell phone nito.
Her heart instantly hammered inside her chest.
mea can't take her eyes off of vick . He looks fresh and gorgeous. It seems that in one week that he was gone, he went to relaxed himself.
Nakatitig dito si mea kaya naman ng mag-angat ito ng tingin sa kanya, nagtama ang mga mata nila. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
"Get ready, mea . I don't want to be late."
She just nodded. Nagpanggap siyang abala sa harap ng computer ng marinig niya ang boses ni vick sa likuran niya. Biglang bumilis ng t***k ang puso niya.
"Something is wrong with my computer. Walang internet connection." Ipinatong nito ang kamay sa armrest ng upuan niya at inilapit nito ang ulo sa monitor ang computer.
vick 's head was just inch away from her shoulder. mea can feel his breathing on her neck. She can also smell her minty breath and manly scent. She can feel her stomach flattering.
mea hold her breath as she wait for vick to lean back, but he didn't. Hindi siya makagalaw sa upuan niya. Para siyang ipinako sa upuan.
"Can you search 'Five star hotels in Dubai'?" Tanong nito.
She slightly nodded and expertly type on the search bar on Google. Nang maglabasan na ang pinapahanap nito, tumingin siya rito. Her biggest mistake. Nahuli niya itong nakatingin sa kanya.
Lihim siyang napalunok. "Magpapa-book ka ba ng room?" Nagpapasalamat siya at hindi siya nautal.
"Yeah." He answered his eyes still on hers. "One room, with king size bed. Siguro naman, okay lang sa'yo na sa isang kama lang tayo matulog. I promise wala akong gagawing masama sa'yo."
He promised not to do anything to her and it sounds sincere but why does she feel that there's something in his voice that says otherwise?
Nag-iwas siya ng tingin. "Ilang araw tayo roon, Sir?"
"Three days tops."
"Puwede bang hindi nalang ako sumama?"
Ilang segundo itong nawalan ng imik. "Bakit naman?"
"Baka hindi naman ako kailangan doon."
"Isasama ba kita kung hindi ka kailangan doon?" He lean back and mea thanked god. "Pack your things. Sasama ka sa akin. No buts and I won't accept no for an answer."
Napipilan siya hanggang sa lumabas ito ng opisina. Nagpakawala siya ng isang mahabang buntong-hininga. Ayaw niyang sumama pero wala naman siyang ibang pagpipilian.
It's her job as vick secretary.
Tumayo siya sa pagkakaupo at naglakad patungo sa table ni vick para kunin ang Meregildo Account. Kailangan pa niya iyon ilagay sa database bago sila umalis.
mea picks up the file and her eyes unconsciously looked at vick computer. Napakunot ang nuo niya ng makitang okay naman ang connection nito. Naguguluhang bumalik siya sa upuan niya. Okay naman pala ang connection nito, why asked her to search? Ipinilig niya ang ulo at tinangal ang katanungang iyon sa isip niya. Baka bumabalik palang ang internet connection sa computer nito.
Humarap siya sa monitor ng computer at nag-umpisa na siyang magtrabaho, hanggang hindi niya namalayang lunch na pala. Kung hindi pa niya naramdaman ang panghihilab ng tiyan niya, hindi pa niya mapapansin na malapit nang mag alas-dose ng tanghali.
Tumayo siya at akmang pupunta sa canteen para kumain ng makita niya si vick na nakasandal sa mesa niya at kumakain ng ... cup cake? Napatitig siya rito. Hindi man lang niya namalayan na nasa likuran niya ito. Kanina pa ba siya sa likuran ko?
vick looked up and his eyes caught hers. He offered her the cup cake he's eating. "Want some?"
Mabilis siyang umiling. "No, I'm not hungry." Aniya kasabay 'non ay tumunog ang tiyan niya.
Napakagat labi siya at lihim na pinagalitan ang tiyan niya.
mea heard vick chuckled. "Sinungaling ka talaga kahit kailan."
Bakit parang may iba itong ibig sabihin? Parang hindi ang pagsisinungaling niya na hindi siya gutom ang tinutukoy nito kung hindi iba.
Nanigas siya sa kinatatayuan ng hawakan ni vick ang baba niya at iniumang sa bibig niya ang cup cake na kinakain nito. Mabilis na inilayo niya ang mukha rito at humakbang palayo sa binata na para bang may sakit itong nakakahawa.
"Sir, bababa po muna ako para kumain sa canteen." Aniya at mabilis na tinalikuran ito.
Nasa may pintuan na siya ng marinig niyang nagsalita ito.
"You can't run away from me forever, mea ." Anito sa seryusong boses. "Mapapagod ka rin sa pagtakbo. At kapag nangyari 'yon, nasa tabi mo lang ako para pawiin ang pagod mo."
Natigilan siya sa sinabi nito. Ginawa niya ang lahat para hindi tumingin dito. Hindi niya hahayaang maapektuhan ang puso niya sa sinabi nito. vick 's lips are dripping with honey and she knew that somehow, someway, those lips will sting her like a bee.
Pinilit niya ang sarili na humakbang palabas ng opisina. Nang makalabas siya, mabilis siyang naglakad patungong elevator. Pagbukas niyon, nagtama ang mga mata nila ng babaeng sakay ng elevator.
The woman is elegant and beautiful. She stood-maybe-five foot nine. Magka-height lang sila ng babae pero pakiramdam niya ang liit-liit niya kumpara rito. The way she carry herself, it's like she's a model or something.
"Excuse me." Mataray nitong wika. "Huwag ka nang humarang sa dinadaanan ko."
Mabilis siyang tumabi para makadaan ito. Tinaasan siya nito ng kilay at tuloy-tuloy na naglakad papasok sa opisina ni vick. Sa isiping kliyente ang babae, mabilis siyang bumalik sa opisina. Baka kailanganin siya ni vick .
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng pagbukas niya sa pintuan ng opisina, bumungad sa kanya si vick at ang babae na magkalapat ang mga labi. Her heart tightened at what she saw. Nanginginig ang kamay na binitawan niya ang door knob.
She can't breathe. Parang may kamay na pumipilipit sa puso niya at napakasakit niyon. Hindi siya makahinga.
Nang makita siya ni vick na nakatingin, mabilis na itimulak nito palayo ang babae. "Anong ginagawa mo rito, jodeth?"
Gusto niyang tumawa pero hindi niya magawa. Naninikip ang dibdib niya. Ang magandang babae na ito ay si jodeth? Nanliit siya bigla. She's just a normal plain looking woman, compare to jodeth she's nothing.
vick is just playing with her. Sigurado na siya sa bagay na 'yon ngayon.
Tumalikod siya at tumakbo patungong elevator.
"mea ! mea! Let me explain!" Narinig niyang tawag ni vick sa kanya pero hindi niya ito pinansin.
Pagkapasok sa elevator, kinuha niya ang cell phone na nasa bulsa ng pantalon niya at tinawagan si Van She took a deep breath and calmed herself.
"Hey, girl. What's up?" Sabi kaagad ni Van ng sagutin ang tawag nila.
"Hey, Van Bar hopping tayo mamaya?" Aya niya sa kaibigan.
Van faked a gasped. "Is the world coming to an end?! Si mea mary Grace revira ? Nag-aaya na mag-barhopping? Anong nakain mo at nag-aya ka?"
mea shrugged. "I want to get wasted." She bit her lower lip when she remembered what happened the last time she got drunk. "Are you free tonight?"
Tumawa ng mahina si Van. "Kailan pa ako hindi naging free kapag barhopping ang pinag-uusapan? I will tell jena para sama-sama tayo."
"Okay, para mapilipit ko ang leeg niya sa ginawa niyang pagbibigay ng number ko kay Math." She said. "By the way, thanks, Van." Pinatay niya ang tawag.
Pagbukas ng elevator, lumabas siya at tumungo sa canteen.
Habang kumakain, kinakalma niya ang sarili. Hindi na siya iiyak. Hindi na niya iiyakan pa si vick. He doesn't deserve her tears. Because if he really loves him like he claimed, he would not make her cry.
Hindi pa siya nakaka-tatlong subo ng may umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya. Nilingon niya kung sino iyon at ng makita niya si vick gusto niya itong sampalin pero pinigilan niya ang sarili.
"Anong ginagawa mo rito, Sir?" Tanong niya habang nakatingin sa pagkain niya. "Shouldn't you be with jodeth ?"
While asking, it's like her heart being wrenched from her chest.
Walang sagot mula sa tabi niya.
"Sir, bumalik ka na kay jodeth , baka magalit 'yon sa'yo."
Still, no answer.
Bumaling siya sa tabi niya para alamin kung naroon pa ito.
Napasinghap siya ng bigla nalang sinakop ng mga labi ni vick ang mga labi niya. Nag-init ang pisngi niya ng makitang lahat ng tao sa canteen ay nakatingin sa kanila.
Malakas niyang itinulak si vick palayo at mabilis na lumabas ng canteen. Nakita niyang sinundan siya ni vick. Mas binilisan pa niya ang paglalakad pero naabutan pa rin siya nito.
vick grabs her arm and pulled her towards the elevator. Nang sumara iyon at nag-umpisa ng gumalaw, isinandal siya ni vick sa dingding ng elevator at marahas na sinakop ang mga labi niya.
mea gathered all her strength and pushed vick away from her.
She glared at vick . "Bakit ka ba nanghahalik?!" She's mad and the same time embarrass because of what vick did in the canteen.
vick glared back. "Anong bang problema mo? I gave you one week to relax! I gave you one week to re-think about my confession! I gave you one week freedom-"
She managed a fake gape. "So, utang na loob ko pa pala sayo ang one week na wala ka? Wow naman. Gusto mo ng round of applause?" Sarkastikong sabi niya.
Naningkit ang mata ni vick . "I love you mea . Not jodeth or any other woman! Wala silang halaga sa'kin! I don't give a s**t about them! I only care about you, mea . Ano ba ang hindi mo naiintindihan sa mga sinabi ko? I only love you! You don't believe me and I understand that. But please..." His voice becomes a whisper. "Please give me a chance to prove myself , to prove my love to you. Please, mea, I beg you. Gagawin ko ang lahat maniwala ka lang sa'kin."
Nag-flash sa isip niya ang nakita niya sa opisina nito kani-kanina lang.
mea can't stop herself; she pounded her fist on vick 's chest as her tears fall down from her eyes. Ito ang unang beses na umiyak siya sa harapan ng binata. Hindi siya tumigil sa pagsuntok sa dibdib nito hangga't hindi siya nawawala ng lakas. Her cheeks were damp with tears. Her sobs echoed on the elevator.
"Stop lying to me!" She shouted at him. "Puro kasinungalingan ang lumabas diyan sa bibig mo! Tigilan mo na ako! Ayoko na! Hindi kita mahal! Wala kang halaga sakin! Wala akong pakialam sa'yo! I hate you!" She huffed. "Tama na, Vick . Please?"
Napuno ng katahimikan ang elevator, tanging ang hikbi lang niya ang naririnig na ingay.
Pagkalipas ng ilang minuto, nagsalita si vick . "A piece of advice, mea Stop listening to your brain and start listening to your heart instead. Puso ang ginagamit kapag nagmamahal, hindi utak. And I believe that you love me. You won't cry if you don't."
The elevator stops in the top floor and it pops open.
"Get ready, Ms. RIVERA . We're going to Dubai. I'll give you a half-day off. I'll pick you up at six in the morning." Iyon lang at lumabas na ito at iniwan siya sa loob ng elevator.
Niyakap niya ang sarili at nanghihinang dumaosdos ng upo. She doesn't know what to feel, what to think or what to say. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya. Hindi niya alam kung tama ba ang mga desisyon niya.
What if vick is telling the truth? What if he really loves her? What if vick stays faithful to her? Ang dami niyang what if. Hindi niya malalaman ang kasagutan sa mga 'what if' niya kung hindi niya bibigyan ng pagkakataon si vick na patunayan ang nararamdaman nito para sa kanya. Pero ganoon lang ba kadali iyon? What if he is not telling the truth? What if he doesn't really love her? What if he fooled her? Anong mangyayari sa kanya? Anong mangyayari sa akin?
'Stop listening to your brain and start listening to your heart instead.'