Dimple Erycka Alonzo
It's past eleven in the morning nakakaramdam na ako ng matinding gutom. Nakatayo kami ni Lira sa harapan ng elevator at naghihintay na bumukas ang mga pinto nito. Tumunog ito hudyat na huminto na sa aming palapag ngunit pataas ang tutunguhin ayon sa button. Alam naming maraming gagamit nito dahil malapit na ang lunchbreak.
"Keri na yan sesh, bababa din naman yan." yaya sa akin ni Lira nang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan namin. May punto din naman sya kesa maghintay kami nang matagal na may bababang elevator, atleast nakapwesto na kami.
"Tara." sang ayon ko kay Lira.
Pumasok kami sa medyo puno nang lift. Mahaba haba pa ang biyahe ng sasakyang ito. Nasa ika-labing isang palapag kami at aakyat pa ito sa ika limampu't isang palapag ayon sa pressed button.
"Dapat nagdala tayo ng chichirya bhie, mahaba habang byahe pala ito," biro ni Lira.
"Sira," sabay tawa ko.
Hindi nagtagal sumapit kami sa ika-limampu't isang palapag.
"Dito na po ang babaan. May nanghuhuli na po dun banda.", siraulong turan ni Lira. Nakakahiyang kasama ang babaeng 'to. Lumabas ang dalawang lalake.
"Bye mga kyah!," paalam pa nito
"Buang!" tanging sambit ko at nakitawa nadin kasama ang iba pang sakay ng elevator.
May pumasok naman na limang naggagandahang babae. Medyo masikip na ang loob at dikit dikit nadin kami. Malamang wala nang magkasya nito. Ngunit nang sumapit sa ika-limampung palapag ang lift ay huminto ito at bumukas ang pintuan. Napatanga at natulala ako sa aking nakita, ramdam ko paghigpit ng hawak ni Lira sa mga braso ko. There stood the King. Ang may ari ng buiding at ng lift na sinasakyan namin ngayon.
May mga bulungan na hindi malinaw sa aking pandinig, si Lira kulang na lang humandusay sa tabi. Kilig na kilig ang bruha! Then, my eyes met his. Maging ito ay nagulat din. Inaasahan kong hindi sya tutuloy sa pagpasok dahil halos wala na syang mapupwestuhan. I looked down. Hindi ko matagalan ang tingin nya.
"Good morning, Mr. Delas Nueres!", sabay sabay na bati ng mga nasa loob. Hindi ako nakasabay.
I was shocked when he entered the lift. Pero hindi ko iyon ipinahalata.
"Good morning!", rinig kong bati nya pabalik. In my peripheral vision nakita kong sinilip nya ang aking mukha.
"Good morning Ms. Alonzo", ikinagulat ko iyon. Napatingin ako sa repleksyon namin sa salamin, sa mga mata nya specifically. Halos maputol na ang braso ko sa sobrang pagkakapisil ni Lira. Pag nakakakita talaga ng gwapo ang damuhong 'to, hindi manlang maitago ang kilig. Dinig ko din ang singhapan ng mga tao sa paligid.
"Good morning Sir", kaswal na bati ko pabalik sa aming boss. Atsaka itinuon ko ang tingin sa aking sapatos habang naghihintay na sumapit kami sa ground floor. Isinayaw sayaw ko ang aking paa, ganito ako pag nagpapalipas oras.
"Something wrong with your feet?" dinig ko. Tiningala ko ang nagsalita at direktang tumingin sa kanyang mga mata sabay iling. Si Lira yata naihi na. Panay ikot ng balakang.
"Something wrong with you too, Ms? muling tanong ni Sir Vince. Bakit masyado syang nangingialam for today's vidyow?
"Ms. Angelica Lyre Cuevas Sir. HR Staff," mahabang pakilala ni Lira. Talandi talaga ih.
"A'right Ms. Cuevas, something wrong with you now? ," tanong ni Sir sa namimilipit parin na si Lira.
"Para kasing nahulog yung panty ko Sir", napapikit ako nang mariin sa naging sagot ng haliparot kong kaibigan. Dios mio, apakabulgar talaga! Kinurot ko ito sa tagiliran nang hindi na ako makapagpigil. Hindi ko na kaya ang eksenang ginagawa nya kahit pa nagtatawanan ang mga tao dito sa loob.
"Aray naman Kay!,"
"Kay?", takang tanong ni Sir Vince. Ang daming tanong. Ang marites naman ni Sir. saisip ko.
"Yes Sir. Dimple Erycka a.k.a Kay!", binandera na talaga nya ang buong pangalan ko kasama pa ang pet name.
"Oh! Kay it is.", tila amazed na wika ni Sir. Napasulyap ako sa kanya nang turan nya iyon. Nang sumapit sa ika-sampung palapag ang lift ay tumunog at bumukas ang pinto nito. Mukhang may bababa sa naturang palapag. Umurong ang mga tao upang magbigay daan, ganun din ang boss namin. Ngunit nagitla ako nang humarap ito sa akin at idinikit ang kanyang katawan, nailang ako sa pwesto namin kaya umusod ako banda kay Lira. Ngunit naitulak si Sir Vince ng mga taong palabas kaya muli itong napadikit sa akin. As in dikit na dikit. Ang mga balikat ko ay nasa kanyang dibdib at naramdaman kong tumama ang ilong nya sa tuktok ko. Parang inaamoy nya ako sa tagpong iyon. Nakaramdam ako ng pagkailang ngunit wala akong magawa. Nang makalabas ang mga dapat lumabas ay agad na umayos ng tayo si Sir Vince. Muling humarap sa pinto at tumayo ng tuwid. Napansin ko ang paggalaw ng kanyang lalamunan at pag igting ng panga.
Ilang sandali pa sa wakas ay nakarating na kami sa ground floor. Pagbukas na pagbukas ng pinto ng lift ay dali daling lumabas ang aming boss na tila may tinatakbuhan. Tinungo nito ang daan palabas.
"Grabeee!!!", nawindang ako sa sigaw ni Lira. Maging ang ilang mga babaeng papalabas ng elevator ay impit ang mga tili.
"Girl! anong feeling? Anong feeling na madikit at amuy amuyin ng isang Vince Delas Nueres, a hot billionaire CEO and bachelor!!" parang tanga na naman si Lira.
"Gutom lang yan girl, bilisan mo na!" pag iiba ko sa usapan. Para akong mawawalan ng lakas, hindi ko alam kung epekto ng ano, gutom ba o dahil sa tagpong iyon.
"Dedma? wa epek, ganon? " parang dismayado ang mukha ng bruha.
"Gutom nalang ang umeepek sakin ngayon girl, kaya bilisan mo nang maglakad!", singhal ko dito.
"Ganyan ba talaga pag broken hearted? Nagiging manhid?", simangot na bulong nito.
"Lira!", sigaw ko dito.
"What?!",
"I moved on!" madiin kong sambit.
Naningkit ang mga mata ng magaling kong kaibigan, at inilapit sa akin ang mukha nya.
"Really, Ms. Alonzo?," tuya nya.
"Yes", matigas kong tugon
"Prove it!", yun lang at inunahan na ako nito sa paglalakad.
Prove? How? Kailangan ba talaga yon. Yeah, maybe hindi pa nga ako nakaka-move from the pain that Ken had caused me, but I moved on from him. The love was gone. Bakit ko ba patuloy na mamahalin ang taong binasura ang lahat ng pagmamahal at pagaalaga na binigay ko. I was hurt, I moved on from him and now I am in the process of letting myself gone from the pain. Pero hindi ibig sabihin non ay handa na akong magmahal muli. Not now. Not ever again. I am afraid, yes! I admit. Those pains were unbearable, and she don't want to experience it again.
"Kay! Ano na?!", malakas na boses ni Lira ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
"Andyan na bhie!,"
Dali dali akong sumunod sa kanya, maghahanap pa kami ng makakainan kaya kailangang magmadali. Kapagkuwan ay napagdesisyunan namin na sa pinakamalapit na fastfood chain na lamang kumain. Ganun na lamang ang aming pagkadismaya nang makitang marami ding tao sa loob nito.
"Order ka na girl, ako na ang maghahanap ng mauupuan", she volunteered. I just nodded
"The usual ah, samahan mo nadin ng chocolate sundae at large fries." wika ni Lira.
"Daming gutom yarn?", pabirong tanong ko.
" Naubos ni Sir Vince ang lakas ko eh," siraulo talaga.
Nagmamadali akong pumila at si Lira ay naghanap na ng mauupuan. Matapos ang ilang sandali ay dala ko na ang isang tray ng mga order namin habang may nakasunod sa akin na isa pang crew na dala naman ang isa pa. Kailangang maibsan ang gutom namin kaya madami dami ang dapat kainin. Palinga linga ako at kandahaba ang leeg kakahanap kay Lira.
"Besh!," sobrang lakas na sigaw na patili ng aking pakay. Natuwa naman ako at magandang pwesto sa isang sulok ang nahanap nya. Apatan ang silya nito, at may nakaupong....
Isang lalaking halatang matangkad na nababalot ng very formal 3piece suit. Agaw pansin ito dahil sa taglay na kakisigan, halos lahat ng tao ay napapatingin sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?," bulong ko sa sarili. Tila ako napako sa aking kinatatayuan at hindi na muling umusad pa. Nag angat ng tingin ang aking amo at matatag akong tiningnan sa aking mga mata. Lalong hindi ako nakakilos, nahinto ito sa pagnguya at tumayo, his eyes were glued to mine. Palapit nang palapit sa akin, parang napakabagal ng bawat kilos ni Sir Vince. Lahat ay naging mabagal, actually. Nang makalapit ay nag-angat ito ng kamay at kinuha sa aking mga kamay ang tray ng mga pagkain. Hindi ko alam kung sadya ba nyang idinikit ang kanyang mga kamay sa kamay ko, o assuming lang ako sa part na yon. Nang tuluyan na nyang makuha ang tray ay bahagya pa itong yumuko at pinantay ang aming mga mukha, napakalapit ng mukha nya sa mukha ko. Halos hindi na ako huminga.
"Ms. Alonzo, do you want me to kiss you?", he asked. Nabigla ako sa tanong nya, nag-init ang pisngi at sunod sunod na umiling.
"Then, close that mouth of yours." pahayag nya na agad ko namang sinunod. Ang lagabog ng puso ko ay hindi mapangalanan.
"C'mon, let's eat." yaya nito. Hindi agad ako nakakilos.
"For God's sake! ,Ms. Alonzo. I'm starving!" reklamo nito nang muling bumaling sakin.
"Kakain ka o kakainin kita?!," he whispered. Nanlaki ang aking mga mata at walang anu-ano'y mabilis na tinungo ang gawi ni Lira.