KEVIN
Yes! Gagala na naman kami ng Bro Kenji! Naisulat ko na mga ipapabili ko para sa birthday ko. Sabi niya sa akin kanina mamimili daw siya ng ingredients para sa birthday ko. Wala pa akong idea kung anong gagawin niya, mabuti nalang talaga nand'yan si Bro.
Excited na ako!
Nakasakay kami sa kotse, three days after namin pumunta sa mall, ngayon nalang ulit nakalabas ng bahay. Kahit papaano refreshing ang paligid, maaliwalas. Mabuti nalang dala ko ang digital camera ko para makakuha ng pictures.
Marami sana ako planong puntahan ngayon pero mukang hindi ako papayagan ni Bro lumabas ng kotse, madami pa naman akong bibilhin ngayon since di kami nakapamili noong nasa mall kami ni Bro.
Ilang minuto din na pagmamaneho, nakarating din kami sa bayan. Nasa tapat kami ng isang restaurant. May malaking flower garden sa tabi ng parking lot.
Ugh, gusto kong picturan 'yon! Daming butterflies!
"Okay Kevin, alam ko na nasa isip mo. Makinig ka ng mabuti ah. Wag kang lalabas ng kotse hanggat wala ako. Maliwanag ba? Take-out lang ako ng pagkain natin, dito na tayo mag mi-meal sa kotse. Hindi tayo pwede magtagal, madami akong aasikasuhin ngayon. Maliwanag ba?" paliwanag ni Bro Kenji. Tumango ako sa kanya, "Good, stay there."
After noon, lumabas siya ng kotse at pumunta sa restaurant.
Okay, hindi ako pwede lumabas sabi ni Bro.
Ayoko talaga! Naakit ako lumabas. Pinikit ko mata ko para di ko makita 'yung garden. Hanggang sa may butterfly na dumapo sa windshield.
Agad ko kinuha 'yung camera at saka ko pinicturan. Ikang sandali lang, lumipad naman iyon palayo.
Whaaaa!!
Wala pa naman si Bro Kenji, kaya lumabas ako saglit dala ang camera.
Lumapit ako sa paru-paro na dumapo sa bulaklak at saka ko pinicturan. Hehe, may panibago na naman akong malalagay sa photo album ko.
Lumipad ulit iyon at saka dumapo sa ibang bulaklak, pinicturan ko ulit. Sinundan ko ng mabuti at tinutukan ng camera ang paru-paro hanggang sa lumipad palayo.
Pagkalipad niya, bigla nalang akong nabangga sa matigas na bagay. Nawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig.
"Ouch..." napahawak ako sa noo ko.
"Ayos ka lang ba?" nalingon ako sa nagsalita.
Lalaki siya, medyo tisoy. Napansin ko na dinadampot niya ang mga nagkalat na sako ng mansanas sa lupa. At nabangga ko siya.
"Sorry!" agad kong dinampot ang mga nagkalat na mansanas. Halos lahat ng laman ng sako, nabuhos. Kasalanan ko 'to.
Sabay namin dinampot ang mga nagkalat na mansanas sa sahig.
Hanggang sa gumulong ang iba palabas ng parking lot. Sinundan ko iyon hanggang sa may narinig akong tunog ng bell. Pagkalingon ko, may humaharurot na bike palapit sa akin.
"Mag-ingat ka!" sigaw ng lalaking nabangga ko. Naramdaman ko nalang na may humila sa likod ko. Tapos natapon ang mga mansanas na yakap-yakap ko.
"T-thank you." agad kong dinampot ang mga prutas at saka inabot sa kanya.
Naramdaman ko nalang na may nagulo ng buhok ko. "Sa susunod, mag-ingat ka para hindi ka madisgrasya. Ayos ba?" sambit niya habang nakangiti. Para siyang si Bro Kenji, akala ko papagalitan niya ako.
"Sorry ulit." sa kahihiyan ko, nagbow ako sa kanya. Napansin ko na nakataas ang binti niya kanang binti niya. "Hala may pilay ka!"
"Wag ka mag-alala, ayos lang ako."
"Pero nabangga kita."
"Sige, ganito nalang. Tulungan mo akonalang ako na makaupo doon sa bench, papahinga lang ako. Ayos ba?" sambit niya.
Tumango agad ako sa kanya. Ako na nagbuhat ng sako at saka kami naglakad paubo sa bench. Inalalayan ko siya na makaupo. Hanggang ngayon ang lakas parin ng kaba ng dibdib ko, paano kung lalong lumala ang pikay noya? Or worst, di na siya makalakad.
Whaaa... lagot ako kay Bro Kenji!
Nag prayer hand ako sa harap niya at pumikit, nag- "Sorry kanina Sir! Nabangga kita, natapos pa mga dala mo. Hindi ko talaga nakita. Wag mo sana ako isumbong kay Bro Kenji magagalit siya sa akin!"
Napansin ko na lltumalikod siya at saka tumawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
Pinunasan niya kanyang mata habang nakangiti, "Sorry- ngayon lang ako nakaencounter ng tulad mo. No, dapat ako magsorry sayo. Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko, nagpipicture ka pala sa garden namin."
Napatingin ako sa garden house sa likod namin, "Sainyo 'tong garden? Palagi kaming pumupunta ni Bro Kenji dito. Ngayon ko lang kita nakita." sambit ko. Madalas kami ni Bro Kenji dito kapag bumibili ng pagkain outside, ngayon ko lqng siya anencounter dito.
"Yep, matagal na ang parents ko dito. Nalipat lang ako since malapit dito ang college na mapapasukan ko." Ahh, kaya pala bago lang siya dito. Napatingin ako sa kanya, medyo madungis ang suot niya pero mukang hindi naman siya masamang tao. "Sorry, medyo gusgusin ako, inaayos kasi namin ang family business namin. Kasama 'tong mga sako ng prutas na bitbit ko." sabay tapik niya sa sako ng mga prutas.
Napatingin naman ako sa binti niya na may benda, "Ano bang nangyari sa paa mo at napilay ka? Natatakot ako na baka lumala dahil sa akin."
Kumaway siya sa harap ko, "No worries, maayos naman ang lagay ko. Pagaling na din 'to. Nasprain lang ako noong nagbabasketball ako, kasama 'to na laro." kaya natatakot ako mag basketball, natatakot ako mapilayan sa paa. "Oo nga pala, hindi ko pa alam ang pangalan mo."
Napakamot ako ng ulo, "Sabi ni Bro Kenji wag daw ako makikipagkaibigan sa hindi ko kilala." nang sabihin ko iyon, natawa ulit siya.
"Sorry, last na iyon. Hindi na mauulit." hindi parin siya tumigil. Nagsalubong lang ang kilay ko sa kanya, "Sorry. Okay, ayos na ako. Call me Austin." pinunasan niya ang kqnyang kamay sa damit niya at saka nilahad sa akin.
"Kevin!" inabot ko kamay ko at saka nag handshakr kami. First time ko lang na may nakahandshake. Nakakatuwa.
"Halos parehas pala kau ng name ng Bro Kenji mo."
"Twin brother ko kasi siya." sagot ko.
"Ganoon ba?"
"Pwede din naman kita maging Bro."
Napaisip siya, "Hindi mo pa ako kilala, brother agad. Siguro pwede muna tayo maging friends?" Friends.. pwede ba mangyari iyon? Sa buong buhay ko wala pang nag-offer na maging kaibigan ako maliban kay Bro Kenji.
Lumapit ako sa kanya, "Ibig sabihin friends na tayo?!"
Ngumiti siya sa akin at saka ginulo ang buhok ko, "Oo naman, magkaibigan na tayo. Pwede ka pumunta dito sa garden house namin anytime, welcome ka. Pwede mong picturan lahat ng paru-paro dito sa garden, tawagin mo lang ako." biglang lumakas kabog ng dibdib ko sa sinabi niya, seryoso ba siya? Ako, gusto niya maging kaibigan? Tinignan ko siya, mukang hindi siya nagbibiro.
"Talaga?!" tanong ko, tumango siya sa akin. Hinawakan ko magkabila niyang kamay at saka kqmi nag handshake, "Thank you Austin!"
Yeeeees! May friend na ako!
"Kevin!" si Bro Kenji, tinatawag na ako. Nag-aalala na iyon sa akin. Hindi ako pwede makita ni Bro Kenji dito, magagalit iyon sa akin.
"Si Bro Kenji na iyon, panigurado hinahanap na niya ako. Sorry, kaikangan ko nang bumalik sa kotse. Kita nalang tayo next time." malungkot kong sambit sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin.
"Sure, punta ka lang dito. Ako bahala sayo." masaya niyang sambit. Napansin ko na may kinuha siyang bottled of water at saka dalawang mansanas. Hinugasan niya iyon at saka inabot sa akin, "Sayo nalang 'yan, friendship-gift ko. . Sorry 'yan lang mao-offer ko." nilapag niya iyon sa kamay ko.
Tumayo ako at saka ang bow, "Thank you Austin! Thank you sa apples!!" matapos noon, nanakbo na agad ako papunta sa parking lot.
Nabigla ako nang yakapin ako ni Bro Kenji, "Kevin!!! Thanks God! Saan ka ba nagpunta? Nag-aalala ako sayo. Hindi ba sinabi ko sayo na wag kang lalabas ng kotse? Hindi ka naman nakikinig sa akin." sermon ni Bro Kenji.
Kita ko sa kanya na malungkot siya, pawis na pawis. Nag-aalala siya sa kakahanap sa akin.
Yumuko ako sa kanya, "Sorry Bro Kenji, may nakita akong butterfly- sinundan ko. Pero hindi naman ako lumayo." sambit ko sa kanya. Ginulo niya ang buhok ko at saka inakbayan ako.
"Fine, wag mo na gagawin iyon sa susunod ah. Pumasok na tayo sa loob. Nagugutom na ako. After nito, bili na tayo ng mga kailangan natin. Okay ba?" sabay taas niya ng meal na nabili niya. Tumango ako sa kanya.
"Bro Kenji!" pinakita ko sa kanya ang dalawang mansanas. Inabot ko sa kanya ang isa.
"Saan ito galing?" tanong niya, ngumiti lang ako. Bigla pinisil ang pisngi ko. "Thank you Kevin.."
After noon, pumasok na kami sa kotse at kumain ng food. Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko na may kaibigan na ako.
Sana maging bestfriend kaming dalawa.