Chapter 1
(A/N: Hello po! Sana magustuhan niyo ang aking susulating kuwento. This is Unedited pa kaya may mga errors kayong makikita. Please vote and share po ng story na ito. KEEP SAFE EVERYONE)
“I want another round with you… you're a beast in bed, Kaito-kun.” Nang-aakit na sabi ng babaeng nakaniig niya.
“I'm sorry to inform you, but I only f*ck once, no second round.” Malamig na sabi ni Kaito dito.
“Damn you! I gave you what you want! I thought… I thought you were interested in me!” sigaw na nito sa kaniya. Well he didn't care at all.
“I am interested in the evidence you have… not you.” Mabilis na nagbihis si Kaito ng damit at kinuha ang USB drive na siyang ibinigay ng babae sa kaniya. He even forgot her name.
“Damn you! You brute! Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin!”
“I don't really care, Miss… Thank you for this. Gotta go!” mabilis na siyang lumabas ng hotel kung saan niya dinala ang babae. Napakadali lang sa kaniya kapag babae ang target. He will use his charm para makuha niya ang gusto sa mga kalaban.
“Hmmm… what am I gonna do to you, Matsumoto-san? Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo.” Malamig niyang sabi.
Si Kaito ay pinuno ng Yakuza sa Osaka, sila ang may pinakamalakas at pinakamalaking Yakuza sa Osaka, Japan. At alam ng lahat kung gaano siya kalamig at walang awa. Kung sinoman ang haharang sa dinaraanan niya ay inaalis niya agad sa kaniyang landas.
At ngayon nga ay ang target niya ay si Mr. Matsumoto. He ruined his plan para makuha ang isang diamond necklace na nagkakahalaga ng five million dollars.
Mabilis ang patakbo niya papunta sa kaniyang bahay sa Neyagawa. Iyon ang isa sa pinakamalaki niyang bahay sa Osaka. Doon din siya madalas na mamalagi. Mahigpit din ang seguridad ng lahat ng kaniyang bahay. He always makes sure his place is safe.
Pagdating sa bahay ay dumeretso siya sa kaniyang working place. Magsisimula na sana siyang magtrabaho nang malakas na tumunog ang kaniyang cell phone. Galing sa Pilipinas ang tawag.
“Miyata… do you have a problem there?” tanong niya sa kanang kamay niya sa Pilipinas.
“Kaito… hindi pa rin nagbabayad si Mr. Jim sa utang niya… at mukhang lubog na lubog na sila sa utang. The good news is, may anak silang babae na maganda, we can get her exchange of his father's debt. What do you think?” tanong ni Miyata sa kaniya.
“Get her then. Send her picture to my email, titingnan ko kung anong puwede kong gawin sa kaniya… I will call you kung ano ang magiging desisyon ko.”
“Okay, Kaito… pero kung ako ang tatanungin, I will keep her.” Pabiro nitong sabi sa kaniya.
“Shut up… women are just a toy in bed. They can be a bed warmer, but women are devils… always remember that.” Malamig niyang sabi dito.
“Let’s see, Kaito… dahil kung hindi mo matipuhan, let me have her.” Seryoso nitong sabi sa kabilang linya.
“Whatever!” sabi niya sabay baba ng cell phone. Huminga siya nang malalim at sinimulan na ang pagtitipa sa kaniyang computer habang inilagay ang USB na nakuha niya sa babae.
“Ang dami mo talagang baho, Mr. Matsumoto… I will make sure to get even with you.” Malamig niyang sabi at trinasfer lahat ng files na nasa USB sa kaniyang computer. Kailangan niyang itapon ang USB para hindi siya ma-trace. Pagkatapos ng kaniyang transaction ay sinunog niya agad ang USB.
Akmang isasara na niya ang kaniyang laptop nang makita niya ang notification sa email niya. Agad niya iyong binuksan at nagulat sa larawan ng babaeng ipinasa sa kaniya ni Miyata. Napanganga siya at hindi maintindihan ang sarili kung bakit napatitig siya sa matamis nitong ngiti. She's like a baby, very innocent.
Nagulat pa siya nang malakas na tumunog ang kaniyang cell phone.
“Miyata, nakita ko na ang larawan ng anak ni Mr. Jim.” Mabilis niyang sabi kay Miyata.
“And what is your decision? I want her, Kaito.” Seryoso pa rin ang boses na sabi ni Miyata sa kaniya. Kumuyom ang kaniyang kamao.
“You can't have her.” Umiigting ang panga niyang sabi dito.
“And why is that? Ngayon lang ako humingi ng pabor sa 'yo, Kaito… ibalato mo na lang siya sa akin. I can protect her–”
“I said you can't have her! She's going to be mine.” Nagulat si Kaito sa sinabi niya. Never in his wildest dream na masasabi niya ang mga katagang ‘yon. Malakas na tumawa si Miyata sa kabilang linya.
“Are you serious? There's a lot of women, Kaito… don't play with her, she's innocent and–”
“And I want her. Dalhin niyo siya dito sa Osaka. Mas lalo niyong gipitin si Mr. Jim. Takutin niyo kung ayaw pa ibigay ang anak na pambayad ng utang nila… naiintindihan mo ba?”
Malakas na napabuntonghininga si Miyata.
“Copy… remember this, Kaito… don't fall for her, baka siya ang maging kahinaan mo. Remember, marami ang kalaban natin, naghihintay lang sila ng butas para pabagsakin tayo. So, be careful.” Sabi ni Miyata sa kaniya bago ibinaba ang tawag.
Malakas siyang napabuntonghininga sa sinabi nito.
“What he's thinking? Akala niya ba gano'n ako kadaling ma-in love sa isang babae? I just want her to be mine, to warm my bed. And if I'm done with her, I will throw her like trash.” Kuyom ang kamao niyang sabi. Pinatay niya na ang computer at nagtungo na sa kaniyang silid para matulog.
*
Samantalang, nagulat ang pamilya Jim nang pasukin sila ng mga kalalakihan. Napahawak si Milyn sa braso ng ama.
“Good evening, Mr. Jim… how are you? It's been six months, right?” sabi ng lalaking mukhang lider ng mga ito.
“D-daddy… kilala mo ba sila?” nanginginig sa takot na tanong ni Milyn sa ama.
“A-anak, pumasok ka na muna sa silid mo–”
“She can't go, Mr. Jim… dahil siya ang magiging bayad mo sa malaki mong utang sa amin. Our boss wants your daughter.”
“Hindi ako papayag! Magbabayad naman ako, just… just give me a little more time para mabayaran ko ng buo ang utang ko.” Pakiusap ng kaniyang ama.
“Daddy… bakit hindi mo sinabi ang tungkol dito… eh di sana ay natulungan kita.” Wika niya sa ama.
“I'm sorry anak, gusto ko lang namang palaguin ulit ang ating kompanya… pero wala eh.” Naghihinang sabi ng kaniyang ama.
“A-anong g-gagawin natin ngayon, Fernando? K-kunin nila si Milyn!” natatakot na sabi ng kaniyang ina.
“Gagawa ako ng paraan. Pakikiusapan ko sila.”
“Daddy… natatakot ako.”
“Tama na nga ang drama ninyong mag-anak diyan! Wala na kayong magagawa dahil inutos na sa amin ni Boss na dalhin ang anak niyo bilang pambayad. O baka naman, gusto niyong magsama-sama na lang sa impyerno?” pananakot ng lalaki sa kanila at may kinuha sa likuran nito at itinutok sa kanila ang baril.
Halos manginig sila sa takot. Gusto niyang sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibing niya.
“What? Nasaan na ang tapang niyo? Gusto niyo bang sunugin ko ang bahay niyo, hanggang sa maabo na lang kayo?” nakangising tanong ng lalaki sa kanila.
Tinipon niya ang kaniyang lakas. Kung isasakripsiyo na ang sarili at sasama siya masisigurado niya ang kaligtasan ng kaniyang mga magulang. Kailangan niyang maging matapang.
“S-sasama a-ako sa inyo!” malakas niyang sigaw sa lalaki. Sandali pa itong nagulat sa ginawa niya, ngunit malakas na tumawa kinalaunan.
“You're a brave huh! I like it… mas matapang, mas masarap–”
“Shut up! Don't you dare insult me! I'm not a toy, you moron!” nanginginig na si Milyn sa galit.
“Huwag mo ng sayangin ang lakas mo babae… Ren, dalhin mo na ang babaeng ‘yan. Be gentle with her, kay boss ‘yan.” Narinig na bilin ng lalaki sa kasamahan nito.
“No! Anak, gagagwa ako ng paraan, huwag kang sumama sa kanila! Masasama silang tao! Halang ang kanilang kaluluwa!” sigaw ng kaniyang ama.
“Mas gugustuhin ko pang sumama sa kanila kaysa ang mamatay na hindi man lang lumalaban. Don't worry about me dad, kaya ko ang sarili ko.” Pinatapang niya ang kaniyang boses kahit na nga ba ang totoo ay pinanghihinaan siya ng loob.
“A-anak… please, huwag mo ‘tong gawin… kami na lang ang dalhin niyo! Huwag na ang anak ko!” sigaw ng kaniyang inang si Lousia.
“Wala kayong pakinabang sa amin… men, let's go!” malamig na utos ng lider ng mga lalaking dumukot sa kaniya.
“Milyn! Ibalik niyo ang anak ko!” malakas na sigaw ng kaniyang ina.
“Mom, dad, magpakatatag kayo, I'm going to be fine. Promise ko ‘yan sa inyo.” Kahit walang kasiguraduhan sa buhay na haharapin ay pilit niya pa ring patatagin ang kaniyang mga magulang. Sa huling sandali ay nakita niya ang mukha ng mga ito habang umiiyak at tinatawag ang kaniyang pangalan.
“Huwag kayong mag-alala, mom, dad, gagawin ko ang lahat para makalaya sa mga sindikatong kumuha sa akin.” Pangako niya sa kaniyang sarili.
“Miss…” tawag ng lider ng lalaki sa kaniya. Nilingon niya ito at bigla na lang may pinaamoy sa kaniya gamit ang panyo. Ilang sandali pa ay nakatulog na si Milyn.
*
Nagising si Milyn dahil sa pagkirot ng kaniyang ulo. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng lugar. Marangya ang kinaroroonan niya.
“Nasaan na ako? Saan nila ako dinala?” Sunod-sunod niyang tanong. Nang ma-realize ang nangyari ang pagkuha sa kaniya ng mga lalaki ay napatingin siya sa kaniyang suot na damit. Nakahinga siya nang maluwag dahil suot niya pa rin ang mga damit niya.
“Ang sakit naman ng ulo ko. Gagong lalaki ‘yon ah, pinaamoy ako ng pampatulog. Karmahin ka sana.” Bulong ni Milyn. Bumaba siya sa kama at hinanap ang banyo. Nata-tae na kasi siya.
“Nasaan ang banyo dito? Bakit ba naman kasi ang laki ng kuwartong ‘to.” Reklamo niya. Nang makarinig nang lagaslas ng tubig ay agad niya iyong sinundan. Binuksan niya ang pinto at nagulat sa nakita.
“Ahhh!!! Ang laki ng anaconda!” malakas niyang sigaw sabay sipa sa lalaking kaharap niya.
“Ouch! Damnit!” sigaw ng lalaking hubo’t-hubad na nakaharap sa kaniya.