chapter 5

2010 Words
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng Hochengco Mansion. Dahil ngayon palang makakarating dito si Ramey ay bakas sa mukha niya ang excitement. Binanggit niya sa akin na alam niyang Kabitenyo ang halos nasa angkan namin ngunit hindi pa siya nadadala ni Vander ahia dito kahit minsan kaya excited na daw siyang makita ang ancestral house namin. Excited din siya na makilala ang pamilya. Pinili ko nalang na huwag pansinin ang kaniyang kadaldalan dahil ramdam ko ang pagod buhat ng Community Outreach sa Sorsogon at byahe. Dahil next week kinakailangan ko nang paghandaan ang nalalapit na fashion show. Kaya kapag nakabawi na ako ng lakas ay kakausapin ko ang kaibigan kong fashion designer. Naunang lumabas ang driver na nagsundo sa amin sa Airport. Pinagbuksan niya kami ng pinto. Nakaconvoy naman sa amin ang sasakyan kung nasaan ang bodyguard ni Ramey, dahil sa literal na prinsipe siya, hindi maiiwasan na hindi mahigpit ang pagbabantay sa kaniya kahit na gustuhin niyang takasan ang mga ito. Nilahad ni Ramey ang kaniyang palad sa akin upang alalayan niya akong makalabas mula dito sa loob ng sasakyan. Walang alinlangan kong tinanggap 'yon hanggang sa tagumpay akong nakalabas. Hinawi ko ang aking buhok paitaas. Finally, nakauwi na din ako! I miss this home so much! Hindi na rin ako makapaghintay na makabonding ko ang mga pinsan ko anumang oras. Dahil Friday ngayon, tiyak mag-aaya sila kung saan gustuhin nilang puntahan. Hindi na rin ako makapaghintay sina mama at baba. Nabalitaan ko din kasing umuwi si mama dito upang magbakasyon. "Let's go?" nakangiting aya ko kay Ramey. "Sure." he answered. Mas lumapad pa ang ngiti ko. Ako ang naglead ng way papasok sa Ancestral house. Parang kailan lang, noong bata palang ako't naabutan ko pa ang Grande Matriarch, si Madame Eufemia. Akala ko noong una, masungit siya dahil matapang ang hitsura niya. Naririnig ko din na mabagsik siya lalo sa larangan ng negosyo. Pero sa unang pagkakataon na nakausap ko siya ay mabuti ito sa aming magkakapatid, pati na din sa mga pinsan ko. 'Yun nga lang, hindi maiwasan na maging istrikta siya sa amin lalo na kung pagdating sa pag-aaral. Sa murang edad ay nakatanim na sa isipan ko kung ano dapat gawin lalo na't dala ko ang pangalan ng angkan. Kahit ang mga kapatid at mga pinsan ko. Nasaksihan namin kung papaano siya katindi magturo sa magkambal na sina Rowan ahia at atsi Sarette dahil sila ang panganay sa aming magpipinsan. Sa pagbukas ng pinto ay tumambad sa amin sina mama at baba, pati na din ang mga kapatid ko na tila inaabangan nila ang pagdating namin. Hindi ko mapigilang bigyan sila ng matamis na ngiti at niyakap ko sila. Niyakap din nila ako pabalik. "Welcome home, anak." malambing na bati ni mama. " Kumalas din ako ng yakap sa kanila. "Xie xie, mama, baba... Ahia." "Mabuti rin at naisama mo dito si Sir Ramey." dagdag pa ni mama sabay tingin niya sa kasama ko na nasa likuran ko lang. Nilapitan niya ito upang batiin. Nilahad niya ang kaniyang palad. "It's good to see you, Prince Ramey—" napasinghap si mama sa ginawa ng kasama ko. Papaano ba naman kasi, hinawakan ni Ramey ang kamay ni mama at inilapat niya ang likod ng palad ni mama sa kaniyang noo! "Mano po!" malakas na wika nito kay mama. Maski ako ay nagulat sa kaniyang ginawa. Namilog ang aking mga mata at napasapo sa aking bibig. Si baba namnan ay natigilan ngunit bakas sa mukha niya ang pagkamangha. Ngumiti ako saka nilapitan si Ramey. "Anong ginawa mo? Binigla mo si mama." saway ko sa kaniya. Inosenteng bumaling sa akin si Ramey. Ringi ko naman ang pagbungisngis ng mga siraulo kong kapatid sa isang tabi. Mabuti kamo at kami palang ang naririto. Wala pa ang halos ng ibang meyembro ng angkan. Dahil paniguradong magugulat din sila sa oras na makita nila ang senaryo na ito! Ang iba pa sa kanila ay kakantyawin pa ako, lalo na sina Nilus ahia at Adlre ahia at Aldrie ahia, mga numero unong mga pasawaya't mga siraulo! "Huh? Ang turo sa akin ng kuya mo, magmamano daw ako sa mga magulang ng mapapangasawa ko." tugon niya ngunti naroon pa rin ang kainosentehan sa kaniyang mukha. I hardly shut my eyes. Napasapo ako sa aking noo na akala ko may sumakit ang ulo ko, daig ko pang nag-aalaga ng bata sa lagay na ito. "Mapapangasawa?" ulit nina mama at baba na mukhang nabigla pa sila. "S-seryoso ba ito?" segunda pa ni mama na nanlalaki ang mga mata. Magsasalita pa sana ako upang magpaliwanag sa kanila ngunit inunahan ako ni Ramey. "Yes, Ma'm! I'm Ramey Abadi po pala, ang manliligaw ng anak bunso ninyong anak na si Verity..." Laglag ang panga nina mama at baba sa naging sagot nito. Ngumiwi ako saka umiiling-iling. Damn it, walang preno ang isang ito! Lalo na't direct to the point pa siya! Mahihimatay si mama sa mga pinagsasabi niya! "O-oh, okay." sabay ulit ang mga magulang ko. "Ikinagagalak ko kayong makilala, Ma'm, Sir." dagdag pa ni Ramey. "Nagtatagalog ka..." mahinang sambit ni baba. "Ah, yes po! Tinuruan po ako ni Vander ng lengguwahe ninyo noong high school palang kami." Gumuhit ang ngiti sa mga labi nina mama at baba. Tumikhim ako para makuha ko ang kanilang atensyon at hindi nga ako nagkakamali. Napatingin silang tatlo sa akin. Mukhang nakuha nila ang tingin ko na 'yon. Ibinalik ni mama ang tingin niya kay Ramey. "Iho, nakahanda na pala ang guest room. Kung gusto mo, magpahinga ka muna. Paparating na din naman ang iba pa para makilala ka—" "No, ma. Tutulong siya sa paghahanda." sumingit ako bigla sa usapan. Bumaling ako kay Ramey na may pilit na ngiti sa aking mga labi. "Hindi ba, tutulong ka? Sabi mo 'yon sa akin kanina habang papunta tayo dito." Umaawang ang bibig ni Ramey. "O-oo! Tama. Nabanggit ko nga po kay Verity tungkol sa bagay na 'yon." sang-ayon niya kahit pilit. Tumingin siya sa mga magulang ko. "Tutulong po ako sa paghahanda." "Pero, bisita ka, iho. Kailangan ay magpahinga ka muna..." "Ayos lang po ako, Ma'm. Walang pong kaso sa akin. At saka..." mataimtim siyang tumingin sa aking direksyon. "Gusto ko din makita ang buhay na nakagisnan niya." Nang marinig ko ang mga bagay na 'yon mula sa kaniya ay natigilan ako. Pakiramdam ko ay umurong nang kusa ang aking dila. Lumunok ako't bumaling ako sa ibang direksyon. Rinig ko na naman ang kantyaw ng mga kapatid ko sa eksenang ito. Matalim akong bumaling sa kanila. Matik na tumigil sila sa pang-aasar nila sa akin. Tumingin din sila sa ibang direksyon, si Vander ahia ay dinaan ako sa sipol, si Zvonimir ahia ay tumalikod habang nakapamulsa. Si Vladan ahia naman ay tinitingnan ang mga kuko niya sa kamay. Ngumiwi ako't naglakad na. Malakas kong tinawag ang pangalan ni Ramey pero bakas doon na utos na sumusunod siya sa akin. Rinig ko pa ang pag-excuse me niya kina mama at baba saka nakabuntot na siya sa akin. ** "Anong ginagawa natin dito, Verity?" nagtatakang tanong niya sa akin nang nakarating kami dito sa Hardin ng Mansyon. Lalo na't narito kami sa tapat ng balon. Bumaling siya sa akin. "Verity?" Tumalikwas ang isang kilay ko pero sumilay ang mapaglarong ngiti sa aking mga labi. Hinaplos ko ang kaniyang braso. "Hindi ba, ang sabi mo, gusto mo ako?" sinadya kong bahiran ng lambing ang boses ko nang tnaungin ko 'yon. "Gusto mo akong mapasagot, gusto mong maging tayo, tama?" "Of course." determinado niyang tugon. "If that so... Pwede bang mag-igib ka para sa amin? May isang drum kasi sa Kusina na ubos na ang laman. Pwede ba?" mas nilambingan ko pa ang pabor na 'yon. "Iyon lang ba?" "Syempre, hindi lang 'yon...." tumingin sa isa pang banda na may mga kahoy at palakol doon. "Kailangan mo din magsibak ng mga kahoy kasi mas masarap kami magluto kung kahoy ang gamit namin... Well, puros mga nagluluto ang nasa angkan. Ayos lang ba sa iyo 'yon?" "Alright..." saka hinubad niya ang kaniyang amerikana. Kinuha niya ang timba na walang laman. Tulad ng sinabi ko sa kaniya, ginawa niya ang ipinag-uutos ko. Well, parusa ko sa kaniya 'yan dahil sa kabaliwan na ipinakita niya sa harap ng magulang ko! Kung hindi kasi pumirme, hindi ko ibibigay sa kaniya ang ganitong parusa. Ha! "Galingan mo, mahal na prinsipe..." malambing kong sabi, pagkatapos ay nagflying kiss pa ako sa kaniya. Tinalkuran ko na dahil dadako naman ako sa pool area at magpapahinga ako sa sun lounger. "Manang, orange juice po, pasuyo." magalang kong sabi sa mayordoma ng Hochengco Mansion. "Sa sun lounger lang po ako." "Masusunod po, Miss Verity." Medyo malapit na din naman ako sa pool area. Medyo hindi ko na rin nakakayanan ang pagod na kanina ko pa iniinda. Umupo ako at humiga sa sun lounger. Dahil may shade umbrella naman ay hindi ako mahihirapan kung sakaling umidlip man ako. Kung tutuusin pa ay mas malayo pa kung pipiliin ko kung sa kuwartoa ko iidlip kaya dito nalang. Ipinatong ko ang mga palad ko sa aking tyan hanggang sa dahan-dahan ko nang ipinikit ang aking mga mata. ** Nagising ako dahil may naaamoy akong mabango. Bumungad sa akin ang itim na kalangitan, may usok pa akong nakikita. Sinundan ko ng tingin kung saan nanggagaling 'yon. Nanlaki ang mga mata ko saka napabangon nang tumambad sa akin ang angkan na abala sa pag-iihaw, kwentuhan at inuman. Umawang ang bibig ko! Nagsisimula na pala! Bakit hindi man lang ako nagising?! Nakuha ko ang atensyon ni Vander ahia na katabi lang ni Ramey. "Oh, gising na ang prinsesa mo, Ramey." nakangising puna niya sa akin. Tumingin din sa direksyon ko si Ramey. Isang matamis na ngiti agad ang iginawad niya sa akin. Hindi siya nagdalawang-isip na lapitan ako. May dala siyang plato na laman ay mga inihaw na seafoods. "Kamusta ang tulog mo?" malumanay niyang tanong sa akin. Bahagyang inawang ko ang aking bibig. Iginala ko ang aking paningin sa paligid hanggang sa ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin. "Bakit hindi ninyo ako ginising na mag-uumpisa na pala?" iyan pa ang nasabi ko. "Mukhang mahimbing ang tulog mo. Balak sana kitang ihatid sa kuwarto mo pero ang sabi naman sa akin ng mama mo, madali kang magising kapag ganoon kaya hinayaan ka nalang namin. Kaysa magising ka't hindi naman kompleto ang tulog mo. Kumain ka na..." sabay bigay niya sa akin ang hawak niyang plato. "Alam kong gutom ka na din." Tahimik akong tumango. Tinanggap ko ang plato na bigay niya. Hindi ko lang inaasahan ay nahimay na niya ang mga hipon! Teka, ibig sabihin ginawa niya talaga ito habang hinihintay niya akong magising? Umupo siya sa isa pang sun lounger na nasa tapat ko lang. "Kumain ka na ba?" bigla kong tanong sa kaniya. "Kumain na pero kaunti lang." hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Oh, I see." naging kumento ko saka sumubo ng pagkain. "Nakilala ko na din ang myembro ng angkan ninyo. Kinda unexpected, ang dami pala nila." tumawa siya. "Pero mababait sila." Ngumiti akong tumingin sa kaniya. "Palagi naman silang mabait pero makikita din ang bagsik nila kapag may naaagrabyado isa sa amin." "Well, nagkausap na din kami ng daddy mo." Natigilan ako. Tila nawala na parang bula ang aking ngiti. "A-anong pinag-usapan ninyo?" "He's worried about you. Lalo na't magkaiba tayo." "Then...?" "So he's asking what's my future plans with you. Kung deserved ba talaga kita. Well, I understand him, he's your dad and he's protecting you as his princess. The major problem is, our religion." "Ano naman ang isinagot mo kung ganoon?" "Well I told him I want you to decide for yourself. But I want you to stay in your religion, in your culture because I don't want you to give up anything. If my religion doesn't allow us to stay together..." tumingin siya ng diretso sa aking mga mata. "I'm willing to give up everything, even my social status. Magpapaconvert ako kung gusto mo. Because I want to give you a lot of smile for the rest of our lives." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD