***
KABANATA 11
Napahinto kaming lahat habang tumatakbo dahil sa malakas na pag-ungol ng mga ito. lahat sila ay nakatingin sa kinaroroonan namin.
Matatalim ang kanilang ngipin at tumutulo pa ang mga laway nila habang nakatingin ang mga mapupulang mga mata sa amin. Wala akong masabi ni isang salita, nabara ang aking lalamunan ng kung ano at para kaming tuod sa aming kinalalagyan dahil ni isa sa amin ay walang gumalaw.
Randam na randam ko ang takot sa aking dibdib dahil sa lakas ng pagtibok nito at sa bilis ng pagtibok sa aking dibdib.
"Sa-saan na tayo?" alanganing tanong ko.
Nilingon ko ang kabahayan na malapit sa amin. Wala akong maisip kundi ang magtago sa isang bahay dito o anuman. Wala kaming magagawa kundi yun lang o ang tumakbo at itaya namin ang buhay namin.
"Bababa na ako. Kaya ko na rin naman at para maskomportable ka." saad ko sa kanya.
Hindi ko ininda ang sakit ng aking likod. Hinigpitan ni Tyrone ang hawak niya sa aking kamay, nginitian ko lang siya at tinanggal unti-unti ang aking kamay sa pagkakahgawak niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking pana at kumuha ng bala sa aking likod.
Wala kaming magagawa sa ngayon kundi ang lumaban at patayin ang mga ito pero tiyak na hindi naman namin sila makakaya dahil sa dami ng bilang nila. Mas mainam na magtago na lang muna kami at dapat mapanatili namin na sama-sama kaming lahat.
Kapag sama-sama kami ay maproprotektahan na in ang isa't-isa.
"Ano na ang gagawin natin?" tanong ni Joy sa akin habang mahigpit ang hawak niya sa kanyang palakol.
Unti-unti na silang lumalapit at parang natatakam na nila kaming tikman.
"Pagbilang ko ng tatlo tumakbo tayo pakaliwa kung saan andun ang bahay. Takbo lang ng takbo at dapat wag tayong maghihiwalay. KUng meron mang aswang sa harap wag kayong magdalawang isip na patayin ito dahil hindi sila mga tao." mahabang litanya ko sa kanila. "Wag tayong titigil sa pagtakbo, kailangan nating makarating sa loob ng bahay bago mahuli ang lahat."
Nilingon ko ang bewang ni Tyrone kung nasaan ang tubig na makakalunas kay Red. Nakita ko doon na mahigpit na nakatali.
"Kailangan nating madala ang tubig na iyan kay Red bago tayo mahuli." pahayag ko.
Nilingon ko ang mga aswang na nasa harapan namin. Unti-unti na silang lumalapit sa kinaroroonan namin itinutok ko ang aking pana sa kanila baka sakaling kung meron man ang susugod ay agad ko itong mapapatay.
"Isa...." pagsisimula ko sa pagbilang. "Dalawa....." hinigpitan ko ang hawak ko sa pana at inasinta sa aswang na medyo malapit sa amin. "Tatlo!" sigaw ko at pinuntirya ko ang isang aswang na lalapa na dapat sa amin pero buti na lang at naging alisto ako.
Tumakbo na rin ako sa kanila. Nasa likod lang nila ako habang kami ay tumatakbo. Walang tigil ang pagtakbo namin kahit alam naming wala kaming patutunguhan. Sumuksok kami sa iba't-ibang panig ng lugar na ito para makalayo lamang sa mga aswang.
Nagtago kami sa isang malapad at malaking bato.
"Asan ang patungo ng bahay?" tanong ni Kyle.
Nilibot ko ang aking paningin sa lugar na ito. Nasa may kapunuan kami sa may gilid ng kalsada. Ang alam ko lang ay angpapunta ng bahay ay diretsuhin lang ang daanan pakaliwa at makikita na ang bahay ngunit hindi naman kami pwedeng basta-basta na lang na tatakbo dahil may mga aswang na gumagala sa may kalsada.
"Malapit na tayo. Diretsolang tayo sa kaliwa makikita na natin." sagot ko habang hinahabol ang aking hininga.
Tatayo sana si Tyrone ng hinawakan ko ang kanyang kamay at paupuin siya bigla. Halos magkadikit ang aming mukha sa aking ginawang paghila sa kanya.
"Nakuha niyo pang mag-ganyan eh nasa gitna tayo ng pagpapatayan." ani Joy. Umayos naman ako.
"Anjan ang mga aswang wag kang tatayo tiyak na makikita nila tayo." pahayag ko sa kanya.
Sinilip ko ang mga aswang na nasa kalsada. Mas marami kanina ang humahabol sa amin kaysa yung mga andito.
Kumuha ako ng isang bala ng apana sa aking likod at inasinta ang isang aswang na malapit sa kalsada. Agad naman itong nagliwanag at nawala. Kumuha pa ulit ako ng isang bala ng pana at itinira sa isa pang aswang.
Sinenyasan ko ang mga kasama ko na dahan-dahan lamang tumayo at naglakad.
Iyon naman ang ginawa namin. Dahan-dahan kaming naglakad sa mga kapunuan papunta sa kaliwa. Isa isa kaming naglalakad at nagtatago sa kapunuan para hindi kami mahalata ng mga ito.
Narinig ko muli ang isang ungol ng isang aswag malapit sa kinaroroonan namin pero bago pa ito umungol ng malakas para magtawag ng kasama ay tumusok na ang aking pana sa kanyang lalamunan at ito ay nawala.
"Bilisan niyo pero wag lang kayong papahalata." bulong ko sa kanila.
Maslalo naman naming binilisan ang aming galaw.
Aksidenteng maynaapakan si Joy at gumawa ng tunog ito kaya lahat ng mga aswang ay napatingin sa amin kasabay ng pag-ungol nila.
"TAKBO!" sigaw ko at agad na kaming nagtatakbuhan lahat.
Inasinta ko ang isang aswang na humahabol sa amin at muli akong tumakbo ng mabilis kasabay ng mga kasamahan ko.
Bumukas ang isang bahay at nakita namin ang isang nakaputing babae na kumakaway sa amin. Biglang bumukas ang pintuan at hindi na kami nagdalawang isip pa na pumasok doon at isara agad ang pintuan ng bahay.
Madilim na paligid ang sumalubong sa amin sa loob. Para kaming bulag na walang makita.
"Belle?" tawag sa akin ni Tyrone.
"Andito ako." bulong ko. "Joy, Kyle?"
"Andito ako sa tabi mo at andito rin si Kyle." sagot ni Joy sa akin.nakahinga naman ako ng maluwag.
"Tao po?" tawag ni Tyrone sa loob ng bahay dahil may-isang babae kaming nakita kaninan na kumakaway sa amin.
"Asan pumunta yung babae? Diba nakita natin?" tanong ni Kyle.
KInapa ko ang aking katabi. Alam kung si Tyrone ito.
"K-kaaninong bahay ba ito?" bulong ni Joy sa akin.
"Hindi ko alam."
Halos mapatalon kami sa gulat ng biglang bumukas ang ilaw ng bahay. Napapikit ako ng aking mga mata dulot ng liwanag na nangagaling sa bahay.
Napatingin ako sa sahig at nakita ko si Joy na nakahandusay na dito pati narin sila Tyrone at si Kyle.
Inangat ko ang aking paningin at kasabay nun ay isang babae habang may hawak na basball bat at bigla na lang niya akong hinampas sa aking ulo at nawalan ng malay.
***