Akarie Napalunok pa ako ng isang beses bago ko sinunod ang utos ni Alaric na isarado ang pinto at saka iyon i-locked. At pagkatapos niyon ay isinandal ko ang aking likod do'n ng humarap ako sa kanya. Napansin ko naman ang pagsasalubong ng mga kilay niya nang makita ang ginawa ko. "Come here," ma-awtoridad na utos niya sa akin. "And I don't want to repeat my words," dagdag pa na wika niya. I let out a deep, heavy breath before slowly walking toward him. Nakita ko naman ang pagsandal niya sa kanyang swivel chair at saka niya inusog iyon pa-atras. At habang palapit ako ay hindi niya inalis ang tingin sa akin. His intense gaze locked on me. Naramdaman ko nga ang biglang panginginig ng aking mga binti pero nagpasalamat ako at nagawa ko pa ding lumapit ng hindi man lang natutumba. Humi

