Chapter- 11

1143 Words
Mika Pov. Sabay kami na nakarating ni Trisha sa Cafe. Pagdating namin ay naabutan namin si Kayla na kausap si Ram. Lumapit kami sa kanila at binati sila. "Oh? Bakit ka andito Ram?" Ani ko. "Hi, Ella!" Ani niya at Yumakap sakin. Si Ram lang talaga ang tumatawag sakin na Ella. Ewan ko ba dito sabi niya para unique daw. Nag hi rin siya kay Trisha at Kumuha nalang kami ng isa pang upuan para maka upo na kaming lahat. Kinwento saamin ni Kayla ang nangyari nang wala pa kami dito. Pagkatapos niyang ikwento saamin ay inilabas ko ang Phone ko at nag dial. "Sinong tatawagan mo?" Ani niya. "I'll call my Lawyer." Pinindot ko na ang Dial at narinig ko na nagriring. Mabilis na kinuha sakin ni Kayla ang Phone ko at inend ang tawag. "Hindi na kailangan, Mika. Pinagsabihan ko na siya, Hindi na 'yon mangungulit sakin." Ani niya. Binalik niya saakin ang Phone ko at nag order na kami. "Siguraduhin niya lang talaga, Kayla. Sinabi ko naman sayo noon na may gagawin talagang katarantaduhan yang Boyfriend mo." Ani ni Trisha. "Wag niyo na ngang pag usapan yan, Girls. Masisira lang ang araw niyo. I've heard na natanggap ka sa Kompanya nina Jaden as his Secretary." Ani ni Ram kay Trisha. "Yeah, Kahapon lang ako natanggap. Ang bilis mo naman yata na makasagap ng Balita" ani ni Trisha at ininom ang kape niya. "Ofcourse no. Mabilis na kaya kumalat ang mga balita ngayon. So, kamusta naman ang experience mo?" "Well, hindi pa naman ako ganap na Secretary na. Sabi kasi ng Dati niyang Secretary ay kailangan ko pang aralin ang magiging trabaho ko kasi hindi daw iyon madali" "Totoo naman siya dyan. Tsaka, ang taas kaya ng trabaho na inaplayan mo." Ani ni Ram. "Hindi kaba papasok ngayon?" Tanong ko. "Mamayang hapon pa. May Meeting daw si Mr. Chen ngayon kaya walang mag a-assist saakin." Hindi rin naman kami nagtagal sa Cafe kasi kailangan ko nang makabalik sa Hospital. Si Kayla naman ay kailangan narin sa Trabaho niya. Si Ram na ang nagbayad ng mga order namin at sabay narin kaming umalis.Pagkadating ko sa Hospital ay agad na akong nagbihis. . . . Trisha Pov. Pagdating ko sa Company ay agad na akong pumunta sa Office ni Mr. Chen. Pagpasok ko ay walang tao sa loob. Mabuti nalang at naka long sleeve na ako. Sobrang lamig kasi ng aircon dito. Hindi ata sila nagtitipid sa kuryente. Umupo muna ako sa upuan. Ilang minuto rin akong naghintay pero hindi parin dumarating si Mr. Chen. Nababagot na ako kaya Lumabas nalang muna ako ng Office. Iniwan ko ang Bag ko pero dinala ko ang phone ko. Bigla akong nagutom kaya naisipan kong bumaba muna para kumain sa Cafeteria nang Kompanya. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 3rd Floor. May guide ako sa Phone kung anong Floor ang dapat kong puntahan. Pagkadating ko ay nakita kona agad ang malaking Pinto at may sign na CAFETERIA. Pagpasok ko ay nakita ko na agad ang mga nakahandang mga pagkain. Nasa malalaking tray ito at may mga plato nang nakahanda sa gilid. Kung iisipin parang nasa fiesta lang ako. Lumapit ako sa Babaeng nag babantay. "Hello po, Magkano po ang mga pagkain dito?" Ani ko. "Hello po Ma'am, Free lang po ang mga pagkain na andito. Tuwing Lunch time po ay nagpapahanda si Sir Jaden nang mga libreng pagkain para sa mga nagtratrabaho dito. Kailangan niyo lang pong magpakita nang Employee ID niyo at pwede na kayong maka avail ng Libreng pagkain" Grabe ang yaman talaga nina Jaden. Ang laking tipid din yun sa mga nagtratrabaho dito. Pinakita ko sa kanya ang ID na nakasabit sa leeg ko at pina kuha niya na ako ng Plato. Kaunti lang ang kinuha ko kasi hindi naman ako sobrang nagugutom. Naghanap ako ng bakanteng Table na pwede kainan at nahagip ng mata ko si Mr. Chen na kumakain. Kaya pala wala siya sa office niya. Lumapit ako sa kanya at nilapag ang tray na dala ko. Napatingin siya saakin at ngumiti ako sa kanya. "Hello po Sir! Makiki upo lang po ha" ani ko. "Okay." Ani niya. Hindi ko naman inexpect na mag He-Hello rin siya saakin na may kasamang Malapad na ngiti. Natatakot ba siyang matanggal ang Angas niya? Isa isa kong Tinanggal sa Tray ang Plato, Spoon, Fork at baso ko. Nilagay ko ang tray sa bakanteng mesa na katabi lang namin. "Libre po pala ang mga pagkain dito, Sir" ani ko. "Yeah, Tuwing lunch time lang naman. 8 am narin naman ang pasok ng mga empleyado kaya for sure ay naka breakfast na sila bago sila pumasok sa trabaho." "8 am rin po ba ang pasok ko dito?" Tanong ko. "8 am ang pasok ng lahat dito pati narin si Sir Jaden. Pero yung mga Janitor at Guards ay kailangan nilang pumasok ng maaga para i handa ang kompanya. Mas better rin kung maaga karin papasok para ma ready mo ang sched ni Sir Jaden. Yun kasi ang ginagawa ko tuwing umaga." "Ahhh, Sige po sir." Ani ko at nilista iyon sa maliit na Notebook ko at kumain uit. Pagkatapos naming kumain ay sabay na kaming pumunta sa Office niya. Pagkadating namin ay umupo agad ako sa Couch kasi Masakit na ang paa ko dahil sa heels na suot ko. "By the way, dito rin pala ang temporary mong Office muna hanggang hindi pa naayos ang magiging office mo. This is your table" ani niya at tinapik ang mesa na kaharap ko lang. "A-Ah sige po" lumapit ako sa mesa na tinuro niya at nilapag ang bag ko. Maayos ang mesa. May mga Files na nasa Gilid at may Planner na rin. May LED rin na Orasan at may napansin ako na Black na may Button Button. "I'll teach you how to use that..." ani niya at lumapit saakin. ".. This Blue Button ay connected to sa Security Team natin. Kapag pinindot mo yan ay magkakaroon ka ng Connection sa Team na iyon. This Red button naman ay connected kay Sir Jaden. Kapag may gusto kang i inform sa kanya just Press this and you can start talking." Pinindot niya ang Button. "Yes?" Rinig ko sa kabilang linya. "Nothing, Sir. Tinuturuan ko lang si Miss Reyes." Ani ni Mr. Chen. "Okay." Ani niya at biglang nag toot sa kabilang linya it means daw na tapos na. May mga Landline rin na naka kabit sa gilid ng telephone. Para daw kung sakaling may kakailanganin ako sa iba't ibang department. "Cool~" Tanging sabi ko. Malapad rin ang space ko ay may sariling Computer din ako kaya mas lalo akong napangiti. Mas mabuti pa pala to keysa sa dati kong napagtrabahuan. "Now, Tuturuan na kita kung ano ang magiging trabaho mo dito. So, you better listen carefully." Ani niya. Inihanda ko na ang maliit ko na Notebook pati ballpen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD