Ilang beses na ako paikot-ikot sa aking kama. Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa night table. Sinilip ko kung anong oras na. It's already eleven o'clock in the evening. Damn, hindi ako makatulog sa mga oras na ito. Dahil ba sa tiba-tiba na ang tulog ko kanina o dahil sa mga binitawang salita ni Ramey kanina?
Inis akong bumangon, pabagsak kong ipinatong ang cellphone sa aking tabi. Ginulo-gulo ko ang aking buhok. Arghh, gustong gusto ko na matulog! Gusto kong bumawi ng tulog pero ayaw naman sumunod ang sistema ko sa nais ko. Ayaw makipagcooperate! Marahas akong bumuga ng malalim na buntong-hininga. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at itinapon ko ang sarili ko sa ibabaw ng kama. Nakipagtitigan ako sa kisame ng aking kuwarto. Marahan akong kumurap.
Aaminin ko, hindi ko inaasahan na sasabihin ni Ramey ang mga bagay na 'yon. Lalo na't binanggit niya na tatalkikuran niya ang lahat para lang sa akin. Ibig sabihin, tatalikuran na din niya ang pagiging prinsipe niya. Mas lalo nagiging komplikado ang bagay na ito. Lalo na't magkaiba ang paniniwala namin, ang kultura at ang environment na nakapaligid sa amin.
"Damn you, Arabo." mariin kong sambit kahit alam kong bigo niya maririnig ito. Pero mas maigi na din ito na ako lang ang nakakarinig.
Natigilan ako nang may naririnig akong tunog ng acoustic guitar mula sa labas. Kumunot ang noo ko. Kahit na nagtataka ay kusang gumalaw ang katawan ko para lumabas sa balkonahe para silipin kung ano ganap sa labas. Kung hindi pa ba tapos ang party. Umawang ang bibig ko na makita ko si Ramey na may hawak na gitara at nakatingala sa akin. Nasa likuran niya ang mga kapatid at mga pinsan kong lalaki na nakatingala din dito sa aking direksyon. Halos ang mga myembro ng angkan ay nanonood sa eksenang ito!
"Hey Inday, tagda sad ko gamay
Basin wa la ka kabantay ba
Pirte nakong nakong igo-a
Sa imong pagka-fighter
Molaag ka's Colon
Memorize pagyud ang tanang lyrics sa Missing Filemon..."
Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. I didn't expect this. Ang isang Ramey Abadi, nanghaharana ngayon? Teka, papaano naman nilang nalaman na gising pa ako ng ganitong oras? At saka, mukhang pinaghandaan nila na may ganap nga na ganito! Ang mas lalo ko napansin ay ang lyrics na kinakanta niya. Bisaya?! Teka, ang akala ko, hanggang tagalog lang ang alam niya pero bakit pati Bisaya ay alam din niya? But thanks to my Bisaya friends and co-workers, kapag free time ay tinuturuan nila ako ng mga native dialect nila kaya naiitindihan ko naman ang bawat salita na kinakanta ni Ramey.
"Mao ning akong kanta
Paparaparapara's imoha
I'd go and travel halfway round the world
For my Chinita Girl...
"Mao ning akong awit
Dididididididi papipiri
Matoo ko'y forever
'Coz I have someone just like her
My Chinita Girl..."
Tumigil na siya sa pagkanta. Nanatili pa rin siyang nakatingala sa akin na may ngiti sa kaniyang mga labi. "Do you like it, Player?" tanong niya.
"What are you doing? You even speak bisaya." puna ko pa.
"Your kuyas and cousins told me to make ligaw to you. They taught me to do harana."
Tumalikwas ang isang kilay ko. "Busted ka na." walang alinlangan kong tugon.
Laglag ang panga niya. "Hoy, Chinitang hilaw, may salitang appreciation! Wala ka ba n'on?"
Nagbuntong-hininga ako. "Tumigil ka na, Arabo. Ang pangit ng boses mo." kahit maganda naman talaga. Nahihiya lang ako at natatakot ako na tukso at pang-aasar ang aabutin ko sa angkan!
Humagalapak naman sa tawa ang mga pinsan at mga kapatid ko dahil sa nasaksihan nila. Nakita ko si Ramey na animo'y isang bata na nagsusumbong kay Vander ahia. Tinapik-tapik naman ng kapatid ko ang isang balikat niya. Ngumiwi ako saka bumalik na sa loob ng kuwarto.
Inilapat ko ang mga labi ko para pigilan ko ang aking mga ngiti. Nag-dive ako sa kama saka tinakpan ko ang mukha ko. Kanina ko pa kasi nararamdaman ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil sa panghaharana ni Ramey kanina. Pagulong-gulong pa ako dito. Damn it, bakit kasi sa harap ng angkan niya ginawa ang bagay na 'yon? Hindi ba pwedeng kahit kaming dalawa lang? Shocks!
Hindi pa ako nakuntento. Nagpapadyak-padyak pa ako sa hangin para mailabas ko lang ang nararamdaman ko. Natatawa din kasi ako sa hitsura ni Ramey na talagang nagsumbong pa siya kay Vander ahia. Ang cute niya lang sa parte na 'yan. Para bang humihingi siya ng saklolo sa lagay na 'yon. Well, gusto ko lang pagtripan ang isang 'yon. Papaano naman kasi, ilang beses na niya ako natatameme sa mga salitang binitawan niya, tulad kanina.
Tumigil lang ako sa ginagawa ko nang marinig ko na may kumakatok sa pinto. Bumangon ako saka dinaluhan ang pinto upang buksan 'yon. Natigilan ako nang tumambad sa akin si Ramey na nakatayo sa harap ko. Seryoso ang kaniyang mukha. Magsasalita sana ako pero nagpumilit siyang pumasok dito sa loob. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.
"Bakit busted ako sa iyo, player?" malumanay niyang tanong pero nababasa ko sa mga mata niya ang pagkadismaya. "Ano pa bang dapat kong gawin? Sabihin mo't gagawin ko."
"A-ahh..." ang tanging lumabas sa aking bibig. Umiwas ako ng tingin at pilit kong maging seryoso sa paningin niya. "Pangit ang boses mo."
"Bakit ang sabi ng mga pinsan mo, maganda naman daw ang boses ko? May problema ba tainga mo? Bukas na bukas, ipapatingin din kita sa Otolaryngologist." seryoso niyang sabi.
Gulat na gulat akong bumaling sa kaniya. "What the hell!?" bulalas ko pa.
"Seryoso, anong problema, Verity? Is this another part of your defense mechanism?" naging mahinahon ang tono niya nang tanungin niya 'yon.
Hindi ko magawang magsalita. Parang may nakabara na kung ano sa aking lalamunan. Defense mechanism? Bakit hindi ko namamalayan na ganoon na pala ang naipapakita ko? Oh damn it. Ano bang isasagot ko?! Anong gagawin ko?!
"Verity..." namamaos niyang tawag sa akin. Masuyo niyang idinapo ang isang palad niya sa isang pisngi ko. Mas inilapit pa niya ang kaniyang katawan sa akin. But s**t, bakit parang kakapusin ako ng hininga sa tuwing ginagawa niya ito? Gustuhin ko man siyang itulak o lumayo ay hindi ko magawa.
"R-Ramey..." tanging pangalan lang niya ang tangi kong naisambit.
Inilapat niya ang kaniyang noo sa noo ko. "Hindi ako susuko. Hinding hindi kita susukuan." mahina niyang pahayag. "Hanggang sa makuha ko ang dalawa mong matamis na oo."
"A-anong ibig mong sabihin...?"
"Ang payag na sagutin mo ako, at ang pagpayag mo sa oras na ayain na kitang pakasalan na tuluyan kang maging akin."
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi, kasabay na marahan kong ipinikit ang aking mga mata. "Ramey, I'm a player for Pete's sake. If I'm going to date, I'm going to seek out someone who is serious. Wala sa bokabularyo ko ang salitang commitment, hindi ako nakakatagal sa isang relasyon. Lahat ng mga ito ay laro lang para sa akin." nanghihina kong sabi. "Pero bakit...? Bakit kailangan mong sumugal kahit alam mong walang kasiguraduhan...? Hindi ka ba natatakot na... Mababalewala lahat ng mga ginagawa mo para sa akin...? Hindi ka ba natatakot na masaktan kita?" dumilat ako.
Bumungad sa akin ang maamong mukha ni Ramey. Mataimtim siyang nakatingin sa akin. "Kahit ilang beses akong mabigo na makuha ka, susugal at susugal ako. Hinding hindi ako nawawalan ng pag-sa, Verity." wika niya. Hinawi niya ang takas kong buhok. "You're being honest, I've already accept the fact you're a playgirl. Remember what I have told you? I will prove myself to you..."
"Papaano kung... Niloko kita...? Kapag may iba ako...?"
Ngumiti siya saka dinampian niya ako ng halik sa noo na ikinagulat ko. "Player, kung mangangaliwa ka man, papatayin ko ang kabit mo. Biktima mo man siya o hindi."
"Ramey..."
"Kung sasagutin mo ako, gagawin ko ang lahat, sosobrahan ko pero hinding hindi ako magkukulang sa iyo."
Huminga ako ng malalim sa mga huling salita na binitawan niya. Dahil sa bugso ng damdamin ay tumingkayad ako't pinulupot ko ang mga braso ko sa kaniyang leeg hanggang sa dumampi ang mga labi ko sa mga labi niya. Napaatras siya dahil sa pagkabigla sa aking ginawa. Nararamdaman kong dumapo ang mga palad niya sa aking magkabilang bewang, mas diniin pa niya ang kaniyang sarili sa akin. Tumugon siya sa halik ko. Mapusok man pero mas bumibilis ang pintig ng aking puso sa tagpong ito.
"So I will take this as yes?" nakangiting tanong niya nang naputol na ang halikan namin.
Hindi ko na rin mapigilang mapangiti. Tumango ako bilang sagot. "And I am exclusively dating you, Prince Ramey Abadi."
Mas lalo lumapad ang kaniyang ngiti. Ikiniskis niya ang dulo ng ilong niya sa ilong ko. "I will do whatever it takes to keep you happy, Verity. Now, I am so f*****g lucky that you are now belong to me." dinampian niya ng halik ang pisngi ko. "I love you, player."
Hindi mabura ang ngiti sa aking mga labi. "I like you, too." then I chuckled.
"Wait, like?"
"Dating palang, ano ka ba? So... Can you patiently waiting until I accept the commitment, Prince Ramey?" may halong mapaglarong tono.
"I should work hard. You don't know how much I love you yet. Just stay with me and let me prove it to you."
"Well, I looking forward for that."
Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi para pigilan niyang ngumiti. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking balikat at panga. "Oh Allah, I love this woman, very much."
Nang banggitin niya ang pangalan ng kaniyang Diyos, tila may humaplos sa aking puso.
"Pwede na ba natin gawin kung ano ang ginagawa ng mga couple sa tabi-tabi?" bigla niyang sabi kahit nanantili siya sa ganoong posisyon.
"Oo naman. Ano bang gusto mong gawin sa date natin?" malambing kong tanong.
"Hmm, ikaw dapat ang tanungin ko niyan, kung ano ang gugustuhin mo, susundin ko."
Ngumuso ako at tumingala sa kisame upang makapag-isip. "How about... Movies?"
"And then...?"
"Dinner?"
"Is that all?"
"Magchecheck in sa Sogo Hotel?"
Tumingin siya sa akin na may pagtataka sa kaniyang mukha. "Sogo Hotel?" ulit pa niya. "Ano naman gagawin natin doon?"
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ba tayo na? Gusto mo kung anong ginagawa ng mga common couples? That's it. Adventure din 'yon." ginawaran ko siya ng mapaglarong ngiti. Natawa lang ako dahil laglag ang panga niya dahil mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin.