Akarie Kitang-kita ko ang gulat sa ekspresyon sa mukha ni Rachel matapos kong i-kwento sa kanya ang nangyari sa dinner meeting namin ni Mama kay Tito Alfred ay sa anak niya ng minsan puntahan niya ako sa condo para kamustahin. "It's really small world," wika niya nang makabawi mula sa pagkabigla. "At masyado din talagang mapaglaro ang tadhana, Akarie. Iyong lalaking naka-one night stand mo ay magiging stepbrother mo pala," dagdag pa na wika niya. Ikinuwento ko kasi kay Rachel na si Alaric Vaughn Madrigal at ang anak ng bagong asawa ni Mama ay iisa. At katulad ko ay ganoon din ang naging reaksiyon siya. She was schock. Hindi ko masyado pinagtuunan ng pansin ang pangalan ng anak ni Tito Alfred. I already knew him as Vaughn, but I didn't know that his full name was Alaric Vaughn Madrigal.

