Akarie Nag-angat ako ng tingin kay Alaric nang ilapag niya sa ibabaw ng mesa ang plato na naglalaman ng pagkain na niluto niya kanina. Bumaba nga ang tingin ko sa pagkain na niluto niya. At naramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura nang makita ko kung ano ang pagkain na niluto niya. It was steak and mashed potato. At sa tingin at amoy pa lang ay alam ko na masarap na kahit na hindi ko pa iyon natitikman. At hindi ko alam na marunong palang magluto ang isang Alaric Vaughn Madrigal. Mayamaya ay inalis ko ang tingin sa pagkain at nang-angat kay Alaric nang umupo na siya sa harap ko iyon. "Let's eat," wika niya nang magtama ang mga mata namin. Dahil nagugutom na ako ay tumango ako bilang sagot sa sinabi niya. Nakita ko nga na magsisimula na sana siyang kumain pero napatigil siya

