"Anong ginagawa niyo?" "Tinutulungan ako ni Akarie na magluto," sagot ni Mama. "You know how to cook, hija?" "Opo. Pero mas magaling po si Mama," sagot ko. Napangiti naman si Tito Alfred. "Maupo ka na, Alfred. Ihahain lang namin ito sa mesa," wika ni Mama sa kanya. "Bahala na sila Lumien ang maghain, Agnes," sagot naman ni Tito Alfred kay Mama. Pagkatapos niyon ay nilingon niya ang kasambahay para utusan. Agad naman silang tumalima. Inalis ko naman na ang apron na suot ko. Nang maihanda ang pagkain sa mesa ay nagsalita si Tito Alfred. "Lumien, tawagin niyo na si Vaughn para makapag-breakfast na," utos naman ni Tito Alfred. Hindi ko naman napigilan ang pagbilis ng t***k ng aking puso nang marinig ko ang pangalan ng lalaki. "Sige-- "No need." Hindi na natapos ang ibang sasab

