CHAPTER 6: SEXIER

1868 Words
Araw ng sabado kung kaya't abala si Kay sa paglilinis ng kwartong inookupa. Kahit walang pasok sa opisina ay nasanay na syang magising nang maaga. Kadalasan ay pasikat palang ang araw ay gising na sya, kaya naman simula nang magtrbaho sya sa Delas Nueres Company ay hindi pa sya nahuli sa pagpasok. Binibiro pa nga sya ng mga ka-opisina na sa susunod na buwan ay magkaka-award na sya ng 'Most Punctual' award. At ikagagalak naman nya iyon. Kasalukuyan syang naglilinis ng lababo nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Pangalan ni Lira ang nakarehistro sa screen nito. "Oh bakit?" bungad nya. Ganito sila mag-usap. Sa probinsya pa lang ay magkaibigan na sila. Matanda lang si Lira sa kanya ng isang buwan. At kung hindi sya nagkakamali, grade 2 pa lamang ay magkaibigan na sila. Kaya sobrang nalungkot talaga sya nang magpasya itong lumuwas sa Maynila ilang taon na ang nakalipas. Pareho din sila ng kursong kinuha. Office Administration, at sabay ding nagtapos. Nagtrabaho sa isang maliit na kompanya ngunit hindi nagtagal ay nagpasya itong makipagsapalaran sa Maynila. Nakailang kumpanya muna ito bago makapasok sa Delas Nueres Company. Sa naturang kompanya ito nagtagal at nang kinailangan niyang makalimot sa sakit at nagpasyang lumuwas ay ito agad ang sumalo sa kanya at tumulong na makapasok sya sa Delas Nueres. Hindi naman sya pinabayaan ng mga magulang, tiniyak ng mga ito na mayroon syang sapat na pera na pang-renta ng isang maliit na kwarto dito sa Maynila. Si Lira ay nakikitira sa tiyahin nito, kaya naman ayaw nyang makabigat pa sa kaibigan. "Girl, lakwatsa tayo." sambit nito. "Umalis sila Tiya Carol eh, wala akong kasama dito sa bahay. Bar tayo." pagyayaya pa ni Lira. "Bar? hindi ba't nag-bar ka na nung nakaraan?", sita nya dito. "Napapadalas ah. Problema mo?", tanong nya. "Pag nag-bar may problema agad? ,hindi ba pwedeng gusto lang mag-unwind?", depensa naman ni Lira. "Tsaka girl, 2 weeks ago pa yung last na nag-bar ako. Pinagbigyan lang kitang hindi sumama dahil bago ka lang dito sa Manila. Ngayon, baka naman pwede na?", litanya nito. Nag-isip sya sandali. Mula nung mapapunta sya dito sa Manila ay hindi pa sya nag-liwaliw kahit isang beses. Nilunod nya agad ang sarili sa trabaho at gawaing bahay. Siguro naman ay hindi masama, tsaka bagong sweldo naman sila. Pagbibigyan nya ang kaibigan ngayon. Tutal naman ay linggo bukas, pwede syang magpahinga buong araw. "Sige, anong oras ba? Daanan mo na lang ako dito sa bahay ." "Yun oh! Sige girl i-chat nalang kita later." , tuwang tuwa ang bruhilda. "Oks.", pagtatapos nya sa usapan. Tinapos muna ni Kay ang paglilinis sa lababo at isinunod nya ang banyo. Kaunting oras lang naman ang itinuon nya duon dahil sobrang liit lamang nito. Pagkatapos ng gawain ay nagpahinga muna sya. Sabi ni Lira ay alas singko ng hapon sya nito susunduin. May panahon pa syang maligo at maghanda bago ito dumating. Nang sumapit ang alas kwatro nang hapon ay nagpasya na si Kay na maligo, baka mapaaga pa ang pagsundo sa kanya ni Lira, ayaw nya itong paghintayin. Inabot sya ng labinglimang minuto sa banyo. Matapos, ay nag umpisa na syag maglagay ng kaunting kulay sa mukha, hindi na sya naglagay ng eye make up dahil mahaba na ang kanyang mga pilik, ginamitan nalang nya ito ng curlash. Naglagay din sya ng kaunting pampapula sa labi. Inilugay ang kanyang buhok na bahagya niya binlow dry upang hindi na tumulo sa likuran nya. Nagsuot sya ng above the knee sunflower dress. Lalo nitong inilabas ang kanyang kaputian. Medyo hapit ang suot nya kaya't lalong lumitaw ang hakab ng kanyang katawan. Napangiti sya habang nakatingin sa salamin. "Tingnan mo ang sinayang mo, Ken.", saad nya sa sarili sabay ngiti. Naupo muna sya sa sofa, may ilang minuto pa bago dumating ang kaibigan. Habang nakaupo ay nagmuni muni muna sya. Nang bigla na lamang bumalik sa kanyang isipan ang naging tagpo nila ni Vince Delas Nueres tatlong araw na ang nakakalipas. "Kakain ka o kakainin kita?" paulit ulit ito sa kanyang isipan. Bakit ganon sya magsalita? parang laging nang aakit. Sigurado namang malayo ako sa tipo nyang babae. So, isa din sya sa mga lalaking manaloloko, ganun? Sayang gwapo pa naman. , saad ng isip ni Kay. Wala naman syang ibig sabihin doon, hindi naman sya maaakit sa mga ganon. Tapos na sya sa yugto ng pag-ibig. Hindi iyon makabubuti para sa kanya. Huwag lang din maging pasaway ang puso nya. Siguro naman magkakasundo sila ng damdamin nya. Syempre kinakabahan sya pag kaharap si Mr. Delas Nueres, boss nya iyon at bilyonaryo. Kahit sino naman sigurong makaharap nito ay kakabahan. Normal lang iyon. Tunog ng cellphone ang nagpablik sa kanya sa kasalukuyan. "Besh!!! Labas na, andito ako sa labas. Kanina pa ako chat nang chat. Dedma ka lang." tila aburidong bungad ni Lira. "Ah, sige lalabas na 'ko.", sagot nya. Dali daling kinuha ang bag at lumabas. "Sir Vince dito po.", tawag ni Louie sa amo habang kinakawayan ito. Inimbatahan sya ng empleyado sa kaarawan nito na ginanap sa isang bar sa Makati, malapit sa kanilang opisina. Hindi pa naman sya nakakauwi at katatapos lang pirmahan ang mga papeles na dapat mapirmahan. Taon taon syang inimbatahan ni Louie at kahit minsan ay hindi nya ito tinanggihan. Lahat ng empleyadong naglalakas loob syang imbitahin sa kahit anong okasyon ay pinapaunlakan nya basta't maluwag ang kanyang schedule. Hindi nya binabalewala ang mga ito. Pinapahalagahan nya ang bawat empleyadong ginagawa nang mabuti ang kanilang trabaho. Ang kanyang empleyado ang pundasyon ng kanyang kompanya. Iilan lamang ang mga kasama nito, siguro'y mga piling kaibigan lamang ang inimbitahan nito. "Thank you for coming Sir," umpisa ni Louie. "No worries. Happy Birthday." bati ni Vince. "I'm sorry if I don't have anything to give you, I just came from the office. Didn't had time to buy anything for you." mahabang paliwanag nya. "Naku, walang problema Sir. Your presence is enough." malugod na wika ni Louie. "Have a seat Sir. May ilan pa pong darating. Pero on the way na po." saad ni Louie at binigyang daan si Vince upang makapuwesto sa couch sa pinareserve na pwesto ng lalaki. "Thanks." akmang uupo si Vince ngunit napahinto rin nang muling marinig si Louie. "Kay!", iyon palang ang nasasabi ni Louie ay napatingin na si Vince sa tinutukoy nito. "Buti naman at nakarating ka, akala ko tatanggihan mo na ang imbitasyon ko eh." wika ni Louie. Nanatiling nakatayo si Vince habang nakatingin sa mga bagong dating, si Kay at si Lira. Nakatayo si Kay sa harapan ni Louie ngunit ang mga mata ay nakapagkit sa kanya. Hindi alam ni Vince ang mararamdaman sa mga oras na iyon. Nailang sya sa paraan ng pagtingin nito, at sa buong buhay nya ay ngayon lang sya nakaramdam ng ganoon. Palaging bilib sya sa sarili, lalo't pisikal ang pag uusapan. Pero ngaun ay parang gusto nyang sipatin ang kabuuan at siguraduhin na he's at his best. Parang nawawalan na sya ng kumpyansa sa sarili simula nang magtagpo ang landas nila ni Ms. Alonzo. Hindi ito maganda para sa kanya. "Ha?pero sabi ni Lira magbabar lang kami. Hindi naman nya sinabing birthday mo. " pagtatapat ni Kay kay Louie. "Pag sinabi ko bang birthday-han ang pupuntahan natin, sasama kaba? For sure mauunahan ka na naman ng hiya pag may ibang taong kasama. I know you mula anit hanggang kalyo sa paa girl.", pambbwisit na naman ni Lira. "Kalokohan mo, wala tuloy akong nabiling regalo para kay Louie.", paninisi ni Kay sa kaibigan. "Nah, it's okay Kay. Hindi imprtante yon, makasama ko lang ang ilang kaibigan sa birthday ko ay masaya na ako. Let's just enjoy the night." saad ni Louie. "Happy Birthday Sir Louie!", bati ni Kay at tinapik sa balikat ang lalaki. "What?!", singhal ni Louie. "There you go again!" asik nito. "Joke! Happy Birthday Louie.", muling bati ni Kay. Napatingin syang muli kay Vince na ngayon ay nakaupo na. Matiim itong nakatitig sa kanya at biglang inisang lagok lamang ang isang basong tubig. "Thanks Kay. Have a seat, and let's enjoy." ani Louie. Tanging sa tabi na lamang nina Vince at Louie ang natitirang upuan. Si Vince ay nakaupo sa two seater couch, habang si Louie naman ay may katabing isang kaopisina pa nila na si Maggie at ang kaliwang bahagi ay bakante. Wala syang balak umupo sa tabi ng amo kaya't sa tabi ni Louie nya napiling umupo. Ngunit ganon nalang ang pagkabigla ni Kay nang papaupo na sana sya ay biglang binudol ng balakang ni Lira ang pwetan nya at ito ang umupo sa tabi ni Louie. Nakita nya ang pilyang kudlit ng ngiti sa mga labi ng matalik na kaibigan. Halos lumuwa ang mata nyang pinandilatan si Lira. "Happy na Birthday pa, Louie", kunwa'y bati nito sa lalaki sabay kurot sa tagiliran nito. Si Louie naman ay may ngiting tila tagumpay sa kung anuman. Naiiling na lang na lumipat ng pwesto si Kay sa tapat na upuan kung nasan si Vince. Diretso lamang ang tingin ni Vince habang hawak parin ang baso ng tubig, ngunit nang uupo na si Kay ay tiningnan sya ng lalaki, mata sa mata. Sinusundan ang bawat kilos nya. "Ahm, S-Sir pwede po--", hindi pa sya tapos magsalita ay sumagot na ito, ngunit hindi naman nag-abalang umurong manlang nang kaunti. Halos sakop na nito ang upuan dahil sa laki ng pangangatawan nito. Kakaunting espasyo lamang ang natitirang mauupuan ni Kay. "Of course, for sure you'll fit here.", sabay tapik nito sa espasyo na natitira. At saka umangat nang bahagya ang dulo ng labi ng lalaki. Napilitan si Kay na umupo sa maliit na espasyo, dahil above the knee dress ang suot nya, kinailangan nyang itagilid nang bahagya ang magkadikit na hita upang hindi sya masilipan. At dahil duon ay napadikit ang tuhod nya sa hita ni Vince. Tila nagkarambola na ang pakiramdam ni Kay. Nilingon sya ni Vince at matabang na tiningnan. Nagulat na lamang sya nang biglang kumilos ang lalaki at hinubad ang suot na coat at ipinatong sa kanyang mga hita. "Wearing revealing clothes doesn't always make women sexy." bulong nito ngunit sapat na para marinig nya. Pinamulahan ng mukha si Kay. Bigla syang nakaramdam ng pagkapahiya. Parang sinasabi nitong hindi bagay sa kanya ang suot nya. Parang sinasabi nitong trying hard sya. Parang medyo masakit. Napayuko na lamang sya, walang maisagot sa tinuran ng amo. Nawala na ang self confidence nya. Paano pa sya mag-eenjoy ngayon gabi. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan. "Hey," muling baling sa kanya ng katabi. "Cheer up, I didn't mean to offend you.", saad ni Vince. Hindi naman masama ang kanyang nais sabihin. Gusto nyang iparating kay Ms. Alonzo na hindi nito kailangang magsuot ng maiksi at halos luwa ang dibdib na damit para lang magmukhang seksi. Kahit anong suot nitong damit ay kitang kita ang magandang hubog ng katawan nito. Hindi lang nya gustong makita na hindi komportable ang dalaga sa kanyang suot ngayong gabi. "You're sexy in every way. And even sexier with your sweet scent.", bulong nito nang ilapit ang bibig sa likod ng tainga ng dalaga at bahagyang inaamoy ang buhok niya. Napapikit nalang si Kay sa gawing iyon ng boss. Using his husky voice, may kung anong humaplos sa puso niya. She felt relieved.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD