Akarie Hindi na ako binigyan ng pagkakataon ni Alaric na magsalita dahil nagpatuloy na siya sa paglalakad. At sa halip na sundan ko siya ay nanatili akong nakatayo habang nakatitig sa malapad na likod niya. At mukhang naramdaman niya na hindi pa din ako kumikilos dahil nasalita siya na hindi man lang ako nililingon. "Don't make me wait," wika niya sa akin. Saglit ko namang ipinikit ang aking mga mata bago ko sinunod ang utos niya. Hindi ko naman na magawang igala ang aking tingin sa loob ng penthouse niya dahil sa kaba na aking nararamdaman. Humakbang ako para sundan siya. Naramdaman ko nga ang pangangatog ng aking tuhod pero nagawa ko pa din na sundan siya. Nakita ko naman na pumasok siya sa isang nakabukas na pinto. Saglit akong natigilan hanggang sa pumasok din ako sa pinto. At m

