Akarie "Akarie, okay ka lang ba diyan?" Nang marinig ko ang boses ni Mama ay mabilis kong itinulak si Alaric. "N-nasa labas si Mama," wika ko sa kanya sa mahinang boses sapat na para marinig niya, bigla nga ding bumilis ang t***k ng aking puso dahil sa nararamdamang kaba ng sandaling iyon Pero si Alaric, parang wala lang sa kanya na nasa labas si Mama dahil isinubsob niya ang mukha sa aking leeg. Hinila nga din niya ang aking buhok para mapatingala ako. Mabilis kong tinakpan ang aking bibig para pigilan ang ungol na gustong kumawala doon ng maramdaman ko ang pagdila ni Alaric sa akin leeg. "Akarie?" Muli kong narinig ang boses ni Mama, muli ko nga ding narinig ang mahinang pagkatok niya sa labas ng pinto. Tumikhim ako. "M-mama, saglit lang," wika ko, lihim ko ngang pinagalitan an

