Sumakay na din si Alaric. At bago niya paandarin ang makina ng kotse at sumulyap siya sa akin. At ganoon na lang pamimilog ng aking mga mata nang ilapit ni Alaric ang sarili sa akin. Napatingin naman ako sa aking harapan at nakita kong nakatayo pa din si Mama at Tito Alfred sa labas ng mansion habang nakatingin sila sa gawi ng kotse kung saan kami nakasakay. Nang sandaling iyon ay hindi ko napigilan ang pagkabog ng aking dibdib. Paano kung makita nila kami na ganoon kalapit? “I can hear your loud heartbeat, little kitten," wika ni Alaric sa akin. Nang sandaling iyon ay pigil ko ang mapapikit nang tumama ang mainit at mabango niyang hininga na tumama sa aking mukha. Tumingin ako sa kanya at nakita ko na titig na titig siya sa akin. "Scared? Or you're waiting for something," wika ni

