Trisha Pov.
Sobrang nagulat talaga ako kanina nang makita si Christian. Sobrang liit nga talaga ng Mundo. Hindi ko talaga alam na magsasama kami sa isang Kompanya. Pagkatapos siyang pagsabihan ni Mr. Chen ay pinabalik na kami ni Sir Jaden sa Trabaho. Mabuti nalang at nasa 8th Floor ang Office nila Christian kaya may chance na hindi kami magkikita parati.
Andito na ako ngayon sa Office namin ni Mr. Chen. Inaayos ko sa Computer ang mga Files na Pinaayos sakin ni Mr. Chen. Nilalagay ko sila sa iisang Folder lang para madali ko lang mahanap. Umalis pala silang dalawa ni Sir Jaden. Hindi ko nga lang alam kung saan sila pumunta kaya mag isa lang ako dito sa Office. Pagkatapos kong ayusin ang Files ay Sunod ko namang ginawa ang Document na pinapagawa sakin ni Mr. Chen sa Word.
Kailangan ko lang naman na i type ang lahat ng nakasulat sa pitong pages ng bondpaper na binigay niya sakin. Take note back to back pa. Handwritten lang kasi siya kaya kailangan daw na i type sa word at i print ko. Kaya ayon nakaka dalawang page palang ako at sumasakit na ang mga Daliri ko. Bibili nalang ako ng Anti Radiation na Eyeglasses. Ang sakit pala sa mata kapag matagal kang nakababad sa Computer.
Kinuha ko ang thumbler ko at iinom na sana ng tubig pero wala nang laman. Sinave ko muna ang Document ko at Pupunta muna ako sa lounge area para makihingi ng Tubig. Pinindot ko ang button sa elevator na 10th floor. Ilang minuto pa ay bumukas narin ang pinto ng elevator at lumabas na ako. Bumungad saakin ang mga nag gagandahang Couch. Sa tingin pa lang ay Komportable nang upuan. Sabi ni Mr. Chen ay madalas raw na dito ang tambayan ng mga Empleyado. Hindi ko naman sila masisisi, ang Ganda kaya dito.
Pumunta na ako sa gilid na part. May Coffee Machine, Ref at Water dispenser. May mga Disposable Cups rin na naka handa at mga instant Coffee. Binuksan ko ang Thumbler at naglagay na ng tubig.
"Hi, Miss Reyes" Muntik ko nang mabitawan ang dala kong Thumbler ng may sumulpot sa likod ko. Sinara ko ang Thumbler at humarap sa kanya.
"O-Oh, Mr. Valdez" ani ko. Plano ko sanang bumalik agad sa Office pero Pinipilit kasi ni Christian na mag usap kami kaya Umupo muna kami sa Couch.
"I thought sa ibang Company nag tratrabaho" ani niya sabay higop ng Kape niya.
"Ahh, Umalis ako doon for some reason and Nakapasok ako dito as the new Secretary. Ikaw? Bakit dito ka nagtrabaho" Ani ko.
"Actually, Marami akong Company na pinasahan ko ng resume marami rin ang tumanggap sakin pero parang sinasabi talaga ng sarili ko na sa Kompanyang to pumasok. Is it because you're here?" Nakangising ani niya. Sinusubukan niya bang akitin ako?
"Baliw, Marami kasing Chix dito kaya dito ka pumasok" ani ko. Tumawa lang siya at tumingin sakin.
"By the way, I've heard naghiwalay na sina Kayla. Alam mo ba kung bakit? Di kasi sinasabi saamin ng kaibigan namin" ani niya.
"You're Friend Cheated. Nahuli siya ni Kayla na may Babae kaya ayon ng hiwalay sila" ani ko.
"Wala namang sinasabi samin si Jason na may babae siya. Baka misunderstanding lang?" For sure kakampihan niya ang kaibigan niya. Ganon rin naman ang Ginagawa namin kay Kayla. But this time, Kayla is the Victim.
"No, Nakita mismo namin ni Kayla na kasama niya ang Babae niya. Pinagtanggol niya pa nga ang Kabit niya sa harap mismo ni Kayla. And also, sabihin mo sa kaibigan mo na tigilan na ang pag sunod sunod kay Kayla or else kakasuhan namin siya. Alam kung kakampihan mo siya kasi kaibigan mo siya but walang kasalanan dito si Kayla it's your dear Friend Fault" ani ko.
"Kalma lang, wag mo akong awayin. Nagtanong lang naman ako." Bago pa ako mainis ay nagpaalam na ako sa kanya para bumalik na sa trabaho ko. Pagdating ko sa office ay binuksan ko ulit ang PC at sinimulan ulit ang trabaho.
.
.
.
Third Person Pov.
Bumaba si Jaden sa Sasakyan niya at naglakad ng dahan dahan sa Papalapit sa isang lumang Warehouse. Sinuot niya ang Shades niya at pinasok ang Kamay sa bulsa.
Sabay na naglalakad ang kanyang Bodyguard na si Lucas. He Hired Lucas as his Personal Bodyguard to help him na Mahuli ang nagbibigay palagi ng death threat sa kanya. Palagi niya ring nararamdaman na may Sumusunod sa kanya pati narin sa bahay nila. Gagawa na siya ng aksyon ngayon kasi ayaw niya madamay pa ang kanyang Asawa.
Tumigil sila sa paglalakad at tiningnan ang lalaki na natali habang nakaluhod. Kitang kita sa mukha niya ang pasa buhat ng pagpupumiglas habang siya ay hinuhuli ni Lucas.
"Siya na ba 'yon?" Malumanay na ani ni Jaden.
"Yes, Sir. Siya ang palaging nagpapa dala ng letter sa Kompanya." Report ni Lucas.
"I see.. I assume may nag uutos pa sayo. Tell me, who is it?" Ani niya sa lalaki.
"H-Hindi ko alam sir. Ni minsan hindi ko nakita ang mukha niya o malaman ang totoo niyang pangalan. Pero Death ang sinasabi niya saakin na itawag ko sa kanya." Kinakabahan na ani ng Lalaki.
"Death? What a Horrible name.." ani ni Jaden at napangisi.
"W-Wala po talaga akong alam sir. Ginagawa ko lang po ito para may i uwi akong pera sa pamilya ko sa probinsya. S-Sorry po talaga sir.. W-Wag mo po akong Ipakulong" pagmamakaawa na ani ng Lalaki.
Inilihod ni Jaden ang kanang binti niya at nagpantay na sila ng Lalaki.
"For the sake of your Family, Hindi kita ipapakulong... For now. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo" ani ni Jaden at Tumayo.
"P-Po?"
"Sending Death Threats, pagmanman saakin at pag sunod kung saan man ako pumupunta. Your Boss will Kill you kapag nalaman niya na nahuli kita that's why wag kang magpapahalata. Try to Find some Information about your Boss and pag iisipan ko kung ipapakulong pa kita" ani niya at tinalikuran ang lalaki.
"Are your sure about this, Sir? Baka takasan tayo ng lalaking 'yon" nag aalalang ani ni Lucas.
"Kahit takasan niya pa tayo hindi rin naman siya bubuhayin ng amo niya kapag nalaman niya na nahuli na ang Tao niya. I'm giving him a chance, It's upto him kung sasayangin niya lang" ani ni Jaden. Binuksan niya ang Pinto ng Sasakyan niya. Hinintay niyang makasakay si Lucas pagkatapos ay pinaharurot ang sasakyan niya.
Inutusan niya rin si Lucas na sabihin sa mga Kasamahan nila na pakawalan na ang lalaki sa warehouse.