KENJI
Dumating na ang araw na hinihintay ni Kevin, birthday na niya!
At ayon sa plano ko at ng parents namin, nagcelebrate kami out of town. Pumunta kami sa resort na pagmamay-ari ng parents ko four years ago. Unang lupain na naipundar ng family namin bago pa sila umalis ng ibang bansa.
At ito din ang unang beses na makakapunta si Kevin dito.
Tanaw sa kanya ang malapad na ngiti habang nakatingin sa malawak na scenery ng lugar. Tanaw ang mga naglalakihang bundok, ngayon ko palang siya nagala sa mga ganitong lugar. Masaya ako at nagi-enjoy siya na kumuha ng mga litrato.
Medyo mahaba-haba din kasi ang byahe namin, mahigit tatlong oras. Mabuti at nasa kondisyon pa si Kevin hanggang ngayon. Kadalasan kasi kapag nasa byahe kami kundi susuka, makakatulog. Mabuti nalang talaga nasa mood si Kevin ngayon, malapit na rin naman kami sa destinasyon namin.
“Bro Kenji, malapit na ba tayo?” tanong niya.
Nangiti ako sa kanya, “Almost there. Nagugutom ka naba?”
Umiling siya, “Hindi pa naman, may baon akong mga chocolate. Kanina pa ako kumakain hehehe.” napasalubong kilay ko sa kanya.
“Next time minimize mo na pagkain n'yan, sasakit lang ngipin mo.” sita ko.
“Aww...”
“I'm serious. Kapag sumakit ang ngipin mo wag kang lalapit sa akin.” banta ko pa. Mukang nainis siya sa akin.
“Hmmp!” hays, hirap niya minsan pagsabihan.
Ilang minuto pa ang kumipas, nasa taoat na kami ng resort, “Nandito na tayo...”
Nang makarating na kami sa resort, di na kami dumiretso sa reseption room. Since isa kami sa mga home owners, nagdirediretso na ako magmaneho papunta sa tutuluyan namin.
Pagkahinto ng kotse, “Woaaah...” kita ko pagkamangha ni Kevin. Hindi dahil sa bahay. Doon na tumambad ang malawak na dalampasigan na may purong buhangin. Agad na bumaba si Kevin sa kotse at nanakbo papunta sa dalampasigan.
“Tara Bro Kenji!!!” aya niya sa akin habang nananakbo papunta sa puting bubanginan.
Mag-aayos pa sana ako ng gamit namin pero pagkababa ko ng kotse, nang bumalik siya at hinila niya ako papuntang dalampasigan.
Asul na tubig at purong buhangin. Ang mga paa namin lumulubog, nakakawala ng stress. Matagal na din noong huli ako pumunta sa lugar na ito. Ang ganda ng nalalapit na paglubog na araw, nakaharap sa amin. Parang nasa isang malaking larawan na nakapaskil sa pader, ang sarap tignan. Sabayan pa ng malamig na ihip ng hangin, nakakadala ng emosyon.
Ganoon din kaya si Kevin?
Panay kuha ng litrato ni Kevin sa buong dalampasigan. Kita sa kanya ang tuwa habang tinitignan ang mga nakuha niyang picture.
Lumapit ako sa kanya at saka umakbay, “Ito ang regalo ni Mom at Dad sa iyo. Sana nagustuhan mo..” bulong ko.
“Thank you Bro Kenji.” bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Masaya na ako kapag nakikita kong nakangiti si Kevin, wala na akong ibang gusto pang makita.
“Happy Birthday...” bulong ko sa kanya. Lalong humigpit ang yakap niya. Ilang saglit lang humihikbi na siya. Hinimas ko ang likod niya sabay marahan na tapik. “Shh, you're such a crying baby. Remember, bigboy kana. Hindi kana dapat umiiyak. Enjoy your day, birthday mo ngayon. Bawal ka malungkot.”
“Because of you, nakapunta ako sa dream destination ko. Thank you Bro.“ lalo pa siyang hunagulgol sa balikat ko.
“You're welcome Bro.” sabay punas ko sa pisngi niya. “Basta wag ka na iiyak ah, papangit ka nyan.”
“Hehehhe.” sabay punas niya sa pisnhi niya. Ginulo ko ang buhok niya. Para talaga siyang tuta.
Takte, ang cute niya!
Huminga ako ng malalim, “Dito ka muna, aasikasuhin ko lang dinner natin. Mag-ikot ikot ka, wag kanl lang lalayo, hindi mo pa kabisado ng lugar dito. Lastly, wag kang pupunta sa tubig at baka maaksidente ka. Maliwanag ba?”
“Okay Bro!” sabay saludo niya. Matapos noon, nanakbo na siya sa buong dalampasigan.
* * *
Palubog na ang araw pero hanggang ngayon hindi parin siya bumabalik.
Tapos na din ako maghanda ng pagkain namin, nakaready na kasi lahat ng pagkain bago pa kami pumunta dito sa resort. Mga pangregalo nila mom at dad kay Kevin, nakahanda na last week pa bago pa sila mag video call.
“Saan na kaya iyon?”
Matapos ko maglinis ng kusina, lumabas na ako ng bahay para hanapin si Kevin. Nakita ko siya sa dalampasigan nakaupo habanh nakatingin sa malawak na dagat.
Papunta na sana ako kay Kevin nang biglang magring ang phone ko. Si Mom, tumatawag.
“Mom, napatawag po kayo, si Dad po nasaan?”
“Ahhh. Bumili din ng cake dito. Alam mo naman iyon, may pagka-stage daddy. Naistorbo ko ba kayo d'yan?” tanong ni Mom. Napatingina ako kay Kevin, nakangiti siya habamg nakasikay sa malawak na dagat.
“Hindi naman po Mom, masya ngayaon si Kevin sa pahpipicture sa resort.”
“Good to hear.”
“May problema po ba?”
“Wala naman. Nanaginip lang ako tungkol kay Kevin. May pagbabago naba sa kanya?” masama kutob ko da tono ng boses ni Mom.
“Hanggang ngayon umaasa parin ako Mom.” sagot ko.
“As i expected—”
Diniretso ko nang tanungin si Mom, “Wag n'yo pong sabihin na gusto n'yong dahil d'yan si Kevin para ipagamot.” napabugtong hininga si Mom. I knew it.
“Kenji, alam mong habang tumatagal lalong mahihirapan si Kevin. Maraming magagaling na doktor dito sa state—”
“Sorry Mom, hindi ako papayag.” mariin kong sambit.
Ayokong isugal ang buhay ni Kevin doon oara lang ipacheck-up at painumin ng kung-anu anong gamot ang kambal ko. Iyon ang dahilan kaya hindi kami sumunod sa parents namin.
“Natatakot ako para kay Kevin. Darating ang araw na bubukod ka, magkakapamilya ka na at..”
“Wala sa plano ko ang iwan si Kevin, kahit anong mangyari. Espesyal sa akin si Kevin, at nakakasigurado akong hindi mangyayari ang kinatatakutan mo.”
“Kenji...”
“Mom, kailangan ko lang magtiwala kayo sa akin. Maari po ba?”
“Yes baby Kenji, may tiwala ako sayo.” kahit papapaano nakahinga na ako ng maluwag.
“Sige po Mom, ibaba ko na ito. Tawagin ko po muna si Kevin umuwi, hanapin mo na din po si Dad. Magsi-celebrate na tayo ng birthdya ni Kevin.” masaya kong smabit kay Mom.
“Thank you Baby Kenji. Tawagin ko na din ang Dad mo..” wika ni Mom matapos noon, ibinaba niya ang tawag. Ramdam ko sa tono ng boses niya na hindi siya sang-ayon sa sinabi ko.
Alam ko nag-aalala si Mom para sa kalagayan ni Kevin pero hindi ako makakapayag sa gusto nilang mangyari. Matagal na akong nangako sa sarili ko, hanggat kaya kong protektahan ang kambal ko— gagawin ko.
At hindi ako papayag na may ibang taong maglalayo sakin, sa kanya.
Napansin ko si Kevin na kumakaway sa akin. Kinawayan ko siya at saka nilapitan, tinabihan ko siya umupo sa buhanginan.
“Bro Kenji, alam mo ba kung sino nakatira doon sa kabilang bahay?” tanong niya sa akin.
“Why Kevin, may problema ba?” tanong ko.
Lumungkot ang reaksyon niya, “Nakita ko kasi siya na nakasaklay, buong araw nakaharap sa dagat. Mukang malungkot. Parang may hinihintay siya. Namiss ko sila Mom at Dad.” sambit ni Kevin habang tinitignan ang nakuha niyang litrato.
Tanaw dito sa kinauupuan namin ang bahay na tinutukoy ni Kevin. At ayon sa kuha ni Kevin na litrato, mukang malayo ang tingin nito sa dagat. Ganoon din ang naramdaman ko nang tignan ko ang mga litrato na kuha niya.
“Namis mo naba sila Mom and Dad?” Tumango sigmya habang nakayuko. Narinig ko si Kevin na napabugtong hininga. Inakbayan ko siya at saka ginulo ang ulo, “Ayos lang nan na malungkot para sa iba, konting simpatya. Parehas natin na miss parents natin, sa tingin mo masaya sila kapag nakita nila na malungkot tayo? Wag mong hayaan na maapektuhan ka ng mga taong nasa paligid mo. Remember, birthday mo ngayon, at icm-cecelebrate pa narin ang Birtbdya mo na kasama sila. Siguro naman ayaw mong makita nila na malungkot ka?” ngumiti siya sa akin matapos ko sabihin iyon.
“Bro Kenji! Thank you...” hindi ko parin makita ang cheerful side ni Kevin.
“Malungkot ka parin eh.” sabay tusok ko sa tahiliran.
Nabigla siya at saka umatras sa akin, “Wag Bro! Ack!” sabay tusok ulit sa tagiliran niya.
Ngunisi ako sa kanya, “Ayaw mo ngumiti ah, lahot ka sakin.” lalapitan ko sana, bigla akong binasa ng tubig sa muka sabay nanakbo palayo.
Ang alat ng tubig!
Tumingin ako sa kanya at saka bumungisngis. Lagot talaga siya sa akin.
Hinabol ko siya, nagtakbuhan kami sa buhanginan na para bang mga bata. Malapit ko na sana siyang mahuli nang biglang natalusod si Kevin. Nawalan ako ng balanse at nadapa ako paharap sa kanya.
Napapikit ako nang humampas ang buhangin sa paligid.
Nang kumalma na ang paligid, nakita ko si Kevin na nakahiga sa buhanginan. Natahpuan ko ang sarili ko na nakapaibabaw sa kanya habang nakatungkod ang magkabila kong siko sa buhanginan.
Ilang pulgada ang layo niya sa akin.
Tama, siya ang taong poprotektahan ko hanggat makakya ko.
Espesyal si Kevin para sa akin.
“Bro... may problema ba sa muka ko?” tanong niya sa akin. Hinawi ko ang buhok niya taas, nasilayan ko ang buong itsura ng kambal ko.
“Kevin..” ang tingin niya sa akin, ang inosente. Siya ang taong hindi mo paghihinalaan na gumagawa ng mga kakaibang bagay.
Gumalaw siya, doon ako bumalik sa katinuan, “Umm, bro. Medyo mabigat ka hehe.” natauhan ako nang sabihin ni Kevin iyon.
Agad akong tumayo at tinulungan siyang bumangon, “S-sorry Kevin..”
“Ayus lang Bro hehehe.” Narinig ko na biglang kumulo ang tyan niya, tapos sumunod na ako, “Hehe cute ng mumu sa tyan naten.”
“Panigurado nagugutom na mga mumu sa tyan naten, bumalik na tayo. Nakaready na birthday gift namin s'yo.” sambit ko sa kanya. Nakita ko ang paglapad ng ngiti niya.
“Yehey! Thanks Bro!” nakangiti niyang sambit sabay hawak sa kamay ko, “Tara na?”
Lumakas kalabog ng dibdib ko, ngayon lang ulit kami nagkahawak ng kamay. Nakabungisngis siya habang hinihila niya ako pabalik sa bahay.
Tama tong nararamdaman ko, iyon ang mga ngiti na gusto kong protektahan. At ayokong masira iyon ng kahit na nimo man.