"S-sorry, Ma. Kakagising ko lang po," wika ko kanya. "At saan ka natulog?" My mouth opened and closed because her question caught me off guard. "Nandito na ako sa condo pero wala ka dito," dagdag pa na wika ni Mama. Mabilis naman akong nag-isip ng i-a-libi sa kanya. "Kay...Rachel po ako nakitulog," sagot ko sa kanya. "S-sinundo po kasi niya ako kagabi dito sa condo," dagdag pa na wika ko. Lihim nga din akong humingi ng sorry kay Mama dahil sa pagsisinungaling ko. Ang dami ko nang kasalanan kay Mama. Narinig ko naman ang paghugot ni Mama mula sa kabilang linya. "Next time, Akarie. Mag-text ka kung nasaan ka para hindi ako mag-alala," wika ni Mama sa akin. "Yes, Mama," sagot ko lang naman. *** "So, how's your dinner with your stepbrother?" tanong ni Rachel sa akin ng puntahan

