Hindi ko na nga hinintay na magsalita siya nang kunin ko ang aking cellphone sa bulsa ng aking suot na pantalon. At nanlaki ang aking mga mata nang makita at mabasa ko kung sino ang tumatawag sa akin. Si Mama. "Sagutin ko lang ang tawag ni Mama," wika ko sa kanya. Akmang tatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kandungan niya ng mapatigil ako ng pigilan ako ni Alaric, humigpit ang pagkakahawak niya sa aking baywang. "Answer it here," mariining utos niya. "Pero... Hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin ng magsalubong ang kilay niya. "Fine. But keep quiet," wika ko sa kanya. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago ko sinagot ang tawag ni Mama. "H-hello?" "Akarie, naibigay mo na ba kay Vaughn ang lunch niya?" Bubuka sana ang bibig ko para sagutin si Mama nan

