Mika Pov.
Nagkasabay kaming umuwi ni Jaden. Pinauna niyang pinapasok ang Sasakyan ko at sunod siyang Pumasok.
"You're Late" ani niya nang makalabas siya ng Kotse niya.
"You're early" ani ko naman sa kanya. Lumapit samin si Yaya Rita at dalawa pa naming kasambahay at kinuha ang gamit namin.
"Goodevening, Ma'am and Sir. Nakahanda napo ang Mesa para sa Dinner niyo po" ani ni Yaya. Nagpasalamat kami sa kanya at sabay na kaming tatlo na pumasok sa bahay. Nakagawian na sa bahay na kapag kadadating lang ay kailangan na mag alcohol muna bago maghawak ng mga gamit dito. Paraan narin 'yon para maiwasan ang Bacteria sa bahay.
Pagkatapos namin ni Jaden mag alcohol ay naghugas na kami ng kamay para kumain. Tinolang Manok ang Niluto ni Yaya. Pinikit ko na ang mga mata ko at nagsimulang manalangin.
"Salamat po sa pagkain" nakangiting ani ko kay Yaya. Sabi niya nakakain nasilang lahat bago pa kami dumating. Pagkatapos naming kumain ay umakyat narin kami sa kaniyang kanya naming kwarto.
Hindi pa naman ako inaantok kaya naisipan kong manood muna ng Movie. Marami ang nagsasabi na Maganda daw yung Kingdom kaya 'yon ang panonoorin ko. Mahilig rin naman kasi ako sa mga zombie movies. Bago ko i play ay bumaba muna ako para kumuha ng Popcorn at soda. Naabutan ko pa si Yaya rita na gising pa at naglilinis parin ng kusina.
Ako na ang nagluto ng Popcorn ko at hinugasan ko din ang mga ginamit ko. Nakakahiya rin naman kasi kay Yaya at doon pa ako nagkalat kung saan malapit na siya matapos sa paglilinis. Kumuha na ako ng dalawang soda sa Ref at umakyat na.
Pagkadating ko ay bukas na ang pinto ng kwarto ko. Pumasok ako at nakita si Jaden na naka upo sa kama ko habang nakatingin sa TV.
"Ang tagal mo naman.." ani niya. Lumapit siya saakin at kinuha ang Popcorn na niluto ko at ang isang soda. Bumalik siya sa pwesto niya.
"At ano naman ang ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Ani ko.
"I'm Bored. Let's watch the Series na" ani niya. Wala na naman akong magagawa eh andito na naman tong kumag nato. Lumapit ako sa kanya at tumabi. Pinlay ko na rin ang TV at nagsimula na ang Movie.
Nakakailang Pirasong Popcorn palang ako pero si Jaden ay paubos na ang popcorn na Niluto ko.
"Ang takaw mo naman Jaden, Episode 2 palang tayo oh! Wala na tayong popcorn" ani ko sa kanya. Tumawa lang siya at patuloy na nanood ng TV. Ilang minuto pa ay tuluyan nang naubos ang popcorn kaya nag focus nalang kami sa panonood. Nagulat ako ng isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
Kita mo toh, ang hina pala nito sa Puyatan eh. 12 midnight palang at 3 episodes palang ang napapanood namin. Inoff ko nalang ang TV. We will continue it nalang bukas. Hinawakan ko ang braso niya at niyogyog siya para magising.
"Jaden? Wake up..." ani ko.
"Hmm?" Ani niya at unti unting minulat ang mata niya.
"Doon kana matulog sa kwarto mo" mahinang ani ko.
"What time is it?" Ani niya at inalis ang ulo sa pagkakasandal saakin.
"It's 12:37 a.m, bukas nalang natin tatapusin ang ibang episodes. Matulog kana sa Room mo" ani ko. Pero Imbes na Bumangon ay Sinandal niya ulit ang Ulo niya sa Balikat ko.
"Can I Sleep here?" Mahinang ani niya.
"Kung sapakin ko kaya yang mukha mo para magising ka" mahinang ani ko pero may pagbabanta na. Mabilis siyang bumangon at Lumabas ng Kwarto ko. Napangiti ako nang umalis siya. Hindi ko alam kung bakit ang bilis lang namin maging Komportable sa isa't isa. Sa pagkakaalala ko ilang araw palang nang napagkasunduan namin na susubukan naming magkasundo.
Parang nararamdaman ko na talaga na may Kasama ako sa bahay na may Asawa na ako. Binuksan ko ang Mini drawer na nasa tabi ko at kinuha ang maliit na box. It is our wedding ring. Tuwing may Family Gathering ko lang ito sinusuot. Hindi rin naman pwede ang magsuot ng alahas kapag nasa Operating Room kami kaya iniiwan ko nalang dito.
Binalik ko na sa drawer ang Box at niligpit muna ang kalat namin. Hinugasan ko na rin ang Bowl na pinaglagyan namin ng popcorn at tinapon ang dalawang can ng soda.
.
.
.
Jaden Pov.
Late na akong pumasok sa Trabaho. Past 9:00 am na ata ako nakadating. Nanood pa kasi kami ni Mika ng Series kagabi. Napangiti ako ng maalala ang moment na 'yon. Matagal ko na talagang gusto maranasan na manood ng series kasama siya.
Nilapag ko na ang gamit ko sa mesa at umupo sa Upuan. Ilang minuto pa ay pumasok na sa Office ko si Mr. Chen kasama si Trisha i mean Miss Reyes pala.
"Goodmorning, Sir" sabay na ani nila. Nag goodmorning rin ang sa kanilang dalawa at binigay na saakin ni Mr. Chen ang Schedule ko. Napatingin kaming tatlo sa pinto nang may kumatok.
"Pasok" ani ko. Bumukas ang pinto at may pumasok na bagong mukha na nakita ko.
"Goodmorning, Sir Jaden. I'm Christian Valdez. New member of Editorial Team" ani niya.
"So, You are the new member of that Department. Pinasa na sakin ng Team Manager niyo ang Informations about you. Welcome to Oliveros Company." Ani ko.
"Thank you, Sir. I will do my best for the Company" nakangiting ani niya. Napalingon siya sa gawi ni Trisha at gulat siyang binati.
"Oh? What are you doing here, Trisha?" Ani niya. Ngumiti naman na parang naiilang si Miss Reyes.
"She is the new Secretary of our CEO. Please avoid calling your Co-workers or Bosses in their Name. Be Professional kapag andito na kayo sa trabaho" malumanay na ani ni Mr. Chen. Napangiti ako sa kanilang tatlo. Mukhang magiging exciting tong mangyayari sa tatlong to.