Akarie Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang t***k ng aking puso habang palapit si Alaric sa amin. As usual, his devilish eyes were fixed on me again. He never took his eyes off me as he walked toward me. Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng kaba ng sandaling iyon sa isiping baka mapansin nina Mama at Tito Alfred na sa akin nakatingin si Alaric. Iniwas ko na lang naman ang tingin ko sa kanya at inilipat iyon kina Mama. Nakahinga naman ako ng maluwag nang mapansin ko na hindi napapansin ng dalawa na nakatingin siya sa akin. Nakita ko nga din ang matamis na ngiti ni Mama sa lalaki at nang inilipat ko ang aking tingin kay Tito Alfred ay napansin ko nagbabantang tingin niya sa anak. Alaric stopped in front of us, and the intoxicating scent of his expensive perfume in

