“Excuse me, Akarie. I’ll answer this call," wika niya sa akin. Nang tumango ako ay humakbang na siya palabas ng kwarto. Ako naman ay lumapit sa drawer para mamili ng ilang accesorries na isusuot ko. Isang stud earring and necklace naman ang pinili ko. Nang masuot ko iyon ay kinuha ko ang sandals ko at isuot. Saktong natapos ako nang bumalik si Rachel para magpaalam sa akin. Kailangan na niyang umalis dahil may pupuntahan daw sya. Tumango at nagpasalamat naman ako sa kanya bago siya umalis. At limang minuto simula noong umalis si Rachel ay nakatanggap ako ng text message galing kay Troy. Nang buksan ko ang mensahe niya ay nabasa kong nasa baba na siya ng lobby. Nang ma-reply ko siya ay dinampot ko na ang purse ko at lumabas na ng kwarto, diretso na din ako na lumabas ng condo.

