Kabanata 10

1048 Words
Ang pakpak niya na pumapagaspas ay naririnig namin mula sa baba habang siya ay nakatingin sa aming kinaroroonan habang nakangisi. Ang mga matatalas niyang ngipin ay nakakatakot at ang mga mata niyang nakatingin sa amin na para bang kakainin niya kaming lahat o anuman. "A-ano 'yan?" tanong ni Joy kahit alam naman niya kung ano ang nasa harapan namin. Hindi ako makapaniwala na makakaharap ako ng isang manananggal na akala ko ay hindi totoo sa totoong buhay. Pero ngayon, totoo na ang nasa harapan namin. Isang babaeng putol ang katawan habang nakasuot ng isang puting bistida habang ang mga buhok nito ay mahaba. "Mga tao..." nakakakilabot na saad nito sa amin. Napaatras ako sa aking narinig. Ang mga kasamahan ko ay natatakot narin katulad ko. Hindi na namin alam ang gagawin. Si Tyrone na sana kukuha na ng tubig ay nasa tabi ko na ngayon habang hawak-hawak ang lalagyan ng tubig at nakatingin sa itaas. "Tingin ko ay masasarap ang inyong mga dugo." anito sa mababang boses. Dinilaan niya pa ang gilid ng kanyang labi habang muling ngumisi sa amin. "Wag kang lalapit." matapang na pahayag ni Kyle. Humalakghak ang manananggal na para banag iniinsulto lang kami.  Hinigpitan ko ng hawak ang aking pana. Napatingin naman doon ang mananggal at tyaka nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at agad na tinutok sa kanya ang pana. Hinila ko ito at tinira gamit ang isang bala nito pero mabilis lang niyang naiwasan ang balang itinira. "Lapastangan ka!" galit na singhal nito sa akin at agad na sumugod sa kinaroroonan namin. Agad kaaming umiwas sa kanyang atake. Nagpagulong ako sa lupa para makaiwas sa kanya at muling kumuha ng isang bala ng pana na nasa aking likod. Agad ko muling tinutok sa kanya at agad na tinira ito. Muli nanaman niya naiwasan ang aking tira. Nanginig ang kamay ko ng bigla siyang nanlilisik ang mga matang tumingin sa akin.  Hindi siya nagaksaya ng oras at agad akong inatake sa kinaroroonan ko.  Tumilapon ako sa isang malapad na kahoy at tumama ang aking likod doon. napadapa ako sa sahig habang namimilipit sa sakit ang aking katawan. nabitawan ko rin ang aking pana. "Belle!" sigaw ni Tyrone. Kahit masakit ang aking katawan at hindi ko kayang igalaw ito ay inangat ko parin ang aking paningin para tignan siya. Kahit nanlalabo ang aking mga mata ay nakikita ko silang takot na takot na nakatingin sa akin. Nginitian ko lang sila. Tumulo ang luha na galing sa aking mga mata. Tinignan ko muli ang manananggal na ngayon ay nakatingin sa kinaroroonan na ng aking mga kaibigan. Tinignan ko kuntg nasaan ang aking pana. Nakita ko na nasa harap ko lang. Medyo malayo ito sa kinakroroonan ko. Hindi ko naman pwedeng kunin iyon dahil mararamdaman ng mananggal at baka muli nanaman niya akong atakihin. "Ano ang akala niyo mapapaslang niyo ako? Pwes nagkakamali kayo dahil kayo ang papaslangin ko!" mabagsik na pahayag nito sa amin. "Parang-awa mo na. kailangan lang namin ng tubig ng talon para sa kaibigan naming naghihingalu." pahayag ni Tyrone sa kanya. Tumawa ito ng parang demonyo. "Awa? Wala sa aking bokabolaryo ang salitang awa mga bata! Humanda na kayo at magpaalam sa mga taong mahal niyo!" aniya habang may galak sa kanyang boses. Dahan-dahan akong pumunta sa aking pana. bawat galaw ko ay iniingatan ko. Ayaw kung makagawa ng tunog at baka mahalata lang ako. "Kung iyan ang gusto mo! Sige hindi kami natatakot na mamatay dahil sa pamamalagi namin dito sa bayan niyo ay parang patay na rin kami!" nagulat ako sa isinigaw ni Joy. Nilingon ko siya at nakita ko ang tubig na nangingilid sa kanyang mga mata.  Totot naman iyong kanyang sinabi. Nung oras na tumapak kami sa bayan na iyon ay parang patay na rin kami. Wala kaming kawala, wala kaming magagawa kundi ang makipaglaban at hi ndi matakot na mamatay. Ang buhay namin simula nung napadpad kami sa bayan na ito ay nilipad na papuntang langit. Dito na ata kami mamamatay, ito ata ang kapalaran naming lahat. Masakit mang isipin na wala na kaming kawala, naiisip parin namin ang aming mga magulang mga kaibigan na maiiwan. Pero kahit masakit man ay kailangan naming tanggapin na wala na kaming kawala pa. "Ganyan ang gusto ko matapang." aniya. Tumulis ang kanyang kuko at unti-unting lumalapit ito9 sa aking mga kaibigan, Hindi na ako nagaksya pa ng oras sa bawat paglapit niya ay sinasabayan ko siya para mapalapit sa aking pana at nung nasa harapan ko na ito ay agad ko ng kinuha at kumuha ng isang bala na nasa aking likod. "Hey, bitch." sigaw ko sa kanya. Tumingin ito sa akin at sa pagtingin niya iyon ay ang pagbitaw ko naman ng bala ng pana papunta sa kinaroroonan niya.  Sumigaw ito sa sakit at nagliwanag bago nawala. Doon na lang ako napahinga ng maluwag. Nginitian ko silang lahat. Agad na lumapit sa akin si Tyrone. Binigay niya ang lalagyan ng tubig kay Kyle para makakuha ito. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking ulo kahit nakapikit ang aking mga mata. Ipinatong niya ang aking ulo sa kanyang tuhod. Napamulat ako ng aking mga mata at tumambad sa akin ang mga mata niyang nag-aalala habang nakatingin sa akin. "Masakit ba?" tanong nito. Ngumisi ako na parang wala lang. "Hindi. Parang kagat lang ng langgam." pagsisinungling ko. Kailangan kung magsinungaling na ok ako para maging malakas sila. Ayaw kung problemahin pa nila ako. "Bubuhatin na kita pabalik. Ipikit mo na lang ang mga mata mo at pagmulat mo ay andun na tayo." aniya. Tumango ako at sinunod ang kanyang sinabi. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog doon. Nagising na lang ako ng bigla kaming huminto. Naramdaman ata ni Tyrone na nagising ako kaya tinakpan niya ang aking bibig. ramdam ko parin ang sakit sa aking likod. "Ssssshhhh." aniya. Napatingin ako sa kanilang tinitignan at nakita ko ang bayan na madilim. "Andito na tayo ngunit kailangan muli nating takasan ang mga hayop na nanjan." bulong nito sa akin. Bababa na sana ako ng bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Gusto kung bumaba na lang at hindi maging pabigat kahit hindi ko naman kayang tumayo dahil sa sakit nga aking katawan. "Pa-paano tayo makakarating sa bahay?" tanong ni Kyle. "Meron lang isang paraan para makarating doon." ani Tyrone. Tinignan ko siya. "Ano?" bulong ko. "Tumakbo." at pagkasabi niya iyon ay naramdaman ko na siyang tumatakbo papasok ng bayan at sa pagpasok namin kasabay ng mga ungol ng mga aswang na naroroon. Nanginig ang buong sistema ko at hindi ko alam kung makakaya naming lagpasin muli ito. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD