Hinintay ko naman na papasukin ako ni Alaric pero wala akong narinig. "Ma'am soundproof, kaya pumasok na kayo," wika naman ng lalaki sa akin. "Oh," sambit ko naman. Pinihit ko naman na ang seradura at saka ako pumasok sa loob. Nag-angat naman ako ng tingin at agad na sumalubong sa aking ang malamig na mga mata na nakatuon na sa akin. Mga mata ni Alaric. Na kahit na nakasuot siya ng eyeglass ay kita ko pa din ang ekspresyon ng mga mata niya. He was staring at me now, mukhang inaabangan na niya ang pagpasok ko sa opisina niya. He sat in his swivel chair, leaning back comfortably against the backrest. "Close the door," utilos niya sa akin sa malamig pero baritonong boses. Hindi nga niya inaalis ang tingin sa akin. Nangangatog tuloy ang aking mga tuhod sa titig na pinagkakaloob niya sa

