Chapter 1
"WHAT? Your mother married again?" ulit na wika ng kaibigan ni Akarie na si Rachel nang matapos niyang i-kwento dito ang pagpapakasal muli ng Mama niya sa isang lalaking hindi niya kilala.
Akarie only knows the man her mother married by name, but she has never seen him in person. Kaya nga masama ang loob ni Akarie sa ina dahil inilihim nito ang tungkol sa lalaki. Nalaman lang niya noong sabihin nito sa kanya na nagpakasal ito at gusto nitong magsama na ang dalawa. At doon din niya nalaman na isang taon na ang relasyon ng ina at ang lalaking iyon bago nag-desisyon na magpakasal.
Sa totoo lang ay wala namang problema si Akarie kung magmahal ng iba ang ina. Matagal na ring nawala ang papa niya. It’s been eight years since her father died in an accident. At simula no'ng mamatay ang ama ay sa kanya na umikot ang mundo ng ina. Ang ikinakasama lang ni Akarie ay ang paglilihim ng ina sa kanya.
Anong inakala ng Mama niya? Na tututol siya sa kasal ng mga ito? Na magta-tantrums siya na parang bata dahil magpapakasal itong muli?
Sa halip na sumagot ay dinampot niya ang bote ng alak ba nakalapag sa ibabaw ng mesa at saka niya iyong inisang lagok.
"Bilib ako kay Tita, may love life. Pero iyong anak zero love life," natatawang wika ni Rachel sa kanya.
Sinamaan naman niya ito ng tingin nang sulyapan niya ito.
Itinaas naman ni Rachel ang dalawang kamay na parang sumusuko. “Para naman mawala ang sama ng loob mo sa mama mo, I have a bet for you," wika ni Rachel sa kanya.
Pinaningkitan naman niya ito ng mga mata. "What?"
Napansin naman niya ang pag-angat ng dulo ng labi nito tanda ng pag-ngisi. At pagkatapos niyon ay tumagos ang tingin nito sa likod niya.
"Nakikita mo ang gwapong lalaking nakaupo sa harap ng bar counter?"
Sinundan naman ni Akarie ang tinitingnan ni Rachel. Medyo naningkit nga ang kanyang mga mata para makita niya ang tinutukoy nito. “The man wearing a black long-sleeved shirt?”
Tumango siya nang makita niya ang tinutukoy nitong lalaki. At sang-ayon nga siya sa sinabi ni Rachel sa kanya, gwapo ang lalaki.
There was something dangerously attractive about him, sharp eyes, a defined jaw, and a calm expression that hid something unreadable beneath the surface. His presence alone drew attention without effort.
Bumaba nga din ang tingin niya sa kamay nitong may hawak na baso at kitang-kita niya ang ugat sa kamay nito, paakyat sa braso nito. Kitang-kita niya iyon dahil nakatupi ang manggas ng suot nitong long sleeves hanggang sa siko nito.
Napansin nga din niya na hindi lang sila ni Rachel ang nakatingin sa lalaki, may ibang babae din na nasa bar ang nakakakuha sa atensiyon nito.
At mayamaya ay nakita niya ang isang matangkad at sexy na babae na naglakad palapit dito. Hindi naman niya inalis ang tingin sa dereksiyon ng mga ito. Kaya kitang-kita niya ang ginawang paghawak ng babae sa dibdib ng lalaki. Nag-angat naman siya ng tingin patungo sa mukha ng lalaki kung nagustuhan nito ang ginagawa ng babae, siguro matutuwa ito dahil palay na ang lumalapit. Pero hindi ganoon ang nakita ni Akarie dahil kitang-kita niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito habang nakatingin sa babae. At hindi niya napigilan ang mapaawang ang labi nang makita niya ang sumunod na ginawa ng lalaki dahil tinabig nito ang kamay ng babaeng humahaplos sa dibdib nito.
Inalis naman niya ang tingin sa mga ito at inilipat niya iyon kay Rachel ng tumawa ito.
"He's really a devil," natatawang wika nito.
Nagsalubong naman ang kilay niya. "What?"
"Him," wika nito.
"Do you know him?"
"Not personally, but I’ve heard of him. He is Alaric Vaughn Madrigal, the CEO of Madrigal Enterprises.”
Madriga? It sounds familiar to her.
Mayamaya ay nawala iyon sa isip niya nang magsalita si Rachel.
“Alaric was ruthless in the business world, a devil in a tailored suit," dagdag pa na wika nito sa kanya. "At nakita mo iyong babaeng tinabig niya kanina? Pangatlo na iyon na hindi niya pinansin ngayong gabi. Mukhang wala sa mood."
Kinunutan ni Akarie si Rachel ng noo nang makita niya ang naglalarong ngiti sa labi nito habang nakatingin sa kanya. "Subukan natin ang charms mo, Akarie kung uubra sa isang Alaric Vaughn Madrigal," wika nito sa kanya. “Try to get Alaric’s attention. Kapag nagawa mo ‘yon, bilib na ako sa ’yo."
"Pass," wika niya, pagkatapos niyon ay kinuha muli niya ang bote at inisang lagok niya iyon.
“I won’t benefit from what you want.”
"My birkin bag," mayamaya ay wika ni Rachel. “If you get Alaric’s attention and he doesn’t push you away, my Birkin bag that you want is yours.”
Bigla namang umangat ang dulo ng labi niya sa sinabi nito. "Deal," mabilis naman niyang sagot.
She love her birkin bags. Pero hindi niya mabili dahil sobrang mahal niyon.
Muli naman niyang ibinalik ang atensiyon niya kay Alaric at kapansin-pansin na hindi na bumalik sa normal ang ekspresyon ng mukha nito. Napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. At mukhang natakot na ang ibang babae na lumapit dito dahil wala nang nakatingin dito.
"The floor is yours, Akarie."
At bago gawin ang gustong ipagawa ni Rachel sa kanya ay nilagok muna niya ang bote ng alak para dagdagan ang lakas ng loob niya.
Pagkatapos niyon ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya.
Sinuklay naman niya ang mahabang buhok gamit ang mga daliri habang naglalakad siya palapit sa dereksiyon ng lalaki.
"Excuse me," wika niya sa isang waiter nakasalubong niya na may hawak na tray na may lamang baso na may alak. Kumuha siya ng isa at saka siya nagpatuloy sa paglalakad.
Akarie stopped in front of him, and she could smell his expensive perfume. It seemed he sensed her presence because he looked at her.
Napansin naman niya na halos mag-isang linya ang mga kilay nito nang magtama ang mga mata nila. Gwapo ito sa malayo pero mas gwapo ito sa malapitan.
Nakaka-tanginang ka-gwapuhan. Nakaka-intimidate nga din ang titig nito pero alang-alang sa birkin bag nilakasan niya ang loob.
She smiled at him sweetly. "Hi!" bati niya.
His brows furrowed even more. "Go away," malamig pero baritonong boses na wika nito sa kanya.
Pero sa halip na umalis sa harap nito ay nanatili lang siya sa kinatatayuan. Napansin niya ang pag-igting ng panga nito. Itinaas naman niya ang hawak na baso na may lamang alak sa harap nito.
"Drinks" nakangiting alok niya sa hawak. Pero sa halip na kunin ay tinitigan lang siya nito. Hindi naman niya inalis ang ngiti sa labi niya habang sinasalubong ang hindi maipintang mukha niya.
"The drinks is safe, wala akong inilagay diyan," wika ni Akarie dito. At para paniwalaan siya nito ay sumimsim siya doon.
She even licked her lower lip after. Napansin naman niya ang pagbaba nito ng tingin sa labi niya. At kitang-kita din niya ang paggalaw ng adams apple nito. "Here."
Inilapit niya ang hawak na baso dito. Akala nga niya ay tatabigin nito ang kamay niya pero ganoon na lang ang gulat niya ng kinuha nito ang baso na hawak niya at nilagok nito iyon.
Hindi naman napigilan ni Akarie ang mapatingin sa labi ng lalaki habang umiinom ito sa baso may lamang alak.
At mukhang sinapian siya ng kalandian o nangibabaw ang espiritu ng alak dahil habang nakatitig siya sa labi nito ay parang gusto niya itong halikan.
At nang hindi siya makatiis ay humakbang pa siya palapit hanggang sa dumikit ang binti sa tuhod nito.
Napansin naman niya na natigilan ang lalaki sa naramdaman nito. At bago pa mawala ang esperitu ng alak sa ulo niya ay kinuha niya ang baso na hawak nito at saka niya ipinalit ang labi niya.
She closed her eyes as she kissed him fully on the lips. She could even taste the alcohol on his lips.
Naramdaman nga din niya ang paghawak ng lalaki sa magkabilang baywang niya. Inasahan naman niya na itutulak siya nito sa first move na ginawa niya.
But instead of pushing her away, she felt his arm wrap around her small waist and pull her closer.
At napamulat na lang siya ng mga mata ng maramdaman niya ang paggalaw ng labi nito sa labi niya.
Alaric Vaughn Madrigal was kissing her lips with a hunger she couldn’t keep up with.